Heaven Venice Geronimo “Sh*t!” Grabeng katangahan ko na umasa agad akong magiging okay kami ni Jacob dahil may nangyari sa amin! Mas lalo akong naiyak. Tahimik akong humikbi. Ayokong malaman ng nasa loob na may tao dito sa labas. Nag-uusap pa rin sina Jacob at Jewel sa loob ng office. Hindi ko na naintindihan kung ano pa ang pinagsasabi nila. Pero parang panay ang beg ni Jewel kay Jacob na mahalin siya. Naririnig kong nag-a -I love you siya. Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko. Awang awa tuloy ako sa sarili ko habang nakaluhod pa rin sa sahig. Tumingin ako sa paligid at baka may taong paparating pero wala naman akong nakita. Pinilit kong tumayo kahit nanlalambot ang mga tuhod ko. Ang bigat na nang paghinga ko. Ayaw pa rin na huminto ng pagluha ko. Basa na naman ang pisngi ko dahil sa

