CHAPTER 35 - HEAVEN & JACOB

1663 Words

Heaven Venice Geronimo “Ughh…” Nasasaktang ungol ko nang ginalaw ko ang lower body. Naalimpungatan ako dahil naramdaman ko ang pananakit ng pantog. Naiihi na ako. Dinilat ko ang mata at bumungad sa akin ang dim na paligid. Patay ang ilaw at bukas ang bed lamp. Tinangka kong gumalaw muli at gumuhit na naman ang kirot sa katawan ko. Kirot na nagmumula sa p********e ko. Actually, buong katawan ko ang masakit. Para akong binugbog. Lalo na ang balakang ko pababa hanggang binti. Bumalik sa isip ko ang nangyari kung bakit humantong ako sa ganitong sakit ng katawan. “May nangyari na sa amin ng asawa ko. Hindi ‘yon panaginip.” Marahan akong bumangon. Wala na akong kasama dito sa kwarto ko. Sinandal ko ang likod sa headboard ng kama. Parang ayoko tuloy na gumalaw pero naiihi na talaga ako.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD