CHAPTER 46 - MIRACLE & JARRED Miracle Florence Geronimo “Good morning class!” Masayang bati ko. “Good morning, teacher Miracle!” Maingay na bati ng mga bata sa akin pabalik. Napatingin ako sandali kung saan naka-upo ang Caballero twins. Pareho silang nakangiti sa akin ngayon. Natuwa siguro na ako na muli ang teacher nila simula ngayon. Kita ko ang kislap sa mata ni Rence Karlo at hindi ko naman na maiwasang kiligin sa bata kahit ama pa ito ng kinamumuhian ko. Ewan ko ba, may something sa bata kapag tinitingnan ko. Sabagay wala naman itong kasalanan sa akin kaya hindi ako dapat magalit dito. Labas ito sa galit ko sa daddy nitong walang puso. Hindi ko alam kung bakit biglaan ang naging desisyon ng head nitong school tungkol sa pagpapalit ng schedule ko. Isa lang ang naiisip ko kanin

