Heaven Venice Geronimo “’Wag ng matulala, Ma’am Heaven. Hayaan mo at mamaya ay ang Jacob na ‘yon ang matulala sa’yo. Sobrang sexy mo!” Binaling ko ang tingin kay Jasper na nasa may gilid ko lang at may inaayos sa buhok ko. Mantakin mo naman ang hidden talent ni Jasper at marunong pala na mag-ayos ng buhok. Nilagyan niya ng konting kulot ang straight kong buhok. Narito ako ngayon sa bahay niya at siya pa ang nag-offer na ayusan ako para sa kasal ko mamaya. Maaga niya akong sinundo kanina sa mansion. Ang paalam ko kay Ate Mira ay may out-of-town trip kami at pupunta ng Baguio para sa isang promotional event. Ang hindi niya alam ay araw na ng kasal ko. Dumeretso nga kami dito para raw makapag-ayos ako. Sinuot ko ang kahapon ko lang na binili na isang knee length white sheath dress na ¾

