Heaven Venice Geronimo “Sir Jacob, nandito na po tayo.” Sambit ng driver na Mang Noli ang pangalan. Kanina pa ako napapatingin sa dinadaanan namin habang papunta dito. Pumasok kami sa isang exclusive village dito sa may Makati. Habang nasa byahe ay hindi ako mapakali na katabi si Mr. Lavarias. Hindi pa rin mawala ang inis ko sa kanya kanina pa lang sa mall. Matapos niya akong sabihan na never niya raw akong ide-date kahit mag-asawa pa kami ay dinala niya ako sa isang salon. Pina-make-up-an niya ako. Habang inaayusan ng parlorista na todo puri at gandang ganda sa akin nakikita ko naman ang pagsimangot ni Jacob mula sa salamin habang busy sa pagtingin sa newspaper. Parang ayaw talaga nitong naririnig na may pumupuri sa akin. Hanggang sa natapos na akong ayusan ng parlorista. Sobrang s

