Heaven Venice Geronimo “What!? Biglaan naman? Wala siyang paramdam sa’yo tapos ngayon ay mamadaliin ka n’yang lumabas?” Sambit ni Jasper na kulang na lang ay magtaas rin ng kilay. Grabe naman kasi ang Jacob Lavarias na ‘yon. Hindi man lang nagtanong kung pwede akong lumabas ngayon. Hindi man lang inalam kung free ba ako o nagtatrabaho pa. Akala ng lalaking ‘yon ay binili na ang pagkatao ko at robot yata ang tingin sa akin na sunod-sunoran na lang. Bigla ko tuloy tinigil ang ginagawa ko sa laptop at nag-decide na mag-shutdown. Sa ngayon ay kaya ko pang tiisin ang ugali ni Jacob. Kung simpleng pagsusungit lang naman ay hahayaan ko na lang siya. Kesa naman na tubuan ako ng wrinkles na intindihin pa ang masama niyang attitude. “Ewan ko sa kanya, Jasper. Sige na makakaalis ka na. Mag-toothb

