Warning: with bed scenes Heaven Venice Lavarias Tumulo agad ang luha ko sa narinig. Kahit alam kong dapat ko munang kausapin ang asawa ko ay hindi ko ginawa. Sinarado ko ang pinto. Pero dahil sa labis na galit ay imbes na mahinang sara lang ang gagawin ko ay napalakas ‘yon. Baka narinig ‘yon ng asawa ko. Nagmamadali akong nagpunta ng kama at sumubsob do’n. Naiinis ako sa sarili dahil bigla akong naging iyakin. Hindi naman ako ganito. Mas masakit pa nga ang ibang kong pinagdaanan at kahit papaano ay kaya kong mag-control ng luha. Narinig ko ang pagbukas at sara ng pinto kaya alam kong pumasok si Jacob dito sa kwarto. Hanggang sa naramdaman ko ang paglundo ng kama. “Sweetheart?” Mahinang sambit ni Jacob naramdaman ko ang himas sa likod ko. Mas lalo akong naiyak. May tunog na ang iyak

