Heaven Venice Lavarias “What!?” Napataas ang boses ko sa sinabi ni Jacob. Labis akong nagulat sa binalita niya sa akin. “You heard it right. His wedding will be next month and we’re invited.” sambit ni Jacob habang nagtatanggal ng necktie niya. Nakaharap siya sa akin habang nakatayo at ako naman ay nakaupo sa kama. Kararating niya lang galing sa opisina. Maaga pa. Alas dos pa lang ng hapon pero nakauwi na ang asawa ko matapos ng meeting niya. Dito na siya dumeretso sa mansion namin. “Why? Nakabuntis ba siya? Wala naman siyang girlfriend ‘di ba?” Hindi pa rin makapaniwala na tanong ko. Isang linggo matapos ng honeymoon ay nakauwi na kami ngayon sa Pinas ay binalita naman ngayon sa akin ni Jacob na ikakasal na raw si Axel. “Well, kung tungkol sa girlfriend ay hindi ko na alam. Kilal

