MINT’S POV MATAPOS NANG PAMBUBUDOL ko kay Hera para maging girlfriend ko good mood ako parati simula pa kahapon pagkagaling ko sa bahay nila Hera at kagaya ngayon na maaliwalas na maaliwas ang awrahan ko. Masaya kasi ako dahil ang balak ko panliligaw kahapon ay nauwi na agad-agad sa jowaan.Oh di ba kagaling ko.Tatak ‘Roxas’ ata ‘to noh.Syempre pagbutihin ko at araw-araw ko pa rin liligawan ang aking irog na si Hera kasama ang kambal para naman maging maayos ang lahat.Mas maganda ‘yung close na close na kami talaga ng mga anak nito para naman wala ng palag pa si Hera baby ko. “Ito lang po ba, Dad ang bibilhin ho sa bayan?” Tanong ko pa kay daddy habang pinapasadahan ng basa ang pinabibili nito sa akin ngayon sa bayan na kailangan para dito sa farm.Tumango naman si dad kaya tinupi ko na a

