SERENE’S POV HINDI KO ALAM KUNG ANO ang mararamdaman ko ng mga sandali na ito habang kasama ang mga taong hindi ko kilala especially yung ama nila Sun na kung makatawag sa akin ng ‘baby’ ay para bang may relasyon kami at dinaig pa nito ang sanay na sanay sa endearment na iyon sa pagtawag sa akin.Nang ilang beses nitong itawag sa akin ay halos may kumalikot sa tiyan ko para makaramdam ng kiliti at ang puso ko na kung todo ang pagtibok ng wagas.Wala naman ako sakit sa puso pero dinaig ko pa ang meron dahil sa pagkalabog. Buhat ko pa rin ang kambal at hindi ako umalis sa tabi ni Sam at nila nanay at tatay na mga kapwa tahimik lamang. Pasimple kong tiningnan ang mga taong naroon at nagtaka pa ako ng bahagya ng mapatingin sa dalawang may edad ng babae at lalaki na parang maiiyak na ewan.Naka

