MINT’S POV HALOS MAPAMURA AKO ng sunod-sunod ng mawalan ng malay tao ang babae—si Serene.Mabilis ang kilos na sinalo ko ito at binuhat.Sa may malapit na hospital kami nagtungo habang ang kambal na anak nito ay kasama na nila dad at ng magulang nila Hermes.Hindi ko alam kung bakit kakaiba ang nadarama ko kanina ng haplusin ko ang mukha nitong may peklat.Ang bilis-bilis ng t***k ng puso ko na para bang nakikipagkarera.Hindi man nasagot ni Serene ang tanong ko kung saan nito nakuha ang peklat ay may ideya akong naisip.Umasa ako sandali kahit na ba naisip ko rin na baka masaktan lang ako.Alam ko na kabaliwan na ito na nahiling ko na sana si Serene at Hera ay iisa lamang.Sana… Nang titigan ko kasi ang makinis na parte ng mukha nito ay si Hera ang nakikita.I miss her so much!Kasama ko rin dit

