SERENE’S POV HINDI KO MAINTINDIHAN KUNG bakit ganito ang nararamdaman ko ng mapagmasdan ang lalaki na ama ni Sun na tinutukoy nito kanina.Tinawag rin ako nito sa pangalan na ‘Hera’ na nagpapalito sa isipan ko ngayon kung sino ba yun at pangalawang beses ko na narinig na tinawag sa akin.Naalis lang ang tingin ko sa bagong dating ng magsalita si Sun at napalabi ako ng sabihin nito sa ama na may baby brother na ito at hindi lang yun sinabi rin nito ang pangalan ng kambal na nagpaawang sa labi ko dahil natandaan nito ng buo. Pakiramdam ko may saya akong nadarama.Nagulat rin ako ng magsalita ang kambal ko habang nakatunghay rin sa lalaki.Wala akong masabi at maisip na salita.Pasimple ko naman tiningnan ang reaksyon ng lalaki at mayroon akong nakikita na kung anong emosyon sa mukha nito.Tuwa at

