Chapter 14

1662 Words
TYLER POV Ilang oras din akong nakabantay dito sa room kung saan na-confine si nanay Mig. Hindi parin ito gumising kaya labis ang pag-alala ko sa kanya. Ganun din si Aaron at kanina pa ito paikot-ikot sa room. Ilang minuto rin ang nakaraan ay dumating sina tatay Endring kasama ang dalwang anak nila. Buti nalang nakapasok sila dahil dalawa lang kasi ang pweding bumisita sa pasyente. "Kumusta ang kalagayan ni Inay? Pambihira! Hindi sana mangyari ito kung hindi niya kinuha ang karton na yan!" ngiyak-ngiyak na salita ni kuya Jetro habang itinuro ang maliit na karton. "Baka importanti yan kaya binalikan niya. Buti nalang hindi malaki ang sugat na natamo ng nanay niyo. Ipagdasal nalang natin siya sa mabilisang pagaling niya." alalang salita ni tatay Endring habang hinihimas ang buhok ng asawa niya. "Tama ka tay! Mabuti naman ang kalagayan ni nanay ayun sa nurse kanina. Medyo magmamaga lang ng kunti ang sugat niya na natamo sa sunog. Wag kayong mag-alala! Malakas si nanay at alam natin yun." ngising salita ko sa kanila. Tango ang naging sagot nila. Nawala ang pag-alala nila dahil sa sinabi ko. "Gising na pala si nanay" masayang balita ni Ate Mergie sa amin. Nabaling ang atensyon namin kay nanay Mig. Yamot itong nakatingin sa amin lalo na sa asawa niya. "Para kayong namatayan sa itsura nyo. Ang sarap ng tulog ko pero inisturbo niyo ako. Kainis naman! Ang ingay kasi ninyo." natatawang sabi nito sa amin. "Sa kondesyon mo na yan may gana ka pang magbiro. Bakit mo ba kasi binalikan ang karton na yan? Pina-alala mo kami Honey Pie! Kung nasunog ka ng tuluyan baka letson kana ngayon." banat na salita ni Tatay Endring sa kanya. "Tay! Wag mo namang pagalitan ang honey pie mo! Baka magtatampo yan!" ngising salita ni kuya Jetro sa ama niya. "Honey Pie? Wow!! Infairness lumelevel-up na ang asawa ko. Diba nuong isang araw apple pie tapus kahapon Cherry Pie. Ngayon naman Honey Pie. Umalis nga kayo sa harapan ko ang init. Paypayan mo ako Endring!" banat na salita nito kaya di namin mapigilang tumawa sa sinabi niya. Nakitawa rin ang kasama namin sa luob kaya naging maingay ang ward dahil sa amin. "Ikwento mo naman sa amin ma ang buong pangyayari ! Para mahimashimasan rin kami kahit kunti. Medyo may kunti pa kaming katanungan bakit dumating ka sa puntong ito." seryusong salita ni Ate Mergie sa kanya. "Ganito kasi yun! Nuong mga panahong nasunog na ang mga kabahayan ng Ermita ay labis akong nag-alala sa kagamitan natin lalo na ang mga papeles gaya ng marraige contract namin ng papa mo at iba pang mga importanteng documento na kailangan kung kunin. Nang linuob ko ang bahay natin ay wala akong kamuwang-muwang na sinukob na pala ng apoy ang ating bahay at mas lalong kumapal ang usok sa loob ng kwarto kaya hindi ko mapigilang ma-sophiscate at mapaso." mahabang salaysay nito. "And then!" sabat ni tatay Endring sa kanya. "Karga ko noon ang isang karton at duon nakalagay ang mga importanteng dokumento natin. Nang lisanin ko ang bahay ay hindi ako makapahinga dahil narin sa usok. Akma na sana akong lumabas ng bahay ng biglaang naging maitim ang aking paningin at syang dahilan ng pagkawalang ulirat ko." salaysay nito sa amin at tumingin ito kay Aaron na nakangiti. "Anak ikaw ba ang nakakita sa akin?" tanong nito kay Aaron na ngayoy nakikinig sa kanya. "Upo ma kasi nong nabalitaan kung may sunog sa lugar natin ay madali akong pumunta sa bahay. Nakita kitang nakahandusay sa luob kaya humingi ako ng tulong sa kapitbahay natin. Buti nalang nandun si kuya Paterno at si tatay Angki kaya binuhat ka nila habang ako ang nagdala sa kartong akay-akay mo. Hindi ko sana iyon pulutin dahil bakas sa akin ang takot sa sarili na baka masunog rin ako ngunit napaisip ako na baka iyan ang dahilan kung bakit nangyari sayo ito. Kaya ayun kinuha ko nalang din." paglalahad ni Aaron nangyayari. "Buti nalang umuwi ka anak baka kung ano na ang mangyari sa nanay mo. Salamat dahil kung nangyari iyon baka adobo na ang nanay mo ngayon" pabirong tugon ni tatay Endring sa anak niya kaya mas lalong naging masama ang tingin ni nanay Mig sa kanya. "Biro lang iyon honey sos tung asawa kung kyut hindi mabibiro. Kung mawala ka eh wala na yata akong inspiration maliban sa ating mga anak. Alam mo namang inlove ako sa iyo. Size doesnt matter por me baya." ngising salita ni tatay endring sa asawa niya. "Tigilan mo nga ako Endring baka masapak pa kita dyan." galit-galitan nitong salita sa kanyang asawa. Nagtawanan ulit kami dahil sa bangayan nilang dalawa. Dinadaan lang yata sa bangayan ang kasweetan nila. Dumaan ang mga ilang sandali ay dumating ang nurse at ina-update ang kalagayan ni nanay. Nakangiti itong tumingin sa amin. "Mam salamat at gising narin kayo. Wag po kayong mag-alala dahil hindi naman gaano kalala yang mga paso mo. First-degree burns lang yata ang natamo pero considered din itong mild compared din po sa ibang burns. May ilanilan ding epekto nito gaya ng sakit at pamumula sa epedermis pero okey lang po ito mam dahil hihilom din ito ng pangmadalian." salaysay nito kay nanay Migs sabay adjust sa dextrose niya. "At kaya po kayo hinimatay dahil nasuffocate po kayo sa usok ng sunog. Dahil nakalanghap po kayo ng mainit na usok kaya ayun nakapulmonary iritation po kayo. Nakalanghap din kayo ng mga kimikal gaya carbon monoxide at cyanide at yun ang dahilan kung bakit kayo nahimatay" informative na salaysay nito kay nanay. Tango lamang ang naisagot ni nanay sa kanya. "Ahm miss!! Kailan po lalabas si mama?" tanong ni ate Mergie sa nurse. "Sa napag-alaman ko pwede ng lumabas ang nanay niyo bukas." sagot nito kay ate Mergie. "Hyst.. salamat . Makalabas ka narin nay."pabuntong hiningang salita ni kuya Jetro sabay bitaw ng matamis na ngiti. "Mam magkano po yata ang babayaran namin?" tanong naman ni tatay Endring sa magandang nurse. "Wag na po kayong mag-alala dahil bayad na po kayo sa gastusin niyo dito. Inako kasi ng goberno ang mga babayarin ninyo at sa mga iba pang na-injury sa sunog. Eh sabi pa nga nila may ibibigay daw silang pera at mga kagamitang pambahay sa mga taong nabektima ng sunog. Isa din po ako sa mga nabiktima at labis akong nalulungkot sa nangyari lalo na't wala kaming naisalba." malungkot nitong salaysay sa amin. "Ikinalungkot ko ang nangyari sa inyo. Ganun din kami narupok din ang aming bahay na minana ko pa sa aking ina. Marami kasi akong alaala sa bahay na iyon kaya labis rin akong nanghihinayang. Nag-alala na nga ako sa kalagayan namin kung saan kami titira nito. Lalo na't walang kaming tamang titulo para maangkin ang lupa pinagtayuan ng bahay namin sa Ermita. Kaya malaki ang hinalang ko na hindi sinadya ang nangyaring sunog duon." malungkot na pagsalaysay ni nanay sa kanya. "Oo nga sa napag-alaman ko may sikat daw na kumpanya ang gustong bumili sa lupa ng Ermita. Sabi nila ang mga Pielago daw yun. Agam-agam din sa lugar namin na sila ang dahilan sa nangyaring sunog." kibit balikat na salita nito. Hindi ako makapaniwala sinabi nya. Bakit? Bakit nagawa ito ng ama ko! Ang sama niya talaga! Kung tutuo ang sinabi niya ay hindi ko talaga mapatawad ang ama ko. Ang dami niyang winasak na pamilya. "Okey ka lang ba Kent. Bakit ang lungkot mo?" pagtatakang tanong ni nanay Mig sa akin. Nabaling ang atensyon nila sa akin. "Aie.. wala lang po to nay. May naalala lang ako."pangdahilan ko sa kanila. Hindi maitanggi na alam nila ang rason kung bakit umiba ang ekspresyun ko. Lalo na't si daddy ang pinag-usapan dito. "Baka may napupusuan na yan sa unibesidad." pabirong salita ni Aaron sa akin na sya namang ikinangiti ko. Sos tung mukong nato may hinala pang may napupusuan ako. Eh hindi naman gaano kaganda ang unang araw ko sa unibersidad baka ikinagulat pa nga nya kung isalaysay ko sa kanya lahat. "Of course marami akong napusuan duon. Ang dami kasing maganda kaya hindi ko yata mabilang kung ilan sila" sakay ko sa kanyang biro. Nagtawanan kami lahat pati si ateng nurse. Hindi ko narin isinawalat sa kanila ang mga masamang pangyari kanina kaya tikom-bibig lang ako. Kinabukasan inilabas narin si nanay Migs sa hospital. Hindi narin kami pumasok ng paaralan dahil nagpasyahan namin ni Aaron na tumulong muna kina nanay at balikan ang aming bahay baka may maisasalba pa kami. Mga pako at abo lang ang nakita namin kaya labis kaming nanghinayang sa mga nasayang naming mga kagamitan. May ilan-ilan ding mga goverment agencies at mga foundation ang tumulong sa amin at sa mga iba pang nabiktima sa sunog. Nangako naman sila na gagawa sila ng paraan para makasimula kami. Nagbigay rin sila ng donasyon gaya ng mga damit, kagamitang pambahay at pangkatawan,. Wala narin kaming matirahan pa kaya nagtitiis kaming isikisik ang aming sarili sa lumang cover court ng Ermita. Marami din kami duon at tantya ko nasa labing-anim na pamilya ang pansamantalang dumuon muna. Labis akong naawa sa kalagayan namin pero wala kaming nagawa dahil sa pangyayari na hindi inaasahan. Naging maingat din ako sa aking sarili gaya ng pagamit ng wig at eyeglass. Hindi ko narin hinubad ang suot kung wig baka makilala nila ako kung sino talaga ako at tyak mapahamak ako nito lalo pa't nalaman kung nanghinala sila na si dad ay may kinalaman sa sunog. Maagang gumising si tatay Endring at si Nanay Migs dahil magbubukas pa sila sa negusyo nilang naiwan duon Carbon. Dahil wala naring maabalahan pa si nanay gaya ng pagluto tuwing umaga para sa kanyang munting karendirya kaya nagpasyahan nyang tumulong muna kay tatay Endring. Eh tutol nga kami dahil sa kanya kondisyon pero nagpumilit itong tumulong kaya wala kaming magawa kundi hayaan sya. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD