CHAPTER 12

1448 Words
*TYLER POV* "Gising ka na pala. Dalawang oras kanang nakatulog. Kumusta na ang pakiramdam mo ngayon. Okey kalang ba" bungad na tanong ni Fretz sa akin. Nakaramdam ako ng uhaw. Punyetang Tristan na yan. Kung hindi niya sana ginawa ang pagblocking niya sa akin kanina wala sana ako ngayon sa school clinic. Nakakabadtrip naman! Unang araw ko sa eskwela ang malas. Kagagawan kasi ito ni Tristan. "Okeey keeyo!!" ngiti kung tugon sa kanya. Taas kilay itong tumingin sa akin. Nagtataka ako kung bakit sinamahan niya ako. Sa napag-alaman ko hindi pa naman kami prend. "Nauuhaw ako Fretz. May tubig ka ba dyan?" maktol na tanong ko sa kanya. "Meron naman! Oh inumin mo to. kabibili ko lang nyan. May sakit pa ba sa katawan mo?" alalang tanong nito sa akin sabay abut sa tubig na hawak niya. "Malamang! Sino ba namang taong hindi malumpo sa ginawa ng kaibigan mo kanina. Ang lakas kaya ng pagkabagsak ko. Buti nalang hindi nauna ang ulo ko." inis na salita sa kanya sabay lagok sa tubig na binigay niya. "Nga pala bakit ka nandito. Diba may klase ka?" takang tanong ko sa kanya. Malaki ang ngisi niya. Mas lalong pumugi si Fretz dahil lumabas ang ngipin niyang puti at pantay. Anong koneksyon sa tanong ko at sa ngisi niya? Hindi lang pala ako ang weird dito pati rin pala siya. "Malamang binabantayan kita." ikling tugon nito sa akin. "At sino namang nagsabi sayo na bantayan ako? Hindi tayo close noh! Nagsasayang kalang ng oras sa pagbabantay sa akin. " irap na sabi ko sa kanya at unti-unting inubos ang tubig na hawak ko. " Pasalamat ka nga dahil pogi ang nagbabantay sayo. Gwapo rin at hot!! Sino ba naman ang makahindi kung ang nagbabantay sayo ay mukhang artista. Aminin mo na kasi na gusto mo akong maging tagabantay mo." ngising salita nito. "Concieted much ang loko! Oo na! Oo na! Gwapo at pogi ka! Mula ulo! Mukhang paa!" tawa kung sabat sa kanya. Tumawa rin siya! Anak ng tipaklong! Kung makahampas sa balikat ko parang pumalo ng isang daang lamok. Masakit ksi eyh.. "Aray naman! Wag mo naman akong paluin. Alam mo namang masakit ang katawan ko, dinagdagan mo pa." puot kung sabi sa kanya. "Sorry na kasi. Kyut mo talaga kapag naasar ka. Tika! Parang peki yata yan ang buhok mo. Buhaghag kasi." takang salita niya. Napahimas kasi ito sa buhok ko kaya hindi niya mapigilang manghinala. Syet! Pakialamiro ka talaga kutong lupa ka! I need explaination para hindi niya ako mabubuking. "Malamang galing sa disgrasya kanina kaya magulo ang buhok ko. At tyaka hindi ko kasi ugaling magsuklay kaya ganito itsura ng buhok ko." pagkukunwaring salita ko sa kanya. Naniwala naman ang loko. Sa bagay mukha rin naman kasing tutuo ang wig ko kaya wala narin siyang tinanong pa ukol dito. "Oh mukhang gising na pala ang pasyente! Kumusta ang kalagayan mo iho? Wala nabang masakit sa katawan mo." bungad na salita ng school nurse habang bumitaw ng napakalaking ngiti sa katabi ko. Sa tingin ko nasa mid 20s pa ito. Maganda naman siya pero kapag tiningnan ng matagalan nakakaumay. Aba! May gusto yata ang babaeng ito sa kasama ko. Kung makatitig wagas. Gwapo rin naman kasi ang loko kaya hindi maikala na maraming nagkagusto sa kanya. "Mam ako po ang pasyente nyo hindi siya. Kita niyo naman po ako ang nandito sa kama." seryuso kung salita sa kanya kaya nabaling ang tingin niya sa akin. "Alam ko na ikaw ang pasyente. Maganda kasi ang view dito kaya sa iba ako nakatingin. Nga pala pwede kanang lumabas. Hindi naman gaano kagrabe ang nangyari sayo kanina kaya makakaalis ka na. At sana sa susunod na pagkita natin nandito parin ang kasama mo. Ang cute kasi ni baby boy." ngiting salita nito sa akin pero kay Fretz parin nakatingin. Malaki talaga ang pagkagusto niya sa kasama ko. Naka-puppy eyes kasi itong nakatingin kay Fretz. Tss.. Iba na talaga ang mundo ngayon. May babae rin palang aasta na bakla. "Mas mabuting balita yan. Pwede na tayong umalis Kent. Hindi ko kasi randam ang atmosphere dito." kunwaring ngiti niya sa akin. Umalis narin kami at nagpaalam sa babaeng nag-alaga sa akin. Ganun din ang ginawa ni Fretz kaya mas lalo itong kinikilig dahil sa simpling goodbye niya. Paika-ika akong lumakad. Medyo kumikirot pa kasi ng kunti ang paa ko. Buti nalang nakaakbay ako kay Fretz kaya nawala ng kunti ang sakit na naramdaman ko. "Bakit ang bait mo sa akin?" ngiting tanong ko sa kanya at patuloy parin kaming lumalakad papunta sa susunod naming klase. "Magaan ang pakiramdam ko sayo. Yun lang!" ikling tugon nito sa akin. "Ganun ba. Bakit magaan ang luob mo sa akin?" dagdag tanong ko sa kanya. "Masaya ka kasing kausap. Hindi boring kasama at walang halong kaplastikan" sagot niya. "Masaya akong kausap? hahahh... Nagbibiro ka ba? Seryuso akong tao Fretz! Medyo baliw ka kasi kaya ganun din ang naging respond ko. Hindi rin naman kasi ako kumakausap sa mga taong hindi ako kampante. Pero kapag komportable ako sa kasama ko. Lalabas at lalabas talaga ang tutuong ako." ngiti kung salita sa kanya. "Ibig mong sabihin madaldal ka talaga? Kaya mabuti ang pakikitungo mo sa akin dahil komportable at kampante akong kasama?" ngising salita nito. "Ganun na nga!" ikli kung tugon sa kanya. Masayang kausap si Fretz. Medyo marami din siyang ikwenento sa akin tungkol sa mga paborito at interesado niyang gawin. Matagal narin palang magkakilala sila ni Tristan simula bata pa kaya naging magbestfriend ang dalawa. Pareho din naman kasi sila ng likes at interest maliban lang daw sa ugali nila. Medyo tarantado kasi ang kaibigan kumpara sa kanya. Ilang sandali pa ay narating narin namin ang silid. Pumasok kaming nakaakbay kaya sa amin nabaling ang atensyon ng mga kaklase ko. Sari-sari ang naging reaksyon nila. Ang iba ay besi sa kanilang ginawa ngunit meron din namang walang magawa kundi magparinig sa akin ng mga mahanghang na salita. Sa likod kami umupo. Marami kasing bakanti kaya duon kami komportabling umupo. "Aba! Magkasundo na pala kayong dalawa. Sa bagay gwapo si Fretz kaya sino ba namang paminta ang hindi magkagusto sa kanya. Tss..." parinig na sabi ni Tristan sa akin. Syet! Akalain mo nandito rin pala ang bakulaw katabi ko. Eyh kanina kasi nasa harapan siya pero ngayon nandito siya katabi ko. "Anong pakialam mo! Gwapo at mabait si Fretz kaya sa kanya ako dumidikit. Eyhh.. Ikaw puro angas lang ang alam pero hindi alam ang salitang "Pumurma!" maktol na salita ko sa kanya. "Alam ko ang galawan mo bakla! Gusto mong tikman si Fretz kaya peling close ka sa kanya. Kung makadikit parang feel mo syuta mo na siya. Tangna! Mas masahol ka pa sa mga asong nagjerjeran sa tabi-tabi." banat nito sa akin kaya madiin ko itong tiningnan. Hinahamon mo talaga ako hinayupak ka! "Anong paki-alam mo? Mas masarap si Fretz kumpara sayo. Mabait, matangkad, matangos ang ilong, perfect look, artistahin, cute, maputi, chinito, macho at gwapito. Lahat ng mga katangiang meron siya ay wala ka. Puro katarantaduhan lang ang alam mo. Mas masahol ka pa sa tang-inang asong walang paligo ng ilang taon." sakay kung banat sa kanya. "Ginagalit mo talaga ako! Gusto mo dagdagan ko pa yung ginawa ko sayo kanina. Maya ka sa akin paglabas mo." irap na sabi nito sa akin. "Hindi ako takot sayo kutong lupa ka! Maya ka rin sa akin." ungas kung salita sa kanya. Hindi ako magpapatalo sa kanya. Hindi ako lampa kagaya ng mga estudyanting sinasaktan niya nuon. "Tama na nga yan! Para kayong magsyutang dalawa. Pati ba naman sa luob ng room mag-aaway kayo dito. Magbati na nga kayo." sabat na salita ng katabi ko. "Pinipikon kasi ako ng dugyot na ito. Tatawagin ba naman ako bakla at paminta! At may gusto daw ako sayo. Pambihira! Labing lima na ang naging syuta ko kaya hindi ako bakla!" parinig kung sabi kay Tristan. "Sa itsura mo labing lima ang naging syuta mo? Aba! Hahahha! Hindi ako makapaniwala. Kung ako ang babaing liniligawan mo. Hindi talaga ako papatol sayo!" irap na sabi nito. "At kung ikaw naman ang babaeng peling na liligawan ko! Tss.. Asa ka pa! Eyh wala kasing makagusto sayo dahil mukha kang aso at tarantado! Dugyot" saway ko sa kanya. "Ikaw impakto!" parang batang irap nito sa akin. "Mas impakto ka!" irap ko ring salita sa kanya. "Pakyu! Tangina mo!" diing sabi nito sa akin. "Syet! Go to hill asshole!" banat ko rin sa kanya. Malakas ang tawanan na narinig namin sa luob ng silid. Eyh paano kasi sa amin nabaling ang atensyon ng mga kaklase ko. Kanina lang pala sila nakikinig sa aming dalawa. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD