Chapter 11- Student Assistant

1739 Words
TYLER POV Nandito ako ngayon sa loob ng opisina ng guro at hinihintay ito dahil daw may pinuntahan. Nagpasyahan kung ialiw muna ang sarili sa pamagitan ng paglaro ng mobile phone. Bumukas ang pintuan at tumbad ang pawisang pagmumukha ni Tristan. Wala talagang mudo. Kahit katok man lang hindi niya magawa. Hindi ako umimik at binaling ang tingin sa selpon. Wala akong pakialam sa kanya tutal hindi naman kami kaibigan. Minumura pa nga niya ako. Umupo sya sa silya na nasa katabi ko at randam kong tumingin sya sa akin. Hindi ako mapakali dahil narin sa presinsya nya. Pero hindi ko rin mapigilan ang aking sarili na hindi tumingin sa kanya. Ang daming pawis na tumulo sa kanyang mukha at wala yatang pakialam tung bakulaw na pahiran ang kanyang mukha ng panyo o di kaya tissue. "Oh panyo! hindi ko pa yan nagamit. Gamitin mo muna yan" walang kaemosyong salita ko sa kanya. Kahit panget ang ugali niya ay hindi ako tarantado gaya niya. May awa parin ako sa katulad niyang demonyo. "Anong gagawin ko dyan?" irap na salita niya sa akin. "Edi kakainin mo. Minsan lang din akong maging mabait kaya lubusin mo na lalo na sa mga demonyong katulad mo."irap ko ding sabi sa kanya. "Hindi ko kailangan yan! Lumayo ka nga sa akin." diing sabi nito at tinabig ang kamay ko. "Edi wag! Pahiran mo nga ang mukha mo. Nagmumukha kang gusgusin." seryuso kung salita sa kanya. "Wala kang paki-alam!" pout na sabi nito. Bwesit tung kutong lupa nato. Pwes! Kung ayaw mo ako ang gagawa. "Matanda kana Tristan kaya wag kang pabebe. Kahit pagpahid lang ng pawis ipagawa mo sa iba. Gusto mo bang magkasakit ha? Mahal ang panghospital kaya ingatan mo ang sarili mo." seryuso kung salita sa kanya habang inangat ang mukha niyang pawisan. Dahan-dahang inilapat ko sa mukha niya ang mabango kung panyo. Buti nalang hinayaan niya ako. "May pera naman kami." maktol na salita nita. Buti hindi ka masungit ngayon. "May pera nga kayo. Eyh paano kung malala ang sakit mo. Baka maubos ang pera niyo. Alagaan mo ang sarili mo. Simpling pagpahid lang nang pawis hindi mo magawa." irap na sabi ko s kanya. Inangat ko pa ng kunti ang mukha niya kaya tumambad sa akin ang makinis niyang liig. Seryuso itong nakatingin sa akin habang patuloy ang ginawa ko. "Tapos na!" ikli kung salita at maktol na umupo katabi niya. "Anong ginawa mo?" late reaksyon niyang tanong. Tanga lang ha!! Ilang minuto ang nakaraan ay bumukas ang pintuan at iniluwa doon ang hinihintay namin na si mam Charmaine. "Nandito na pala kayo. Pasinsya na mukhang kanina pa kayo naghihintay. Pumunta kasi ako sa Admen dahil may inaasikaso ako kaya natagalan ako."pangdahilan nito at umupo narin sa kanyang silya. Kaharap namin sya ngayon. Prenting naka-upo ito sa silya niya. "Kent Alexander Montenegro ang pangalan mo diba?" tanong nito sa akin. "Opo mam" ikli kung sagot nito. "Anyway ako pala si Charmaine Cruise at pasinsya na hindi ko naintroduce ang pangalan ko kanina" pakilala nito sa akin sabay lahad kanyang kanang kamay. "Nice to meet you mam" masayang sabi ko sa kanya at tinanggap ang kamay niya. "Kaya pinapapunta ko kayo dito dahil may importanting akong sasabihin sa inyo. Una, alam kung may galit kayo sa isa't isa kaya kailangan nyo munang mikipag-ayusan. Pangalawa, may importante kasi kaming iko-compile na mga papers at documents dahil malapit na ang AACUP accreditation." ngiting sabi nito sa amin. "Kent alam kung baguhan ka dito. First day of school mo diba? Pero ang gaan ng pakiramdam ko sayo. Pwede ka bang maanyahan na maging Student Assistant ko." ngising sabi nito sa akin. Gulat ako sa sinabi niya. Ako? Student Assistant niya? Nahihibang na ba ang guro na ito? Kababago ko pa lang dito pero ako ang napili niya. "Alam kung naguguluhan ka ngayon. Ginugulo kasi kita hahhahah. Pero seryuso ako Kent. May nakita akong potensyal sayo na hindi ko nakita sa iba. Tingin ko palang sayo ay maasahan ka. Ang gaan kasi ng pakiramdam ko sayo kaya ikaw ang napili ko." dagdag sabi nito sa akin. "Pag-iisipan ko po mam. Medyo nag-aadjust pa kasi ako sa environment dito kaya hindi ko muna matatanggap ang alok mo." ngiti kung salita sa kanya. "Kung yan ang desisyon mo naintindihan ko Kent. Meron din naman kasi akong problema sa nag-iisa kung anak. Lumala ang pagkatarantado. Hindi maasahan. Kahit paglinis lang sa opisina ko hindi niya magawa. Ang tamad kasi. Kaya napag-isipan kung kumuha ng student assistant." seryusong salita nito habang nakatingin sa katabi ko. "At sino naman kaya yang tarantado mong anak mam!" ngiti kung salita sa kanya. Napaismid si mam sa sinabi ko. Bumitaw ito ng malutong na tawa kaya nagtataka ako. Galit na nakatingin si Tristan sa akin. Putragis! Baka ikaw ang anak niya? Tama nga ang hinala ko. Tama nga ako na tarantado ang anak niya. "Anak ko yang katabi mo!" tawang salita nito. "Tarantado nga!" ngising salita ko sa kanya. "Anong sabi mo?" galit na tanong ni Tristan sa akin. "Bingi ka ba? Ang sabi ko tarantado ka!" bungisngis kung sabi sa kanya. "Sabihin mo yan ulit sa akin. Malintikan talaga kita!" sumbat nito sa akin. "And then? Wala akong paki-alam." walang ka-emosyong sabi ko sa kanya. Isang malakas na pagpadyak ang iginawad niya sa akin. Kumikirot ang paa ko dahil sa ginawa niya. Bwesit na kutong lupa na ito. "Hyst sa wakas nakakita narin ng katapat si Tristan! Kaya kailangan talaga kita Kent. Baka magbago yan dahil sayo" ngising salita ni mam cha sa akin. "Eyh yun nga mam. Isa sa mga rason kung bakit ayaw kung tanggapin ang alok niyo dahil sa anak mo. Bakit ba galit siya sa katulad namin? May sakit po ba ang anak nyo? May problema po ba siya sa utak? Ipatingin nyo kaya yan sa psychiatrist baka malala na sakit niya. Mahirap na mam baka mas lalong gumagrabe pa." parinig kung salita sa katabi ko. Tinadyakan niya ulit ang paa ko kaya mas lalong sumasakit. Tarantado! Kaya bumabawi rin ako sa ginawa niya. Turoy napaaray din siya. "Nakalawa kana ha! Tangina ka!" bungisngis kung salita sa kanya. "Bwesit ka! Kinakalaban mo talaga ako. Putragis!" mura niyang tugon sa akin. "Ikaw syet!" banat ko rin sa kanya. "Tama na nga yan. Sige umalis na kayo. Sumasakit ang ulo ko sa inyong dalawa. Basta Kent kung tinatanggap mo ang alok ko sabihin mo lang sa akin. Kailangan talaga kita." ngiting sabi nito at agarang umalis. Paika-ika akong lumabas at ganun din si Tristan. Tawang-tawa ako sa kondesyon nya. Bungisngis itong nakatingin sa akin pero nginisihan ko lang ito. Nagpasyahan ko munang pumunta sa library. Matutulog muna ako duon total walang ingay sa luob ng lugar. Buti nalang walang katao-tao kaya mahimbing akong nakatulog. Nagising ako dahil sa taong yumugyug sa akin. Takte naman! Nakakabwesit! "Ano ba?" ikli kung salita sa tabig sa akin. "Excuse me! Pwede ka bang umalis dito. Hindi ito sleeping lounge. Library po ito kaya wag matulog dito. Kita mo yung sign! Bawal matulog at No Sleeping. English at tagalog yan. Apat ang mata mo pero hindi mo nabasa! Pambihira." sumbat ng isang ginang na naka-uniforme. "Aie pasinsya na po. Sige alis na po ako." ngising salita ko sa kanya. Umirap lang ito sa akin. Tuloy nabaling ang atensyon ng mga estudyante sakin. Paika-ika akong lumakad.. Pawang bulung-bulungan ang narinig ko sa mga estudyanting nakasalubong ko. Ako ba ang pinagchismisan nila? Grabeh! Pati dito dinadala nila ang pagkabungngira nila. "Anong nangyari sa kanya" bulong ni coloring book no.1. "Sa tingin ko pinagtripan na naman yan ni Tristan. Ang ganyan kasing mga itsura ang pinupunterya ng lalaking iyon" si coloring book number 2. "Sa bagay hahhahah... Kawawa naman. Buti nalang hindi siya nalumpo. Grabe kasi ang mga dinaranas ng ibang bina-bully ni Tristan nuon. Bali-bali kasi." dagdag sabi ni coloring book 1. Hyst! Iwan ko ba kung bakit parang coloring book sila sa paningin ko. Ang ganda kasi ng kulay ng mukha nila. Parang clown lang. Nabilaokan ako! What? Wala akong kinakain pero nabilaukan ako. Eyh paano kasi nakita ko naman ang tukmol na masayang naka-upo kasama ang kanyang barkada. Ang saya nila kasi malayo palang ay rinig ko na ang malakas na halakhakan nila. Pero nang lingunin nila ako ay bigla nalang silang tumahimik lahat. Parang nakakita sila ng artista. Kung makatitig wagas. Nang marating ko ang lugar kung saan sila nagkumpulan ay prenti ang paglakad ko. Paika-ika parin ako pero kinokontrol ko. Baka chesmiss naman ang aabutin ko dito. "Sya ba yang tinutokoy mong panget tol. Ang weird nya naman. Tingnan nyo nga yang buhok nya parang bunot!! " parinig nito sa akin. Naghalakhakan naman yung kasama niya at wala akong paki kahit ano pa yung sasabihin nila sa akin dahil gwapo ako at tutuosin mas gwapo pa ako sa kanila. "Hindi nyo ba alam tol. Yang panget na yan mukha yatang gusto ako, kasi kung makatingin ang lagkit." parinig ni bakulaw sa akin. Napailing nalang ako dahil sa sinabi ni bakulaw. "Edi bakla pala yan! Ewww... Panget na bakla" kutya ng babaeng parang tuko na nakalingkis sa tukmol. Kadiri! Ang kikinis ng mukha pero subrang itim ng liig. Hindi pantay ang epekto ng glutha. Nakakahiya! Binilisan ko narin paglakad ko kahit randam ko ang sakit ng aking paa. Bwesit ang mga kutong lupa ito. Iniinis ako. Ngunit sa hindi inaasahan ay natumba ako sa detiles na sahig. Tangnang Tristan na yan. Pati ba naman dito gaganituhin niya ako. Ang lakas mang-trip! Hindi biro ang ginawa niya dahil malakas ang pagbagsak ng katawan ko sa sahig. Namimilipit sa sakit ang tuhod ko. Kumikirot rin ang paa ko na tinatadyakan niya. Sure ako na hindi ako makatayo nito. Nagtawanan lahat sila pati narin ang mga tao sa passageway na nakisabay rin sa pagtawa. Pilit kung itinayo ang aking paa ngunit hindi ko yata kayang tumayo dahil sa sakit nito. Nanginginig ang buong katawan ko at ilang besis kung inulitulit ang pagtayo ngunit hindi ko talaga kaya. Tangina! Ang sakit ng paa ko. Pero mas masakit yung tawanan nila. Wala ba silang planong tulungan ako. Malalim ang paghinga ko. Umiigting ang tinga ko. Malabo ang paningin ko kaya halos hindi ko sila makita. Umiikot ang mundo ko. Hindi maari.. Parang gusto kung matulog. ITUTULOY.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD