Chapter 10 - His Waiting

1633 Words
TYLER POV Pangamba at takot ang naramdaman ko ngayon. Yumuko ako at lumakad na para bang wala akong nakita. Alam kung sa mga sandaling iyon ay nakatitig sya sa akin. Malakas na buntong hininga ang binitawan ko nang linagpasan siya. Madalian ang aking pagbaba sa hagdanan dahil naasiwa ako sa presinisya niya. Bwesit!!. Sino ba namang hindi maiinis sa ginagawa niya. Sumunod kasi siya sa akin. "Sandali!!" sigaw niya habang dahan-dahang bumaba papunta sa akin. Nakapamulsa itong papunta sa akin. "Anong kailangan mo?" irap na sabi ko sa kanya. "Ikaw!! Obvious ba?" ngising salita nito. "Ano naman ang kailangan mo?" taas kilay na paulit kung tanong sa kanya. Syet!! Hindi ko mapigilang mapalunok ng inilapit niya ang mukha sa akin. Gwapo talaga ng bakulaw na to! Kung hindi lang kita....... Tangna! Wala akong paki-alam sa kanya. Ungas kasi eyh.. "Ikaw ang unang taong nakilala ko na may ganang taasan ako ng boses. At ayaw ko ang ginawa mo! Naintindihan mo ba?" diing sabi nito habang mariin ang kanyang pagtingin sa akin. "You look so familiar? Nagkita na ba tayo?" baling na salita nito. What? Hindi maari! Sana hindi niya ako makilala. Tago muna ang identity ko hanggang sa maari. Kaligtasan ang nakasalalay dito. Kahit sino pang ponsyo pilato ang kikilala sa tunay kung katauhan ay hindi ko isasabi sa kanila dahil malaki itong sekreto. "Ako lang naman yung taong minumura mo sa mall. Ang bastos mo naman kasi! Sino ba namang tao ang hindi magalit sa ginawa mo. Nawala kasi ang galang mo" baling na salita ko sa kanya. "What the f**k! Kaya familiar ka sa akin! Alam mo ba napahiya ako sa ginawa mo? Tangna! Dito kalang pala kita makita. s**t! Paksyet! Tang-ina mo! Gagawin kung impyerno ang buhay mo dito. Kilala akong nuturious bully sa paaralang ito kaya humanda ka." ngising salita nito. "Mahilig ka ba talagang magmura! O sinasadya mo lang talaga! At isa pa.. Bagay din naman sayo ang ginawa ko sa mall. Ang bastos mo kasi! At por yor inpormesyon! Hindi ako takot sayo! Tskk.." palingolingo kung sabi sa kanya. "Talaga ha!" inis na salita nito at mahigpit na hinawakan ang mukha ko. Bubo lang talaga ang tarantado! Mas mabuti sana sa liig niya ako sinakal. Mukha ko talaga pagtitripan niya. "Syet! Familiar ka talaga sa akin. Parang nakita na kita dati." diing sabi nito. Kinilatis niya ang buo kung mukha. Pero nadapo ang tingin niya sa labi kung namumutla na. "Pwede ba kitang halikan!" ngising salita nito. "Sige!" wala sa wisyo kung sagot sa kanya. Tarantado! Ako talaga ang pagtripan niya. "Lasang strawberry!!" ngising salita nito ng hiniwalay niya ang labi nito sa akin. What? Nawala ang katinuan ko! May iniisip kasi ako. Hinalikan niya ako! pirs kiss ko yun. Bugsh!! Tinuko ko lang naman kasi ang gitna ng hita niya kaya napamura siya sa sakit. "Aray naman!" bungisngis na sabi niya. "Bakit mo ako hinalikan?!" diing sabi ko sa kaniya habang siya naman ay namimilipit sa sakit dahil sa ginawa ko. "Gusto mo naman diba. Confirm bakla ka nga! Namumula ka kasi." ngising salita nito. "Tarantado! Hindi ako bakla. Mas ikaw ang bakla dahil nanghahalik ka ng lalaki." inis na sabi ko sa kanya. "So what? Hindi kawalan sa akin ang halik kanina. Eyh ano naman ang kung hinalikan kita! May mawawala ba sayo?" irap na sabi nito sa akin. "Meron! First kiss ko yun. Reserba ko sana iyon sa taong mamahalin ko pero ninakaw mo. At ang mas malala sa lalaki pa." sigaw na sabi ko sa kanya. "Umalis ka nga! Tarantado!" irap na sabi ko sa kanya. Nakaharang kasi ang gago. Mabilis ang pagbaba ko pero sumunod parin ang bakulaw sa akin. Bungisngis akong hinarap siya. "Sinusundan mo ba ako?" irap na salita ko sa kanya. "Oo!! Diba may pupuntahan tayo!" ngising salita nito sa akin. "Lumakad ka ng mag-isa. Ayaw kitang kasama. Kutong lupa ka!" diing sabi ko sa kanya. "Ikaw ang kawawa dahil hindi mo alam ang opisina ni ma'am. Mabait ako ngayon. Kaya wag mong sayangin ang kabaitan na ipinakita ko sayo. Minsan lang ako maging mabait lalo na sa mga katulad mo." seryusong sabi nito. "Wala akong paki-alam sa kabaitan mo! Pwehhh" irap na salita ko sa kanya. "Sasamaha kita sa ayaw at sa gusto mo! Nagkaintindihan ba tayo!" diing sabi niya sa akin. Wala akong magawa kaya sumunod ako sa kanya. Tahimik akong sumunod sa kanya at walang kibuan. "Bakit ang panget mo?" biglaang sabi niya. Tinatanong pa ba yan? Tarantado! "Hindi ko alam." kibit balikat kung salita sa kanya. "Ayaw ko ang mga katulad mo at ayaw ko rin sanang makasalamuha kayo. Pero hindi ko alam kung bakit ginawa ko to sayo! Natauhan ako ngayon. Mali pala ang ginawa ko." seryusong sabi nito. "Anong ibig mong sabihin." pigil hiningang tanong ko sa kanya. "Dahil kayo ang dahilan kung bakit naging miserabli ang buhay ko! Mga wala kayong kwenta. Ang bagay sa inyo ay burahin sa mundo!" malamig na salita niya. Napangiwi ako sa sinabi niya? Anong nangyari? Bakit dumilim ang awra niya. "Ang tanga mo naman! Nagpa-uto ka sa halik at kabaitan ko kanina. Nandidiri ako sa ginawa ko. Lasang mapakla ang mga labi mo at nasusuka ako. Umalis ka na hanggang sa kaya ko pang kontrolin ang sarili ko! Mga wala kayong kwenta!" galit na sabi nito sa akin. Nanginginig akong narinig ang mga katagang iyon. Hindi ko alam kung bakit nag-iba ang ugali niya. Tumigil ako sa paglalakad at hiniyaan siya. Rinig ko parin ang mga binitawang salita niya. Kahit malayo ito ay patuloy parin siyang nagsasalita. Baka akala niyang sumunod ako sa kanya. Natatakot ako sa kanya! Natatakot ako sa kaligtasan ko dito. Tama nga si Enrique na galit siya sa mga weird katulad ko. Hindi ko alam kung bakit siya galit sa amin. May malaki siya dahilan kaya nabuntong ang kanyang galit sa mga gaya namin. .............................................................................................................. Walang kaemosyong umupo ako sa bakanting kiosk ng paaralan. Iniisip ko parin ang mg salitang binitawan ni Tristan kanina. Sumasakit ang ulo ko habang iniisip ang mga katagang binitawan niya sa akin. Malalim na buntong hininga ang binitawan ko at pansamantalang napa-idlip. Malakas na kalabog ang narinig ko kaya nagising ako sa aking pagpahinga. Tumambad sa akin ang isang familiar na lalaki na walang kaemosyong tumingin sa akin. Gwapo rin ang mukong. May pagkasingkit ang kanyang mata at matatangos ang ilong. Manipis ang kanyang labi na nababagay sa pigura ng kanyang mukha. Tika-tika kilala ko ang lalaking ito! "Sa laki ng mundo. Dito pala tayo magkikita." ngiting sabi nito sa akin "Ahh ikaw pala. Dito ka rin pala nag-aaral." seryuso kung sabi sa kanya. "Im Fretzo Muntalban. You can call me Fretz." pakilala nito sa akin. Aba! Palakaibigan ang mukong Inilahand niya ang kanyang kamay kaya tinanggap ko ito. Binawi ko rin naman ito kaagad at mariing tiningnan siya. "I want to say sorry last time we meet. Medyo bastos ako ang approach ko sayo nuon. Hope mapatawad mo ako." sinsere na pagpatawad nito sa akin. "Wala lang yun. Medyo sanay narin ako sa mga ganung tagpo." ngising salita ko sa kanya. "Mabait ka rin naman pala. I want to know you more. Pwede ba kitang maging kaibigan." ngiting salita nito. "Nandito ka lang pala Fretz kanina pa kita hinahanap. Bakit hindi ka pumasok sa first period natin." bungad na salita ni Tristan sa kaibigan niya kaya natuon ang atensyon namin sa kanya. He stare me unemotionally kaya ganun din ang ipinukol sa kanya. Wala akong paki-alam kung galit siya sa katulad namin. The hill I care. "Anong ginawa mo dito?" malalim na tanong niya. "Bakit? Aangal ka ba kung nandito ako? Hindi mo pagmamay-ari ang lugar na ito kaya wala kang paki-alam kung saan ako magpahinga." irap na sabi ko sa kanya. Nakangiting nakatingin sa akin si Fretz. Aba! Tuwang tuwa ang mukong sa nasaksihan niya. " Umalis ka dito! Ayaw kung makita ang pagmumukha mo!" inis na sabi niya sa akin. "Wala kang karapatang paalisin ako dahil ako ang nakaunang umupo dito. Mas mabuti pang ikaw ang umalis dahil naasiwa ako sa mukha mong nakakaumay." diing sabi ko sa kanya. "Pinipikon mo talaga ako ha! Bwesit!" pasigaw na turan niya sa akin. Nakangisi akong nakatingin sa kanya. Mas lalo itong nainis dahil sa ipinakita kung ekspresyon. Si Fretz naman ay tudo ngiti habang nakakikinig sa interrogation naming dalawa. "Really? Napikon ka..The hill I care." walang kaemosyong sabi ko sa kanya. Para hindi na lumaki ang sagutan naming dalawa ay umalis nalang ako. Ayaw kung makipagtalo sa mga tao na may saltik sa pag-iisip. Habang linakad ko ang daan kung saan hindi ko naman alam ang deriksyon ay may umakbay s akin. Sino naman kayang ponsyong pilato ito. Nang tiningnan ko ang kabuuhang mukha nito ay nakita ko ang maaliwalas at gwapong mukha ni Fretz. Ano kaya ang pakay nito bakit nya ako inakbayan. At bakit nya iniwan ang asungot nyang kaibigan sa kiosk. Magkasingtangkad lang pala kami ng mukong nato. At gwapo rin katulad ko. "Pwede bang makisabay?" tanong nya sa akin. Kinuha ko ang kanang kamay nya na nakaakbay sa akin at itinuloy ang paglalakad. "Saan ka pupunta? Gusto mo samahan kita?" seryusong tanong nito sa akin. Mukhang nangangailangan ako ng tulong ng mukong nito. "Kilala mo ba si Mam Charmaine? Pinapapunta niya kasi ako sa opisina niya pero hindi ko alam kung saan iyon." pabuntong hininga kung tanong sa kanya. "Sos yan lang pala. Wag kang mag-alala. Sasamahan kita para siguradong makapunta ka duon." Hindi narin ako nagsalita pa at ngumiti lang ako bilang tugon sa kanya. Mabait rin pala ang taong ito taliwas sa iniisip ko. Akala ko katulad ang ugali niya sa kaibigan niyang asungot. "Nandito na tayo" biglaang sambit nya. -ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD