Chapter 9 - The Jerk Bully

1238 Words
*Tyler Pov* Ilang minuto rin ang nakaraan ng dumating ang aming guro sa Calculus. Kahit nasa mid 30s na ito ay maganda parin siya. Bagay sa kanya ang suot nitong school uniform. "Good morning everyone"bati nito sa amin. Tumayo kaming lahat at bumati rin sa kanya. Ngumiti ito ng bahagya at bigla nalang itong tumingin sa akin. "Pwede na kayong umupo." prenting salita nito habang binaling ang tingin niya sa akin. "So your the new student? Ang gwapo mo naman iho! You look familiar." ngising salita nito. "Your remind me someone!" dag dag sabi nito. "Magkamukha kayo sa naging kaibigan ko nuon. Pero ang gwapo mo talaga iho. Your face feature was so handsome and I love it!" ngising salita nito. Tsk.. Parang hindi sumang-ayon ang mga kaklase ko. Ngumiwi kasi sila. "Mam malabo na yata ang mata mo. Pa-check up napo kayo. Ang panget kaya nyan!" ngising salita ni Tristan. Nakaupo si Tristan sa harap ko. Naiwan akong mag-isa sa likod na pawang may malala akong sakit dahil sa pag-iwas nila. Social distancing ha! "Tumahimik ka nga Tristan!! Ang bastos mo! Mamaya ka sa akin." seryusong salita nito at mariing tumingin sa kanya. "Tama naman ang grado ng glasses mo mam.Magkasama pa nga tayo ng binili yan." ngiting aso ni Tristan. Magkasama? Syet!! Magkamukha nga ang dalawa. Parang tutuo nga ang kutob ko. "Enough Tristan!! Pambihira!! Pati ba naman dito ay dadalhin mo ang ugali pangkalye! Isusumbong kita sa ama mo! Yari ka!" seryusong sabi nito habang punandilatan si Tristan. "Mam naman!! Tutuo naman ang sinabi ko. He was totally ugly and 100 % Gay!!" ngising salita nito. Nagtawanan ang lahat dahil sa ibinatong salita ni Tristan sa akin. Kinakampihan talaga nila ang bakulaw. Sige lang bully me hanggang sa magsawa ka sa panget kung pagmumukha. Kung makita mo lang tung tunay kung mukha baka who you ka lang sa akin. " Hindi ako nagbibiro Tristan!! Sasabihin ko sa kanya ang ginawa mo ngayon dito? Masamang magalit ang iyong ama. At alam mo iyon!" seryusong salita nito. Hindi umimik si Bakulaw at mukha yatang natauhan ang mukong sa sinabi ng guro. He look so defeated and wasted. Boom!! Paniss!! Lumingon ito sa akin at bumitaw ng demonyong tinginan. I smile to him nicely kaya mas lalo itong nainis. "Kayong dalawa sumama kayo sa akin pagkatapos ng klase!! May sasabihin ako sa inyo!"dagdag nitong wika sa amin. What the F!! Kababago ko lang dito pero pinatawag na ako. Kasalanan ito ni Tristan! "What is your name by the way" tanong nito sa akin. "Im, I-mm Tye... ahhm Kent Alexander Andulana po mam"sagot ko nito. "Nice name! Okey meet me to my office after our class together with Mr. Tristan. Tristan! Nagmamakaawa akong ayusin mo ang trato kay Kent. Walang ginawa sayo ang binata kaya wag mo ring pagtripan siya gaya ng mga ginawa mo sa iba lalo na kay Mr. Enriquez! Epabartolina kita kapag inuulit mo yun" seryusong sabi nito kaya tumawa kami lahat dahil sa sinambit niya. Parang prisuhan lang!! Palabiro din pala tung guro namin. "Panget! Maya ka sa akin!" ngising salita nito. "Blehhh!! Hindi mo ako kaya ungas ka!!" mahinang salita ko sa kanya habang kinurot ang tagiliran niya. Masakit ba? Masakit pa yun sa suntok na binalato mo sa akin kanina. Nasa likod kasi ako sa kanya kaya wala itong kapalag-palag sa ginawa ko. "Aray naman!! Maya ka sa akin." nakangiwing salita nito sa akin. Sinimulan narin ng guro namin ang pagdiscuss about sa topic na nasimulan na nila. Late kasi ako ng dalawang linggo kaya late rin ako sa mga topics nila. Nakaintindi naman ako sa discussion ni mam ngunit hindi ko magets ang iba kasi inconnect ito sa previous topic. Its already time kaya nagpaalam narin sya sa amin. Lumabas narin ito at mukha yatang nakalimutan kung tanungin ang pangalan nito. Paano nato, paano ko matuntun ang office nya kung hindi ko alam ang pangalan niya. Nang binaling ko ang tinginan sa aking mga klasmet ay pawang bungisngis sila lahat na nakatuon sa akin. What's happening to them? "Alam nyo guys!! I was thinking kung bakit magaan ang loob ni mam Charmaine sa panget na yan. Kung tutuusin arawaraw nga yung may dalaw. Tsk, nakapanibago" arting salita ng isang litsugas sa pinakaharap na nakaupo. "Pabebe kasi ang panget na yan kaya nasa side sa kanya si mam. Tuloy nasupalpal si Tristan dahil sa kanya." sabat na salita ng katabi niya na nagmumukhang clown dahil sa makapal nitong make-up. Akala nila hindi ko narinig. Yes, I admit na panget ako dahil sa itsura ko. Pero kapag nakita nila ang 6 packs ko. Nganga kayo lahat!! "Akala mo tapos na tayo bakla ka!!! Pagsisihan mo na kinalaban mo ako. I will assure you na ang buhay mo sa paaralang ito ay impyerno!" bigla nalang akong nabilaukan nang narinig kung ang mga salitang iyon. Syet!! Punyeta tung bakulaw na to. Ano ba kasi ang kinainisan nya sa akin kung bakit ginanito nya ako. Hindi nalang ako umimik at kusang napangiti ako sa sinabi niya. "And I will start it here right now" natakot ako sa susunod na mangyayari. Ano ang gagawin ko ngayon kasi lahat ng mga kaklase ko ay nakatingin ng masama sa akin. Randam ko ang takot sa sarili ng biglang tumayo ang bakulaw at pumunta ito sa aking kinaupuan. Subrang galit itong nakatingin sa akin at hindi ko mapigilan ang pangamba dahil sa kanyang ekspresyon. He grab my collar tightly and drag me at the center of the classroom. He stare me like a lion and I stare also to him like a kitten na nagmamakaawang bitawan. Aba umurong ang dila ni tarantado! Hindi nya yata kayang titigan ako ng straight at kusa itong palipatlipat kung saan. Anong nangyari sa kanya. At ang kinaguluhan ko ay nanginginig ito. Tika-tika, bakit nagkaganito sya? Ilang ulit kasi siyang lumunok. Mas lalo pahigpit ang paghawak niya sa collar ko kaya sumikip ang paghinga ko. "Bitawan mo nga ako tarantado ka!! Nakakasakal na!" inis kung wika sa kanya. Binitawan na rin nya ako at tumingin ito sa mga kaklase ko. Ngumiti ito ng bahagya sa kanila at sa hindi inaasahan ay lumabas siya ng walang dahilan. Anong nangyari sa bakulaw na iyon? Hehehe..Parang timang lang. Damputin ko na sana ang bag upang lumabas ng room ngunit bigla nalang may bumagsak sa noo ko na syang nagbigay sa akin ng ulirat. Kinuha ko ang bagay na yun at binasa. "GO TO HELL FAGGOT" Nanaman!! Pati ba-naman kayo. Ayaw ko na dito!! Aalis na ako. Pambihira namang araw nato. Sunod-sunod na pagbato ang ginawa nila. Sos maryusep!! Nagsasayang lang kayo ng papel!! Medyo natakot ako sa ipinakita nilang pambabastos sa akin. Hindi ito biro!!! Syet!! Hindi parin nawala ang pangamba ko ng lumabas ako sa room. Ito na ba ang buhay ko dito? Ito na ba ang haharapin ko sa buong taong pag-aaral ko dito. Kailangan kung magtiis dahil kinabukasan ko ang nakasalalay dito. Kailangan kung maging matatag dahil ako lamang ang tanging tao ang nakakaalam sa susunod pang araw na pag-aaral ko dito. Napabuntong hininga nalang ako at sinimulan ang aking hakbang papunta sa labas ng building. Ngunit sa hindi ko inaasahan ay nakita ko ang gwapong lalaking kinainisan ko na nakasandal sa semintong bubong malapit sa hagdanan. At nagsimula na namang mangamba ang aking sarili ng tiningnan akong masama nito. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD