TYLER POV
Inunat ko ang aking mga kamay at inayos ang kama. Maaga akong gumising dahil ito ang unang araw sa eskwela. Bumaba narin ako at nagpasyahang tulungan si nanay Mig sa gawaing bahay.
"Goodmorning anak.. Ang aga natin ah!" nakangiting sabi nito habang ginugulo ang buhok ko.
"Alam mo naman nay na unang araw sa eskwela at tiyaka gusto ko rin naman tumulong sayo sa mga gawaing bahay para hindi narin kayo mahihirapan pa" ngisi kung salita sa kanya.
"Sos tung anak ko talaga ang bait. Pakihugas nga sa kaldero sa kosina dahil may lulutuin ako mamaya " nakangiti nitong utos sa akin.
"Noted po nay!!" ikli kung tugon sa kanya at bumitaw ng ngiti.
Kuskus! Banlaw ang ginawa ko sa mga hugasin sa kosina. Medyo madami ang hinugasan ko dahil sa mga platong hindi nahugasan kagabi.
Mabilis na pagligo ang ginawa ko ng matapos kung hugasan ang maduduming kitchen utensils. Sinuot ko narin ang plantsadong uniforme at hinanda ang mga kagamitang kinakailangan sa paaralan.
Nauna narin sa akin ang dalawang kapatid ni Aaron dahil maaga kasi magsimula ang trabaho nila. Saktong alas syete ng gumising si Aaron. Buti nalang mabilis itong kumilos kaya sabay kaming nag-almusal.
Buntong hiningang lumapit kami kay Nanay Mig at nagmano sa kanya. Puro ngiti ang ibinitaw niya sa amin ngunit nag-iba kanyang ekspresyon ng nadapo ang kanyang tingin sa buhok ko.
...
"Kent nakalimutan mo yatang suotin ang piking buhok mo. Isuot mo muna anak bago ka lumabas baka may makakilala sayo. Nga pala bagay sayo ang suot mong eyeglass" nakangiting salita nito.
"Hehe.. Salamat po nay. Balik muna ako sa kwarto para suotin yun." ngisi kung tugon sa kanya.
"Ikaw kasi hindi mo sinabi sa akin na hindi ko pa iyon nasusuot. Muntikan na akong lumabas kanina"sisi kung salita kay Aaron.
"Sisihin ba ako! Tigilan mo na kasi ang pagjakol. Medyo makalimutin kana kasi"ngising biro nito.
"At wag ka na kayang magsuot nun. Ang weird mo kasi kapag sinuot mo iyon." ngising dagdag sabi nito.
Bungisngis akong nakatingin sa kanya habang yamot na nakatingin sa kanya si nanay Mig.
"Tama na nga yan Aron. Alam mo naman for security purposes lang ang ginagawa ni Tyler. Mag-ayos kana anak! At bilisan mo dahil malayo pa ang byahe nyo" sabat na salita ni nanay sa amin.
"Opo nay!!" ikli kung tugon sa kanya.
Sampung minuto ang nagamit na oras sa pag-ayos sa peki kung buhok. Prostetic hair ang ginamet ko at magkasingtulad talaga ito sa makatutuhanang buhok. Medyo mahaba ang pagkagawa nito dahil umabot ang haba niya sa nape ko. Malaki ang pagkaiba sa itsura ko ngayon kompara sa dati kung itsura. Tama nga si Aaron. Ang weird ng itsura ko.
Nakangising nakatingin sa akin si Aaron ng bumaba ako. Ganun din ang naging reaksyon ni nanay Mig kaya tudo rin na ngiti ang binitawan ko sa kanila. Umalis narin kami at nagpaalam kay nanay Mig.
Isang sakayan lang ng jeep ang tinungo namin papunta sa unibersidad. Medyo traffic kasi kaya natagalan kami ng kunti.
Malaki ang Exford university. Mukha lang itong luma pero kumpleto ang mga facilities na naayon sa qualidad ng pagseserbisyo sa mga estudyante. May malawak silang sport areas gaya ng swimming pool, basketball court, football field at iba pa.
Sa tingin ko umaabot ng limang daang silid ang buong unibersidad.
We walk silenty to business Administration Building. Napagpasyahan naming bisitahin muna ang AB- Information Area upang itanong sa kanila kung saan ang una kong klase.
.
Isang malalim na buntong hininga ang binitawan ko at nagtanong sa matandang babae na medyo may pagkaestrikta. Ilang besis akong nagtanong sa kanya pero hindi parin ito tumugon. Syet!! Nakakainis!!
"Mr.Kent Alexander Andulana right? " biglaang tugon nito sa akin habang itinaas ang kanang kilay nito. Tango lang naging tugon ko sa kanya.
"Bravo!! Ang ganda pala ng pangalan mo. Tss." ngising salita nito."Pero hindi bagay sa buhok mo! Gwapo ka sana kaso ang weird mo!! Magpagupit ka nga!" dagdag sabi nito.
Aba tung matanda nato ang sarap piktusin. Makalait wagas. Akala nya maganda sya hindi naman. Kung hindi lang talaga ako edukado baka nasupalpal kuna ito.
"Ah mam hindi ko po gustong iipagupit tung buhok ko kasi komportable na po ako dito."wika ko nito sabay ayos sa buhaghag kung buhok.
"Ah ganun ba. Hahaha, ang panget kasi ng buhok mo. Alam mo ba namukhaan kita?" ngiting hilaw nito sa akin.
Umigting ang bagang ko ng marinig ang katagang iyon. Sunod-sunod ang pagbuntong hininga habang hinihintay ang kasunod na katagang bibitawan niya. Namukhaan niya ba ako sa pagbabalat-kayo ko? Imposible!! Nilalait nga niya ako.
"Hindi naman mam, baka kamukha ko lang yung namukhaan mo"wika ko nito.
"Hindi, basta ikaw yun. Yung nasa F4 si Jun Pio, kamukha mo. Pero ikaw adik version ni Jun Pio."kutya nito sa akin sabay bitaw sa kanyang maladimonyitang hagikhik.
Akala kung ano na. Another kutya lang pala. Nakakainis ka na bruha ka!!
"Ah!! Hahaha, ganun po ba mam. Kayu rin po may namumukhaan ako, yung sikat na personality sa ibang bansa na si Elizabeth" nakangiti ko ring tugon sa kanya.
"Alam ko kamukha ko si queen Elizabeth, kaya majestic tong kagandahan ko"wika nito sabay hila sa buhok nitong patay.
"Aie hindi si queen Elizabeth, yung kumanta ng waraywaray si Elizabeth Ramsay, kamukha nyo mam" biro ko sa matanda.
"Che, Akala ko kung sino. Oh sya, kunin mo natong papel nato na naglalaman ng mga room kung saan ka pupugad. Umalis ka na! Medyo naiirita ako sayo. Tuloy na-estress ang majestic beauty ko." maktol na salita nito habang nandidiring inabot ang papel niya sa akin.
Tangna ka matanda ka!! Kung alam mo lang na ang panget mo sa make-up mo!! Hindi bagay ang kilay mo. Nagmumukha kang tipaklong.
"Correction mam!! Not majestic!! Exotic beauty po dahil endangered species kayo. Ngayon lang kasi ako nakakitang unggoy na nagsasalita. Goodbye mam and Godbless." irap kung sabi sa kaniya at madaliang lumabas sa silid. Malakas na halakhak ang binitawan ko kaya nagtatakang nakatingin sa akin ang nababagot na si Aaron na naghihintay sa labas.
"Ang saya natin ngayon ahh!" bungad na salita ni Aaron sa akin.
"Ganito naman ako palage. hahahha..." tawa kung salita sa kanya.
Hindi ko mapigilang tumawa sa ekspresyon ng matanda ng sinambit ko ang kahuliang kataga. Epic talaga! ahhaha..
"Baliw! Humayo na nga tayo para matuntun natin ang silid mo." maktol na sabi nito habang iniwan akong nakangising aso. Sumunod ako sa kanya at inakbayan ito.
Ikweninto ko sa kanya ang nangyari sa luob kanina. Nakangisi itong nakikinig habang nag-iwan ng malakas na halakhak ng sunabi ko sa kanya ang huling salita na binitawan ko sa matanda.
Hinalughug namin ang buong pasilyo ng unibersidad. Medyo nangalalay na ang aking mga tuhod dahil kanina pa kami paikot-ikot.
"Mukha yatang mali-late ka sa first period mo Aron. Ako nalang kaya ang maghahanap sa silid ko?" wika ko kay Aron.
"Okey lang ba sayo kung wala ako. Baka mawawala ka dahil sa laki ng paaralang ito."concerned nitong tugon sa akin.
"Okey lang sa akin. Kaya ko nato!"kuryuso kung wika sa kanya.
"Sigurado ka! Sige kung yan ang gusto mo. Basta mag-ingat ka! Aalis na ako dahil 15 minutes nalang magsisimula na ang klase namin." ngiting salita nito at umalis narin.
"Sige mag-ingat ka! Kita kits nalang tayo mamaya." pasigaw kung salita sa kanya. Inigawayway niya ang kanyang kamay at mabilisang umalis.
~*~
Nandito ako ngayon sa ikatlong palapag ng Business Administration Building. Dito kasi ang itinuro ng isang estudyante ang room na binanggit ko sa kanya.
"Ahm.. Mister saan po ba dito ang room AB 3?"
Bungad na tanong ko sa isang lalake na tahimik na nagmamasid sa malaking field ng ubibersidad.
"So ikaw pala ang bago naming klasmet? Tss.." prenting tanong nito sa akin habang patuloy parin ang pagtanaw niya sa labas.
"Ahhh... I see. " ikli kung tugon sa kanya. Seryuso itong tumingin sa akin habang inayos ang malaking salamin nito.
"Im Enrique Diaz!" pakilala nito sa akin.
Napakaseryuso niya. Ganun ba talaga siya magpakilala. Hindi man lang inabot ang kanyang kamay sa akin para makipagshake hands.
"Im Tyle.. I mean Kent Alexander Andulana. Ikagagalak kitang makilala." ngiti kung salita sa kanya. Muntikan na!!
"Mag-ingat ka Mister!! Dahil for sure meron namang bagong pagkatuwaan si Tristan! Galit siya sa katulad natin kaya wag mung kuntrahin ang tarantadong iyon. Binabalaan lang kita dahil empyerno ang naging karanasan ko dito dahil sa kanya." buntong hiningang salita nito sa akin.
Tristan? Pati ba naman dito!! What the pak! Sana hindi siya ang taong sinambit ni Enrique! Delikado na kapag siya dahil galit panaman iyon sa akin.
Mabilis siyang umalis at nakamulsang lumakad.
"Sumunod ka sa akin!!" utos niya sa akin.
Nakarating kami sa room AB-3. Maingay ang buong silid dahil sa tawanan at batuhan ng papel galing sa mga taong nasa luob. Mga walang desiplina!! Ganito ba talaga sila dito?
Tumigil sila sa kanilang ginagawa at mariing tumingin sa amin.
"Go.od Morning" utal na bati ko sa kanila.
Wala silang imik dahil patuloy ang pagmamasid nila sa akin. Tama nga ang hinala ko nandito rin pala si Tristan na masamang nakatingin sa akin.
"So ikaw pala ang bago naming klasmet. Hmm!! Ang saya naman.. May bago naman kaming puppet!" ngising salita ng isang lalaki medyo maangas ang dating. Gwapo rin ito pero mas gwapo si Tristan. Syet!! Pambihira naman! Did I compliment Tristan??
"Enrique the nerd had his own desciple. Nakakatuwa naman!! Akalain mo dito lang pala kita makikita! Dont worry.. Revenge is comming!!" ngising salita ni Tristan at bumitaw ng makabuluhang ngiti.
"Gago!!" ikli kung tugon sa kanya. Pero sapat narin iyon para marinig niya.
"Magandang laro ito. Palaban ka!!" ngising salita nito habang ibinato sa akin ang kumpul na papel sa akin.
Sapol!! Naheadshot ako.
Nakaupo narin ako at hindi narin ako kumibo pa dahil wala akong kilala dito maliban kay Enreque.
ITUTULOY