Chapter 7

1524 Words
TYLER POV Hindi ako mapalagay sa araw nato. Ang dami kasing nangyaring hindi maganda. Nandito ako ngayun sa cashier area upang magbayad sa mga binili ko. Ang haba kasi ng pila kaya natagalan ako. At isa pa natagalan rin ako sa paghahanap sa school supply section dahil hindi narin ako nagtatanong pa sa mga taong nakasalubong ko sa mall baka susupladuhan na naman ako. Ika-tatlo ako sa nakapila. Gumagaan ang aking pakiramdm dahil sa hinaba-haba ng pila ay ako narin sa wakas. Pero nanlaki ang aking mata dahil may lalaking biglaang uminsert sa harapan. Kilala ko ang taong ito. Si Tristan!! "Bro!! Madami pang nakapila. Ilang minuto narin kaming nakapila dito kaya pumila karin sa likod. First come! First serve po ito." ngiting sabi ko sa kanya. Hindi umimik si Tristan bagkus ipinagpatuloy niya ang ginawa nito. Tiningnan ko ang mga tao sa likod at tyanya ko ay kaidad ko lahat ang pumila. Wala akong nakitang pag-iinip sa kanilang mukha at kusang pinabayaan lang nilang pumila ito. Kita ko rin sa kanilang mukha ang kagalakan at kasayahan ang makita ang lalaking dati kung niligtas. Pero hindi kasi maganda ang ginawa niya. Nawala ang pagiging professional niya. "Bro! Umalis ka dito dahil kami ang nakaunang luminya. Maawa ka naman sa amin!" buntong hiningang salita ko sa kanya. Humarap siya sa akin at mariin akong tiningnan. Sa luob ng sampong taong huli kaming nagkita ay malaki ang pinagbago niya. Mas lalo itong gumwapo at tumangkad narin. Ganun parin ang hugis ng kanyang mukha. Medyo maangas narin ang dating niya kumpara nuon. "Kilala mo ba ako?"nakamulsang sabi nito at madiin ang kanyang pagtingin sa akin. Tango ang naging sagot ko sa kanya. Pero hindi kasi maganda ang ginawa niya kaya pumalag ako. "Bro! Bastos lang kasi ang gumagawa sa ginagawa mo ngayon. Hindi rin naman kasi maaring basta-basta lang po kayong uminsert at hindi dumaan sa tamang proseso. Matanong ko sayo!! Señor Citizen kaba? O Person With Disability? Kung isa po kayo duon ay ikagagalak kung paunahin kita." ngiti kung sabi sa kanya. Galit siya basi sa ekspresyong binitawan nito. Blankong mukha ang ipinukol ko sa kanya at walang takot na tiningnan ito. Lumingon ako sa likod ko at nakita ko ang nakasunod sa akin na may pagtataka sa kanilang mga mukha. Hala ka! mukhang kinampihan nila ang mukong. "Really? I dont care!!" ikling tugon nito. I stare him blankly. Walang kaemosyong hinayaan ko ang pagtitig niya sa mukha ko. Subrang laki ng pinagbabago niya. Ito pala ang tutuo niyang ugali. "Bakit hindi ka makapagsalita dyan? Bingi ka ba? O gusto mung ulitin ko para marinig mo!!" diing sambit nito sa akin. "Hmmm! Wala rin naman akong masabi pa pero sige continue what you doing. But ito lang ang masasabi ko sa pagkatao mo! You're unprofessional!!" ngising sabi ko sa kanya. Pinalikahan niya ako ng mata. Tanging ngiti lang ang pinukol ko sa kaniya kahit subrang galit na ito. "Sir, kayo na po." sabat na salita ng cashier. Inilapag ni Tristan ang mga binili nito. Nagtatakang nakatingin sa kanya ang kahera kaya kibit balikat din itong nakatingin sa kanya. "Pasinsya na po kayo sir. First come! First serve po ang pina-follow namin dito. Pumila po kayo sa likod kasi kanina pa nakapila ang mga taong nasa likod nyo." nakangiting salita ng kahera. "f**k!! Kasalanan mo ito!!" diing sabi ni Tristan at lumipat ng ibang counter. Naiwan akong nakangisi. Hindi rin naman tama ang ginagawa niya. "Okey lang po ba kayo sir?" bungad na sabi ng Cashier sa akin. "Okey lang po ako ate. Salamat." pabulong kung sabi sa kanya. "Walang anuman sir" pabulong rin nitong tugon sa akin habang pinapanso ang mga binili ko. "438 lahat po sir" dagdag nito. Hinugot ko ang pitaka sa bulsa at kumuha ng limang daan. Nang matapos akong masuklian ay agad akong lumakad palabas ng mall. Tanghali na akong nakauwi sa bahay. Medyo gutom narin ako dahil hindi pa ako nananghalian. "Anak kumain ka na? Kumusta ang lakad mo?" bungad na tanong ni nanay sa akin. "Okey naman po nay kaso masama ang lakad ko kanina." maktol kung salita habang umupo sa harap ni Aaron "Huh!! Bakit?" sabay na salita nilang dalawa. Isinasalysay ko sa kanila ang nangyari kanina. Sinimulan ko ang pagkwento sa kanila nuong nagkita kami ni Zach sa jeep. Huli kung sinabi sa kanila iyong banggaan at sagutan namin ni Tristan sa mall. "Nakita mo si Zach?" gulat na sabi ni Aaron kaya nabaling ang tingin ko sa kanya. "Nagkita nga kami pero iniwasan ko siya. Hindi pweding malaman niyang nandito ako dahil ayaw kung isali siya sa problemang meron ako." seryusong sabi ko sa kanya. "Eyh bakit ba kasi gulat ka nang binanggit ko ang pangalan niya!" ngisi dagdag sabi ko nito. "Kuan kasi! Kumain na nga tayo." paibang salita niya kaya bungisngis akong nakatuon sa pagkaing inihanda nila. "At yung Tristan anak? Bakit nagkasagutan kayo?" takang tanong ni nanay sa akin. "Mahabang esturya nay." ikling kung tugon sa kanya. "Tristan? Parang kilala ko yan. Matangkad na lalaki at ma-artistahin ang itsura. Magaling yan sa basketball at sikat rin ito pagdating sa mga babae. Cassanova kasi ang tarantadong iyan!! " seryusong salita ni Aaron . "Si Tristan ba kamo anak? Aba isusumbong ko talaga yan sa ina niya. Malintikan talaga ang bata na yan. Hanggang ba ngayon hindi parin nagbago ang ugali ni Tristan!" diing sabi ni nanay. Kilala pala nila ang binata. Gulat akong nakatingin sa kanila. Ganun ba talaga kasikat si Tristan sa lugar nila. "Kilala namin siya anak dahil suki ni tatay Endring mo ang magulang niya sa palingke. Sumasali rin kasi yan sa liga kaya sikat siya baranggay natin. Sikat din yan sa rambulan kaya umuukit na sa amin ang pangalan niya." seryusong sabi ni nanay mig sa akin. Laki talaga ng pinagbago ni Tristan. Tinagurian pala siyang siga dito sa baranggay Ermita. "Ai maiba nga, Handa ka na ba bukas sa una mong araw sa eskwela." si nanay migs. "Of course nay, subrang excited ako para bukas. Nakapaghanda na po ako." ngiti kung salita sa kanya. "At wag kalimutang isuot ang wig at eyeglass ha for safeness and security mo. Kahit nagmumukha kang nerdo basta hindi kalang nila makilala."seryusong tugon ni nanay mig sa akin. "Opo nay kahit laitin pa nila ako basta isusuot ko po ito palagi, Promise!" ngisi kung salita sa kanya. "Basta yan ang bilin ko sayo. Wag kang mag-alala anak, total nandyan naman si Aaron." dagdag sabi ni nanay mig sa akin. "Baka ako pa nga ang protektahan nyan. Takot ako sa rambulan at suntukan ma!!" ngising salita nito. "Hindi ko namang sinabing magsuntokan o magrambolan kayo. Ang sa akin lang may kasama si Tyler sa unibersidad" seryusong salita nito. Tinapus namin ang pananghalian at ako narin ang nagrepresentang maghuhas ng mga kinainan namin. Lumabas si Nanay Migs upang balikan ang kanyang naiwang trabaho sa labas. Nagpasyahan namin na manuod ng palabas na pinamagatang 3 idiots. Nakakatawa talaga ang movie at nakakainspired. Ganun rin sa Aaron nakikitawa rin. "Kent bukas, sama tayo papunta sa unibersidad. Para mae-totour kita sa kabuohan ng paaralan." si Aaron. "Sure! Iyan nga ang plano ko eh." ikli kung tugon nito at itinuloy ang pagpanuod ng movie. "Kent wag kanalang kaya magsuot ng wig at eyeglass. Ang sagwa mo kasing tingnan. Parang isang daang taong wala kang paligo. Ang gwapo mo kasi sa ganyang itsura." sabi nito sabay ngiti. "Hahhaha!! Ikaw talaga kutong lupa ka!! Gwapo rin naman ako kapag sinuot iyon. Mas ikaw ang kulang na paligo. " birong salita sa kanya. "Hindi noh!! Ang gwapo ko kaya!!" ngising salita nito sabay pogi poss. "Oo na! Oo na! Gwapo ka na!! Pero mas gwapo ako." ngisi kung salita sa kanya. "Im proud to say na ang gwapo ko pero mas gwapo ka! Magkano ba kasi ang surgery sa mukha? Gusto ko kasing lamangan ka."pabiro niyang salita sa akin. "Che! Wag na baka maging panget ka pa dahil sa surgery. Masira pa yang kagwapuhan mo." ngisi kung salita sa kanya. "Aw ganun ba. Hahaha... Oh sya!! Alis muna ako dahil may date ako ngayon. Alam mo na gwapo kaya habulin ng babae"sabi nito sabay tapik sa balikat ko. "Oh sige, ingat ka sa date mo! Ikumusta mo lang ako sa imaginary ka-date mo. Wag kalimutang mag-face mask dahil uso ang corona virus. Bawal muna ang halik-halik ha. Delikado na baka mahawaan ka pa" biro ko sa kanya. "Oie!!! Tutoo naman ang sinabi ko na may kadate ako ngayon. Gusto mo bang sumama para makita mo ang kagandahan ng dini-date ko? Baka ma-mismirize mo ang mukha nitong pang Liza Sobirano. At malayo pa si Corona. Wala pa sa Cebu!! Mataas ang resistinsya ng katawan ko kaya wag kang mag-alala" si Aaron. "Ah ganun ba, cge umalis ka na. Eregards mo lang ako kay Kiray. Hahaha"pabiro ko nito. Tumawa siya ng malakas at tuluyang lumabas sa bahay. Nakitawa narin ako sa kanya. Wala akong magawa ngayong hapon nato kaya nagpasyahan kong magpahinga muna. Hindi parin mawala ang itsura ni Tristan sa isip ko. Ang laki talaga ng pinagbago niya! ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD