Tyler POV
Isang linggo na ang lumipas ng umalis ako ng manila. Nandito ako ngayon sa cebu kasama ang pamilya ni nanay Mig. Kahit masakit sa akin ang umalis pero kailangan ko munang magpakalayo sa kanila. Simple lang naging buhay ko dito sa cebu. Hikahos man sa buhay pero kontento na ako sa pinakitang pagmamahal at pag-aaruga nila sa akin.
Tatlo lahat ang anak ni nanay. Ang dalawang anak nito ay nag tratrabaho bilang factory workers. Ang isang anak naman ni nanay ay nag-aaral pa.
May sariling gulayan ang asawa ni nanay Mig sa Carbon Market. Habang si nanay naman ay may maliit na karendirya sa harap bahay niya.
Mabait ang pakikitungo ng pamilya ni nanay sa akin. Naikwento narin nito lahat sa kanila ang dahilan kung bakit ako nandito. Taos puso nila akong tinanggap at tinuring na kapatid.
........
Isang malalin na buntong hininga ang binitawan ko habang inaayos ang hinigaan ko. Alas cinco y media palang ay gising na ang bunsong anak ni nanay Mig.
Kaya sumunod ako sa kanya upang tumulong rin sa gawaing bahay.
Dalawang palapag ang bahay nila. Gawa sa lumang kahoy at tagpi-tagping yero. Maayus naman ang luob ng bahay nila pero delikado sa sunog lalo na't nasasakop ito sa pinakamalaking eskwater area ng Cebu.
"Napaaga yata ang gising natin?" ngiting salita ng katabi ko habang naghahain ng kanin.
"Nakakabagot kasi kapag walang ginawa. Tutulungan nalang kita." ngiti kung salita sa kanya.
Ang kausap ko ngayon ang bunsong anak ni nanay Mig. Magkasing edad lang kami nito at gwapo rin ang mukong. May ipagyayabang rin ito dahil sa mukha niyang pang-artista. Batak ang katawan at matangkad rin na lalaki katulad ko.
"Ganun ba! Cge kung yan ang gusto mo? Tyler matanong nga? Diba sa Exford University ka nag-aaral? Kilala mo ba si Zacharrean Redira?" tungangang tanong nito.
"Si Zach ba kamo!! Tsk!! Namiss ko na nga ang mukong na iyon. Hindi nga ako nakapag-paalam sa kaniya ng umalis ako. Sana hindi siya galit sa akin." maktol kung salita sa kanya.
Gulat itong tumingin sa akin. May nasabi ba akong mali?
"Ibig mong sabihin magkakilala kayo?" gulat parin nitong sabi.
"Ha?? Tinatanong pa ba yan? Sino ba namang hindi makakilala sa taong iyon eyh subrang sikat pa nga nun. Mas sikat pa nga yun sa akin. Plus bestfriend ko ang mukong na iyon kaya subrang kilala ko siya."
ngiti kung salita sa kanya.
"Really? Alam mo ba na........." salita nito pero hindi ko narinig ang huling sinabi niya. Pabulong kasi.
"Pasinsya na pero hindi ko narinig ang huling sinabi mo? Ano nga iyon?" ngising salita ko sa kanya.
"Wala!! hahahha.. Ipagpatuloy mo muna ang ginawa mo. Tatawagin ko lang si mama saglit" seryusong sabi nito at umalis narin.
"Cge umalis ka na! Wag kanang bumalik ha" biro kung sabi sa kanya.
"Aie sos!! Nagsalita ang may-ari ng bahay. Ayusin mo yan baka ipapaulit ko sayo ang ginawa mo kapag mali yan." ngising salita nito.
"Anak ng tukwa!! Umalis ka na nga!!"
Tinawanan ako ni Aaron. Simula kasi ng dumating ako dito ay nagpakita na ng kadaldalan si Aaron sa akin. Mas lalo ko itong nakilala sa mga ilang araw ang nagdaan dahil mas close kami nito kumpara sa dalawa niyang kapatid. Palabiro kasi ang mukong. Parang si Zach lang.
Mga ilang minuto na ang nakaraan ay biglang bumukas ang pinto. Bumungad sa aking hrapan si nanay mig kasama si Aaron.
"Tapus na ba yan" nakapamulsang sabi nito habang mariing tiningnan ang ginawa ko.
"Ako pa ba? Expert kaya ako sa culinaty art kaya alam ko ang ibat-ibang klase sa hiwa gulay." irap kung salita sa kanya.
"Anong lulutuin mo?" takang tanong nito.
"Lumpia shanghai!!" ngising tugon ko sa kanya.
"Bakit Julienne strip ang paghiwa mo? Mali ang ginagawa mo." ngising salita nito kaya inirapan ko siya.
"Hindi pa ako tapus no!! Magmimincing ako mamaya." ngiti kung salita sa kanya.
"Watch and learn." dagdag sabi ko rito.
"Hyst.. mukhang makasundo na talaga kayo. Ahm.sya nga pala Aaron. Pwede mo bang kunin ang ipinadala ng kaibigan ko sa LBC. Importante ang mga iyon kaya wag mong kalimutan ha." Utos nito sa kanyang anak.
"Okey po nay. Ano naman iyon?" takang tanong ng anak niya.
"Wala ka na dun!! Tulungan mo na nga ang kapatid mo dyan. At maligo ka narin dahil may klase kapa mamaya." seryusong salita ni nanay habang inilapag ang mga binili nitong ulamin sa maliit nilang ref.
Natapos narin ang inihanda naming lumpiang shanghai. Hindi umabot ng dalawampung minuto si Aaron sa paghanda ng kanyang sarili para pumasok narin.
Masaya naming pinagsaluhan ang inihanda naming pagkain. Sumalo rin sa amin ang dalawa pang kapatid ni Aaron na walang sawang nagtatanong sa akin tungkol sa laro ng basktetball. Hindi rin nawala sa tanong nila kung nagkagirlfriend naba ako.
Natatawa ako sa kanila dahil sa mga biro nilang kwela. Medyo madaldal si Aaron kaya naging maingay ang hapag.
Umalis narin ang tatlo dahil sa kanilang mga priority. Naiwan akong mag-isa sapagkat may ginagawa si Nanay mig sa kanyang karendirya. Wala din dito si Tatay Endring dahil abala ito sa pagtitinda ng gulay sa palingke.
Panunuod ng TV at paglinis ng bahay ang ginawa ko buong araw. Bilin rin kasi ni Nanay Mig sa akin na wag muna ako lumabas dahil delikado lalo na't kilala akong tao.
"Nay pwedi ba akong lumabas?" maktol kung salita kay nanay Mig.
"Anak ayaw kung mapahamak ka. Marami ang tagadito na kilala ka lalo na sa mga magulang mo. Mainit ang ulo ng mga tao ngayon at medyo galit sila sa iyong ama." alalang sabi nito sa akin.
"Bakit naman po nay na galit sila kay dad?" takang tanong ko nito.
"Dahil sa lupang tinitirahan natin. May plano kasi ang ama mo na bibilhin ang lupang ito. Binigyan kami ng public notice sa baranggay na may dalawang buwan nalang kaming natititrang maninirahan dito. Humingi ng tulong ang mga tao sa akin na baka matigil ko ang plano ng ama mo. Pero sinabi ko sa kanila na matagal na akong nagreresign kaya hindi ko magagawa ang hikayat nila. Galit sila sa pamilya mo anak. Kaya nag-alala ako sa kaligtasan mo dito. Pasinsya kana anak pero wag kang mag-alala. Nakahanap ako ng paraan." ngiting sabi nito sa akin.
Wala akong magawa dahil kaligtasan ang inisip ni nanay sa akin. Para akong priso sa bahay niya kaya nababagot rin ako minsan.
Mga alas singko ng hapun ng dumating sa bahay si Aaron buhat nito ang kahon galing LBC.
Tinulungan ko ito sa pagbuhat at sabay naming inilapag ito sa lamesa.
"Ano kaya ang laman ng karton na yan bakit ang bigat. Baka nga importante yan.." salita ni Aaron habang hawakhawak ang baba nito.
"Baka nga!! Tika! Mukhang kilala ko yata ang nagpadala nito." takang sabi ko sabay binasa ang pangalan sa kahon.
"Si Britney pala ang nagpadala nyan. Isa sa mga kasambahay namin sa mansyon. Baka kagamitan yan ni Nanay Mig na naiwan doon"dagdag kung sabi sa kanya.
"Hintayin muna natin si Nanay upang mabuksan narin yan. Wag atat baka bumba yan." ngising tugon nito sa akin.
"Gunggung!!" ikli kung salita sa kanya sabay ngisi.
Ilang minuto rin ang nakaraan ay dumating narin si nanay mig galing sa karendirya niya. Tumingin sya sa aming dalawa at binaling ang tingin sa karton. Umukit ito ng napakagandang ngiti.
"Hyst sa wakas dumating narin ito. Matagal ko narin kasi itong hinihintay." Pabuntong salita nito habang lumalakad papunta sa kahon.
"Gaano ba kasi ka importante yan sayo ma. Ano ba kasing laman nyan?" Si Aaron.
"Malalaman mo rin anak mamaya kapag nabuksan narin natin yan." nakangiting tugon nito.
Nang binuksan namin ang karton ay mukhang excited kaming makita kung ano talaga ang laman nito. Nakita namin ang isang malaking supot ng plastik at long envelope na may nakalagay na mga papeles. Iniluwa rin nito ang isang kahon ng sapatos na familiar sa akin ang brand. At panghuli ng makita ko ang bagay na kinaguluhan ko. Dalawang pares na peking buhok. Anong gagawin ni nanay sa mga ito?
"Nay para saan ito?" tanong ko kay nanay Mig sabay kuha sa peking buhok. Tumingin rin sa bagay si Aaron at naguguluhan rin ito sa nakita nya.
"Para sayo yan anak." Sabi ni Nanay Migs sa akin.
"Ha! Bakit ko naman ito isusuot nay. May sarili naman akong buhok"naguguluhan kong sagot kay nanay Mig.
"Sa totoo anak , napagsunduan namin ng tatay Endring mo na pagpaaralin ka. Gusto lang kasi naming ligtas ka at iwas sa kapahamakan kaya nagplanuhan naming ipasuot ito sayo kapag lumalabas ka ng bahay"
Mahinanahong salaysay ni nanay Mig sa akin. May hinulbot rin siya rito at iniluwa ang dalawang pares ng eyeglasses.
"At ito anak iparis mo sa peki mong buhok para hindi ka mamukhaan ng mga tao sa labas. Lahat ng mga gamit na na ipinadala ni Britney ay para sayo anak." ngising salita nito.
"Nagpasyahan din namin na doon ka muna mag-aaral sa unibersidad na pag-aari ng ama mo. Total pareho lang naman ang uniformi sa lahat ng mga kasanga nito kaya inutusan ko si Britney na ipadala lahat ang kagamitan mo dito." dagdag salaysay ni nanay Mig sa akin.
Hindi narin ako umimik pa bagkus masaya ako dahil narin sa kabutihan na nagawa nila sa akin. Sa wakas makakalabas narin ako ng bahay.
"At lahat rin ng mga dokumento sa dati mong paaralan ay pinakuha ko kay britney para tuluyan narin ang pag-transfer mo dito sa cebu. Pero sinabwat namin ang isa sa mga tagapamahala ng dati mong paaralan na ibahin ang pangalan mo upang hindi malaman ang tunay na pagkatao mo. Ginawa namin ito anak para sa kaligtasan mo." ngiting salaysay nito.
I sight heavely. Seyusong nakatingin sa akin si Aaron at ganun din si Nanay Mig.
"Ano naman ang maging pangalan ko nay?" ngiti kung salita sa kanya.
"Kent Alexander Andulana anak. Kaapilyedo namin." ngising tugon nito.
ITUTULOY