Pagdating ko sa paaralan ay bumungad sa aking harapan si Angela at makulit na isinalaysay ang bagong ina-upload ni kuya sa i********:. Tango at ngiti lang ang sagot ko habang ipinagpatuloy ang makabuluhan niyang kwento.
Lumakad na kami papunta sa silid kung saan gaganapin ang filipino namin. Hindi ko mapigilang tumawa sa kasama ko dahil sa gaspang ng hininga niya.
"Ang bilis mo namang lumakad. Pweding bang bagalan mo? Ang liit kaya ng mga paa ko." inis na sabi nito kaya naging mabagal ang paglakad ko.
"Wag mong sisihin ang paa! Sisihin mo ang malaki mong katawan!" nakangisi kung biro sa kanya.
"Chehhhh!! Maawa kanaman sa kaibigan mo! Hindi ko naman kasalanan kung bakit ang laki ko. Swerte kayo dahil mabilis ang metabolismo nyo kaya hindi kayo tumaba." irap na sabi nito.
"Ito naman hindi mabibiro. Bilisan na nga natin ang paglakad baka mahuli pa tayo sa pasulit." ngising sabi ko sa kanya.
"Wait?" nakangiti nitong salita sa akin.
Kaya pala huminto dahil nakasunod sa amin si Kuya. Nagmamadali din ito gaya namin.
"Higad ka talaga!! Wag mo ng hintayin si Kuya baka malelate na naman tayo." pabulong kung sabi sa kanya pero hindi parin ito nakikinig. Hinihintay parin niya ito.
"Magandang umaga sayo Chad! Ang gwapo mo talaga! Pwedi ba akong sumama sayo. Tutal magkatabi naman yung silid natin." ngiting sabi nito habang mariing ang kanyang pagtingin kay kuya.
"Whoever you are go to hill!! Nagmamadali ako kaya wag kang humarang!" irap nitong sabi sa kaibigan ko kaya nasupalpal ito.
"Chad naman!! Maawa kanaman sa akin. Tanging ikaw lang ang lalaking nagpatibok ng puso ko. Kilala mo naman ako diba? Ilang ulit rin naman akong nagparamdam sayo simula nuong nasa itlog kapa ng ama mo. Utot at hininga mo kilala ko rin. Please chad! Tanggapin mo na ako sa buhay mo." nagmamakaawang sabi nito sa kapatid ko.
Syet!! Gunggung ka talaga Angela! Masasaktan ka lang!
"Nagbibiro ka ba? I DONT LIKE YOU! Tang-inang pangmumukha na yan! Hindi ka maganda at wala sa standard ko ang patulan ka! Go to hill idiot!!" irap nitong sabi kay Angela. Nabingi ako sa sinabi niya. Expected rin naman na sabihin niya iyon pero hindi ko gusto ang banat niya dahil minura niya ang kaibigan ko.
"Ang bastos mung magsalita Kuya. Kailan mo ba baguhin iyong pakikipagtungo sa iba? Kung aasta ka sa tingin mo ay hindi masakit yang pinagsasalita mo. Palibhasa hindi mo naramdaman kung paano masaktan lalo na kapag galing sa tabas ng bibig mo! " diing sabi ko kay kuya.
Napuno na kasi ako kaya nasumbatan ko siya.
"Wag mong kampihan ang salot na yan baka ididiin ko ang kamaong ito sa pagmumukha mo!! Sa tanang buhay ko ay galit ako sayo! Dahil duwag ka at walang kwentang kapatid!! Kahit ilang besis mo akong sumbatan na baguhin ang pakikipagtungo sa iba ay hindi magbabago iyon dahil ganito talaga ako at alam mo iyon Tyler James Pielago! " galit nitong sumbat sa akin habang tinusok-tusok nya ang hintuturo pagmumukha ko.
Natahimik ako! Parang nabuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa mga sinabi niya. Im useless? Unworthy!! Ilang ulit na nilang sinampal sa akin ang mga katagang iyan. Kung hindi lang talaga mahaba ang pasinsya ko baka matagal na akong sumuko.
Umalis narin ito at naiwan kaming tulala. Humingi ng pasinsya si Angela dahil sa sagutan namin ni kuya kanina. Tuloy hindi niya maiwasang maiyak dahil sa mga katagang naisambit ng aking kapatid.
"Ang hirap paamuhin ng kapatid mo Tye. Ilang taon narin akong nangungulit sa kanya pero wala paring epik. At ngayon nasaktan ka pa dahil ipinaglaban mo ako sa talim na salita niya." pilit na ngiti nitong sabi pero hindi mapigilan ang pagtulo ng mga luha niya.
"Eyhhh.. Ilang besis ko na kasing sinabi sayo na tigilan mo na pag-aaligid kay kuya dahil naging ilusyonada kana. Imposible kasi ang pinapangarap mo na maging kayo." pangaral sa ko sa kanya.
"Napakasupportive mo naman. Kaibigan ba kita?" asar nitong salita sabay pahid sa mata nitong lumuluha.
"Hayy naku! Ang drama mo Angela. Ayusin mo nga ang sarili mo. At simula ngayon tigilan mo na ang pagiging dakilang stalker. Nagmumukha ka kasing tanga." seryuso kong salita sa kanya.
"Okey fine!! Titigil na ako. Titigil ako ngayong araw pero sa susunod na araw ay ipagpatuloy ko." nakangising sabi nito.
Baliw talaga!! Baliw kay Kuya Chad.
Buntong hininga lang ang naging reaksyon ko at pumasok narin sa silid.
Nang pumasok kami ng room ay nagtataka ako kung bakit kunti lang ang mga kaklase ko. Baka absent na naman ang guro namin.
"Hoy Zach!! Kanina ka pa ba dito? Wala yata tayong klase" nakangiti kung sabi sa isa ko pang baliw na kaibigan.
"Halata namang wala tayong klase. Nilalagnat kasi si Mam Fretchy Mae Lawit kaya ayun na-ospital. Tyaka, Bakit ang tagal nyo? Kanina pa ako naghihintay sa inyo." asar nitong salita habang isinaklay ang bag nitong may tatak sa isang sikat na brand.
"Itong kasing si Angela lumalandi na naman kaya ayun nasupalpal sa maanghang na salita ni Kuya at nadamay pa ako."
Ngumiti ng napakalaki Si Zach. Ngiting nang-aasar.
"Anong ngiti-ngiti mo dyan?" asar na salita ni Angela kay Zach
"Yan ang napapala sa mga taong nangangarap ng umaga. Ayan tuloy napahiya." nakangitimg asar nitong salita.
Pumula ang mukha ni Angela dahil sa galit kaya sinugod niya si Zach at piningot ang tinga.
"Napakasupportive mo namang loko ka. Pareho kayo ni Tyler, VERY SUPPORTIVE. Tas wala kang ibang magawa kundi asarin ako." patuloy nitong salita habang pinipingot parin ang tinga ng kasama ko.
"Aray!Arrray naman Angela" nagmamakaawang sabi nito para kay Angela.
"Tumigil nga kayong dalawa.. Para kayong mag-jowa na nag-eeLQ. Umalis na nga tayo dito at pumunta sa kanten para makapagsnack narin. Nagugutom ako dahil sa inyo."seryuso kung sabi sa kanila.
Tumigil narin sila sa kanilang harutan at pumunta narin sa kanten. Tubig at buscuit lang ang binili ko at ganun rin si Zach samantalang si Angela ay halos pinakyaw na ang buong tinda ng kanten. Umupo narin kami ay sinimulang kainin ang pagkaing binili namin.
Habang kumain kami ay di parin namin mapigilang mapag-usapan ang nangyari kanina. Nakakatuwa dahil mas lalong naasar si Angela at mas lalo itong naging nagalit dahil sa banat ni Zach patungkol sa kanya. Hindi ko rin mapigilan ang matawa dahil sa bangayan ng dalawa.
Nang matapos kaming kumain ay pumunta narin kami sa susunod na asignatura. Nakaakbay sa akin si Zach habang patuloy na isinasalaysay ang paborito nitong laro na Fortnite. Wala akong maintindihan sa sinabi niya dahil hindi ako nakakarelate. Mobile Legend at summertime Saga lang kasi ang alam kung laruin.
Nang baktasin namin ang daan ay hindi mapigilang ilangan ako sa bawat titig ng mga estudyanting tumatambay sa passageway. Hindi ko rin naman sila mapigilang mapalaway sa amin dahil subrang gwapo namin sa suot naming uniformi.
Mahabang lakaran ang ginawa namin dahil subrang laki ng Exford University. Ito kasi ang main school kaya malaki ito kompara sa iba pang mga kasanga nitong unibersidad.
Hingal at pagod ang naramdaman namin ng dumating kami sa silid. Deritso kaming umupo dahil napagod kami sa mahabang paglalakbay. Ilang minuto ang nakaraan ay dumating narin si sir Yral Dimakabaligoten. May lahi kasi itong russian kaya mahaba ang apilyedo niya.
"Nga pala Tyler, napadaan yung coach ninyo kanina sa opisina ko. Ibinilin niya na may praktis daw kayo ngayon. Sige humayo kana at pumunta sa coart upang duon magpraktis." nakangiting sabi nito.
Nagpaalam narin ako sa dalawa kung kaibigan at umalis narin sa silid. Pagdating ko sa coart ay magsimula na pala silang magpraktis kaya hinintay ko ang pagkakataong matapos ang kanilang insayo.
"Oi nandito ka na pala Tyler. Magbihis ka at simulan ang insayo." si Coach.
Pagkatapos kung magbihis ay sinimulan ko narin ang pag-insayo. Tamang pag jumping jack at takbo ang ginawa ko. Nagsimula narin kaming maglaro gamit ang mga ilang teknik na tinuro ni coach. Indeed!! Napakagandang laro ang ginawa namin at talagang handa na kami sa nasasabing basketball interschool compitation.
Gabi na nang natapos ang insayo namin. Nagmamadali akong pumunta sa garage ng school dahil naalala ko ang bilin ni mom. Hanggang ngayon ay wala pa si Manong.
Umupo ako sa bench at hinalukay ang luob ng bag ang cellphone ko. Nakatuon ako sa mensahing galing kay manong at mabilisang binasa ito.
Manong:
Sir nandito na ako sa mall at kanina palang ako dito na naghihintay sayo. Wag kanamang paasa sir nangangalay na ang mga paa ko dahil sa kahihintay sayo.
Nagulat nalang ako sa text ni manong. Bakit naman ako pupunta sa mall eyh wala naman akong bibilhin doon. Hindi ako mapakali kaya tinawagan ko ito.
Takte naman!!! Minamalas talaga sa pagkakataong nagmamadali ako. Syet!!Ubos na pala ang Load ko.
Nakatayo ako ngayon habang minamasid ang daang palabas ng unibersidad. Magkocommute nalang ako.
Syet!! Sino naman ang lalaking ito? Parang may mali! Ang lakas ng t***k ng puso ko! I sense danger. Tika! Anong gagawin niya?
"Sino ka?"
"Hindi mo ako kilala pero ako ang papatay sayo!!" ngisi nitong salita. He grab my shoulder and cover my nose.
Dama ko ang baho na gumagapang sa katawan ko na para bang linason ako dahil sa amoy nitong mapakla sa sikmura. Nahilo ako at mukhang lumalaylay ang aking katawan. Hindi ko mapigilang manginig hanggang sa tuluyan akong maidlip.
Itutuloy