TYLER POV
Naalimpungatan ako dahil ang ingay sa labas. Rinig ko ang boses ng aking ama na yumayanig sa buong mansyon. Hindi ko mapigilang makisusyo kaya tumayo ako upang puntahan sila.
Nang narating ko ang silid ay nakita ko ang namumutlang mukha ni nanay Mig. Nanginginig itong nakayuko habang madiin ang paghinga niya.
Hindi narin kaya ng konsensya ko na halos araw-araw nalang niya pinagalitan si nanay Mig kaya tuloy naisumbat ko kay dad ang maling ginawa niya.
"Dad? Ano po ba ang nangyari bakit napasigaw kayo? Palagi nyo na pong pinagalitan si nanay Mig at halos araw-araw na yata. Sana po tigilan na po ninyo na sigawan siya. Alam nyo naman pong nerbyuso si nanay." kalmado kung salita sa kanya.
"Tang-ina!! Wala akong paki-alam kung nerbyuso yang nanay-nanayan mo!! Ang tanga!! Ilang taon ng naninilbihan dito pero ang bubo parin. Simpling pagtimpla ng kape! Palpak parin!!" galit nitong sabi habang dinuduro ito.
"Dad? Wag nyo naman pong gawin yan kay nanay!! Kung galit ka sa kanya idaan nyo naman po sa mabuting usapan." seryuso kung salita sa kanya habang patuloy ang paghimas sa likod ni nanay Mig.
"Bwesit!! Wala akong paki-alam sa matabang hampaslupa na yan!! Bugok at ang tanga-tanga!! Ngayon alam ko na ang dahilan kung bakit tanga ka rin! Dahil puro kagaguhan ang itinuro niya sayo! Mga walang kwenta kayo!! Mas mabuti pang umalis kayo sa aking harapan baka maibato ko sa inyo tung coffee maker sa pagmumuka niyo!!" galit nitong sabi kaya tahimik kaming umalis sa harapan niya.
Masakit para sa akin ang mga binitawang salita ni Dad. Simula kasi nuon ay ganito na ang pakikitungo niya sa amin.
Matagal ng may galit si dad sa akin dahil nabastos ko ang kompare niya sa neguyso na si Henry Gokengwei. Nang dahil sa aksidente ay nagbago ang pakikitungo nito sa akin. Malaki rin kasi ang dagok ng negusyo niya dahil nawala ang taong tutulong sana sa kanya na mas lalong palaguin ang negusyong itinayo nito.
Nang dahil sa isang basong juice na aksidenting nabuhos ko sa suit ng matanda ay ikinancel lahat ng mga transaksyong may kasangkot sa negusyo ng ama ko. Kung hindi sana ako nag-volunteer na pagsilbihan ang matanda ay hindi sana nangyari iyon. Kasalanan rin naman kasi ng kapatid ko na si Chad dahil sinadya niyang tampalin ang paa ko kaya nangyari iyon.
Malaking dagok para kay daddy ang pangyayaring iyon kaya nagtatanim ito ng galit sa akin.
A moment later.....
Isang malalim na buntong hininga ang binitawan ni nanay Mig. Ubos ang dalawang basong tubig na ininom niya dahil sa ilang ulit nitong pag-iyak.
Dalawampong taon narin ang paninilbihan ni nanay Mig sa mansyon. Sa dalawampung taong paninilbihan niya ay tiniis niya ang mga masasakit na salita ng aking ama. Napamahal narin kasi siya sa amin kaya nahihirapan siyang umalis.
"Nay, Ako na po ang humihingi ng paumanhin sa ginawa ng ama ko kanina. Alam kung subrang sakit ng mga sinabi niya sayo pero wag nyo nalang po intindihin baka na-estress lang po yun sa negusyo niya" nakangiti kong sabi sa kanya sabay himas sa malapad nitong likod.
"Anak, Patawarin mo ako dahil nadamay ka kanina. Gusto ko na sanang umalis dito kaso mamimiss ko kayo ng kuya mo at hindi ako mapakali basta hindi ko kayo kasama. At salamat pala kanina ha dahil iniligtas mo ako sa talim ng bibig ng iyong ama. Nagkamali kasi ako sa pagtimpla ng kanyang kape kaya napagalitan ako tuloy. Akala ko kasi puting asukal yung nalagay ko sa kape niya. Yung asin pala na mukhang asukal ang nalagay ko." buntong hiningang salita nito habang pinunasan ang mga luhang umuuga sa kanyang mga mata.
Anak narin ang tawag nito amin dahil siya narin ang tumayo bilang pangalawang ina ko. Malaki ang respito namin kay nanay mig dahil pinalaki niya kaming maayos at tinuring bilang sariling anak narin.
.....
Sa mga sandaling iyon ay tinulungan ko ito upang ihanda ang agahan namin. Relyenong bangus ang niluto namin at ilan pang mga putahi na paboritong ng aking ina.
Dumaan ang ilang oras ay natapos narin ang niluto namin. Nagmamadali rin akong maligo para ihanda ang sarili sa pagpasok sa unibersidad. Nang matapos na ako ay napagpasyahan kung pumunta sa kwarto ni kuya para gisingin ito. Ilang besis akong kumatok sa pintuan niya pero tulog parin si Kuya Chad. Buti nalang hindi naka-lock ang kanyang pintuan kaya agad akong nakapasok.
"Kuya gising na!! Malapit ng mag-alas otso. Baka ma-lelate ka na naman." payug-yug kung gising sa kanya.
Hindi parin gumising si Kuya. Malakas na hilik ang narinig ko galing sa kanya. Ilang ulit ko siyang ginising pero tulog mantika parin.
"Kuya naman!! Gumising ka na!!" sigaw kung pagising nito.
Nagising narin ito. Dahil sa ginawa ko ay masamang nakatingin sa akin si Kuya Tristan. Pinalakihan niya ako ng mata pero ngiti lang ang ibinitaw ko sa kanya.
"Agang-aga nambwebwesit. Esturbo ka talaga. Umalis ka nga sa kwarto ko!!" sumbat nito sa akin habang kinus-kus ang kanyang mapupungay na mata.
"Nag-alala lang ako sa exam nyo kuya. Mag-alas otso na kasi kaya ginising na kita. Nabalitaan ko kasi kay cris na may exam raw kayo mamaya. Aalis na ako kuya. Maligo na po kayo para makakain ka narin. Nakahanda na sa kosina ang paborito mong agahan." nakangiti ko paring sabi sa kanya.
"The hell I care!! Umalis ka na sa kwarto ko!! Benibwesit mo kasi ang umaga ko!" sumbat nitong sabi sa akin kaya madali akong lumabas sa kwarto niya.
Ganito ang trato niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit palaging masungit si Kuya pagdating sa akin. Hindi naman siya ganito sa akin nuon. Subrang bait pa nga nito at mapag-aruga.
Bumaba narin ako habang tanaw ang aking inang kagigising palang. Prenting nakaupo ito sa sofa at sumisipsip ng mainit na kapi.
"Magandang umaga sayo mom" ngiting sabi ko sa kanya at humalik sa pisngi niya.
"Umupo kana anak at kumain narin. Nasaan ang kuya mo?" ngiting tanong nito habang patuloy sa pagsipsip ng kape.
"Kagigising lang po nya mom. Bababa narin po yun mamaya. Nga pala mom kumusta na po iyong organisasyong ipinatayo niyo." nakangiti ko ring tanong sa kanya.
May pinatayong foundation ang ina ko. Iyong pagtulong sa mga kabataang nahihirapan sa fenancial. Tinulungan niya ito sa pamagitan ng libreng edukasyon sa sekondarya at kolehiyo.
"Kinarrier ko na talaga ang pagtaguyod sa foundation anak. Kaya nga minsan nalang tayo makapagbonding dahil subrang besi talaga sa paghanap ng mga sponsor at donor. Hirap kasing kombensihen ng ama mo para tulungan kami. Ang tigas talaga ng puso.." seryusong sabi nito.
"Okey lang po iyon mom. Mas mabuti po iyong ginawa niyo dahil marami po kayong natutulungan. Nais ko rin pong mag-volunteer sa organisasyong ipinatayo niyo mom. Maghahanap po ako ng sponsor. Madami rin kasi akong kaibigang may busilak na puso baka po makakatulong sila." nakangiti kung sabi sa kanya.
"Talaga anak!! Thank you for supporting me sweety." ngiyak-ngiyak nitong sabi at niyakap ako.
Marami pa kaming pinag-usapan ng aking ina. Hindi rin mapigilan ang tawanan naming dalawa dahil sa banat niya. Halos lahat ng kweninto niya ay patungkol sa mga batang tinulungan niya sa foundation.
"Nga pala anak. Mamayang gabi umuwi kanang maaga dahil may ihahanda ako para sa inyo ng kuya mo. Kahit sa ganung paraan ay makabawi rin ako sa mga araw na wala ako." nakangiting sabi nito sabay ayos sa magulo kung buhok.
"Goodmorning mom" bungad na salita ni kuya.
"Anong oras ang pasok mo Tristan?? Gumagala ka naman kagabi kaya tanghali kanang gumising?" seryusong sabi ni mom sa kanya.
Nawala ang ngiti ni Kuya!! Ilang ulit narin kasing pinagsasabihan ito na tigiltigilan ang paglalakwatsa niya lalo na kung gabi pero hindi parin ito tumino. Mas naging grabe pa nga ito.
"Ito namang si Mom.. Masarap lang ang tulog ko kaya tanghali akong nagising." nakangiti nitong salita habang umupo sa harap ko. Sinamaan niya ako ng tingin kaya naibaling ko kay mom ang tingin ko.
"Soosss! Reason pa more!! Kumain ka na at pumasok narin. Aalis muna ako dahil pupuntahan ko muna ang ama niyo." ngiting sabi nito at umalis narin.
Nang makaalis si mom ay subrang galit na ekspresyon ang ipinukol ni kuya sa akin. Ngiting hilaw ang ibinitaw ko sa kanya habang patuloy ang pagsubo sa pagkain.
"Tskkk!! Bakit nandito ka pa? Paimportante kaya hindi pa umalis. Balita kasi ikaw ang pinakamabait sa ating dalawa at ako iyong tarantado na walang ibang ginawa kundi magbigay ng sakit sa ulo." diing sabi nito sa akin.
Nakayuko akong nakikinig sa kanya. Pawang sunod-sunod na buntong hininga ang binitawan ko.
"Ku.ya alis na po ako. Ingat po kayo." utal-utal kung sabi sa kanya at mabilisang tumayo.
"Aalis ka!! Common!! Samahan mo muna ako dito dahil hindi pa ako tapos sa sinasabi ko." sarcastic na salita nito.
Walang salitang umalis ako sa harapan niya. May sarili siyang kotse kaya hindi kami sabay papunta sa unibersidad. Buti narin iyon dahil la-laki pa ang tensyong meron kaming dalawa. Ayaw kung kalabanin siya dahil renerespito ko ito.
"Magandang umaga sayo sir" bungad na salita ni Manong Jamie. Simula bata ay personal driver ko na ito.
"Magandang umaga rin sayo manong." ngiti kung sagot sa kanya.
Pinaandar narin niya ang sasakyan at sinimulan ang byahe papunta sa unibersidad.
ITUTULOY