Chapter 19

1841 Words
FLASHBACK CONTINUATION Hinanap nila kami pero mas nangibabaw parin sa amin ang takot na baka makuha nila ulit kami. Sa masukal na kagubatan kami nakatago ni Tyler. Magkahawak parin ang aming kamay habang binabaktas ang mabatong lupa. Kumikirot ang aming mga paa dahil wala kaming tsinelas na sinusuot. "Nandito sila!!"sigaw ng isang lalaki kaya nabigla kami lalo na't kami ang punterya nila. Kumaripas kami ng takbo. Hindi parin binitawan ni Tyler ang kamay ko. Pahingos kaming pumunta sa makapal na talahiban. At nagmamadaling pumasok narin duon. Lalong kumakapal ang talahiban at mas lalong dumilim ang paligid. Kami nalang dalawang natira ni Tyler at hindi ko alam kung saan ang iba naming kasama. Takot ang lumukob sa akin nuon dahil susuongin namin ang madilim na talahiban. Takot ako sa dilim! Takot na takot! Isiniksik ko ang sarili sa lalaking kasama ko. Subrang natatakot ako dahil sa dilim. "Tyler wag kang umalis sa tabi ko! Takot ako sa dilim" iyon ang nasabi ko habang siniksik ang ulo ko sa dibdib nya. "Shh... wag kang mag-alala. Nandito lang ako." pag-alalang sabi nito habang inilingkis ang kamay niya sa biwang ko. "Nadakip na namin ang tatlong bata master. Iyong dalawa nalang ang hindi namin nakita" sigaw ng lalaki na narinig namin sa labas ng masukal na talahiban. "Hanapin nyo ang mga batang iyon dahil sayang lang ang pinapaguran natin. Halughugin nyo ang buong talahiban at wag kayong babalik kung hindi nyo makita ang dalawanang bata." galit ng sumbat ng isang lalaki na sa tingin ko pinuno nila. Lakad takbo ang ginawa namin. Kumakati ang aming katawan at sumasakit ang mga paa namin. Ilang sandali pa ay tumigil kami dahil sa liwanag ng flashlight. Muntikan na kaming makita kaya isiniksik namin ang sarili sa tuyot makapal na talahiban. Ilang minuto rin ang nakaraan ay nawala rin ang ilaw ng flashlight kaya buntong hininga nalang ang aming binitawan at nakapagdesisyon kami na dito muna magpalipas ng gabi. "Alam mo kapag nakabalik ako sa amin ay kakain ako ng maraming cake tapus bangus na prenito. Kasi paborito ko iyon" panimulang salita ni Tyler sa akin. Ngumiti ito ng bahagya at mariin tumingin sa akin habang nagkahiga kaming dalawa. "Isa sa mga mamimis ko kapag nakabalik ako sa bahay ay ikaw. Isa ka rin sa mga taong hinugutan ko ng lakas lalo na ngayon. Sabi ko sa sarili na sana hindi ka magbabago pagdating natin duon sa syudad. Ikaw parin ang Tyler na nakilala ko na mabait, gwapo at higit sa lahat ang pagiging caring mo. Mamimiss kita" sabi ko sa kanya sabay yakap rito. "Ilang araw lang kasi ang panatili namin dito sa cebu at babalik kami ulit sa manila kaya hindi narin kita makita. Mamimiss tala kita Tristan. Kahit sa munting panahong nakilala kita ay hindi kita malilimutan." ngiyak-ngiyak nitong sakita at yumakap rin sa akin. "At wag kang mag-alala Tristan!Pangako hindi ako magbabago. Iingatan kita ng buong puso kapag magkikita tayo ulit. Hindi ako magbago kailanman pagdating sayo."dagdag nitong sabi sa akin habang hinihimas ang manipis kung buhok. "May ibibigay ako sayo palatandaang nandito lang ako palagi sa tabi mo. Iingatan mo yan ha. Naka-ukit ang pangalan ko dyan. " ngising salita nito habang idinikit niya ang singsing sa hintuturo ko. "Regalo yan ng mommy ko. Importante ka sa akin kaya ibinigay ko yan sayo. Kapag magkita tayo ulit wag mong kalimutang isa-uli sakin ang bagay na yan. Dahil papalitan ko ng bago ang sing-sing na yan para sayo. Papakasalan pa kita!" seryusong salita nito kaya ngisi ang naging tugon ko sa kanya. "Pwedi ba yun? Pareho tayong lalaki!" ngiti kung salita sa kanya. "Ano naman kung pareho tayong lalaki. Basta pakasalan kita!" ngising salita nito. Magdamag kaming nag-uusap buti nalang sumuko na ang mga humahanap sa amin. Yakap niya ako at yakap ko rin siya. Nakatulog kami na ganun ang aming posesyon. ~*~ Kinabukasan ay sinimulan narin naming binaktas ang talahiban. Kahit makati ang buong katawan namin basta ang importante ay ligtas kami at hindi kami makita ng mga lalaking iyon. Hawak parin ni Tyler ang kamay ko. Nakalabas narin kami sa masukal talahiban at bumungad sa amin ang kalsad na wala kaming kaalam-alam kung saan ito papunta. "Dito nalang tayo dadaan sa kalsada baka may makikita tayong sasakyan para makahingi rin tayo ng tulong sa kanila." pag-alinlangang sabi ni Tristan sa akin. "Okey! Paano kung makita natin ulit ang puting van? Anong gagawin natin?" alalang tanong ko sa kanya. "Edi tumakbo tayong dalawa tapos hindi tayo dadaan sa kalsada kundi babalik tayo ulit sa talahiban. Kanina ko pa kasi yan pinaplano" pangiti nitong sabi sa akin habang hawak parin ang kamay ko. Ilang minuto ang nakaraan ay may paparating na itim na sasakyan. Sineswerte ba naman! Nakangiti kaming tinatanaw iyon at sa wakas maliligtas narin kami. Pero ang swerting naudlot ay pinalitan ng kamalasan dahil sa taong paparating sa kinaruonan namin. May hawak siyang baril kaya takot kaming nakatingin sa kanya. Siya! Siya ang lalaking kumuha sa akin sa mall. "Nandito lang pala kayo hahahha. Alam nyo ba sa subrang kakulitan nyo halos buong magdamag kaming naghanap sa inyo. Bakit hindi nalang kayo sumuko sa akin para hindi kayo masaktan pa!" ngiting salita nito kaya tudo atras ang ginawa namin. "Please wag nyo po kaming dukutin ulit. Maawa na po kayo sa amin." pagmamakaawang sabi ko sa kanya. "Sayang ang pinaghihirapan namin kung pakawalan ko kayo! Wala na kayong magawa pa kundi sumama sa akin." diing salita nito sa amin. Malapit na ang itim na kotse. Kailangan namin ng tulong. Kaya ang ginawa namin kumiripas kami ng takbo at ikinaway ang mga kamay upang pahin-tuin ang humaharurut na kotse. "Please tulungan nyo po kami. Ihinto nyo ang sasakyan, please?" sigaw namin. Malakas na pagbitad ang gimawa ng lalaki sa kamay ko. Halos mabitak ang boto ko dahil sa gimawa niya. "Bitawan mo ako! Huhuhu... Tyler please tulungan mo ako." iyak kung sabi sa kanya habang si Tyler naman ay alalang-alala sa akin dahil sa ginawa ng lalaki. Napabuntong hininga nalang ako ng tumigil ang sasakyan sa harap namin. Hawak parin ako ng lalaki naka-eyeglass at mas lalong hinigpitan nya ang paghawak sa akin. Lumabas narin ang tao na nasa luob ng sasakyan at sinalubong iyon ni Tyler upang humingi ng tulong. "Kuya please tulungan mo kami. Dinukot po kami ng lalaking iyan" ngiyak-ngiyak na sabi ni Tyler sa lalaking kakalabas palang ng kotse. Bigla nalang naalarma ang mukha ng lalaki kaya ang ginawa niya ay bumunot siya ng baril sa suot nitong fitted jean. "Bitawan mo ang bata na iyan. Kapag hindi mo sya bibitawan ay baka may masamang mangyari sayo" galit nitong sabi sa lalake. Bigla nalang nya akong hinila palapit sa kanya habang diniin nito ang paggapos sa kanyang braso sa liig ko. Halos hindi ako makahinga dahil sa ginawa nya kaya puro impit at iyak lamang ang nagawa ko nuon. "Wag kang maki-alam kung ayaw mong masaktan ang batang ito!" sigaw ng lalaki sa kanya habang mariin na tinutuk ang baril sa akin. Takot ang namumuo sa aking dibdib at wala akong kawala lalo na't nakatutok sa akin ang baril niya. Mahigpit na nakapulupot ang kanyang kamay sa liig ko kaya nahihirapan rin akong huminga dahil sa ginawa niya. Putok ang narining ko samantalang nabingi ako sa alingawngaw nito. Halos nagslomo yata ang lahat ng narinig ko ang putok na iyon. Bigla nalang bumalikwas ang lalake sa paggapos ng kanyang braso sa liig ko. Kaya tumakbo ako ng mabilisan pumunta kay Tyler at duon isinubsub ang sarili sa kanya. Nakita ko ang kalagayan ng lalake na duguan at hinawakan ang kanang balikat dahil duon ito natamaan. Hawak parin nito ang pistola habang dumadaloy ang dugo nito sa kanyang kamay. "Ang ayaw ko sa lahat iyong pinaki-alaman ako. Wag mo akong subukan dahil papatayin kita" galit na sumbat nito. Hindi kumibo si Kuya bagkus mas tinuon nya ang pistola sa lalaking dumukot sa amin. Takot at pangamba ang naramdaman namin ngayon dahil sa tension nilang dalawa. Ngunit laking gulat ko ng ibaling ang hawak niyang baril sa amin. Narinig ko ang dalawang putok na syang nagbigay alingaw-ngaw sa lugar namin. Nabigla ako sa pangyari ngunit nawala ito dahil yakap ako ni Tyler.Gumuho ang mundo ko ng nakita ko ang duguang likod niya. He save me! Tyler bakit mo sinakripisyo ang buhay mo sa akin? "Oke.y ka lang ba" panghihina nitong sabi sa akin habang hinawakan ko ang likuran niya na tinamaan ng bala. Bumabasa ang kamay ko dahil sa dugo na dumadaloy galing sa sugat ni Tyler. Iyak at hagulhul ang ginawa ko nuon habang akay ang matamlay na katawan ni Tyler. Nanghihina sya at randam kung bumagal ang kanyang hininga. "Tyler magpakatatag ka. Mahalaga ka sa akin." huling sabi ko sa kanya dahil nawalan siya ng ulirat. Namatay ang lalaking dumukot sa amin dahil nabaril ito sa taong naging tagapagligtas namin. Kita ko rin nuon ang duguang katawan nito habang nahiwalay sa kanya ang suot nitong eyeglass. Sinisi ko ang sarili ng natamaan si Tyler dahil sa pagsakripisyo nya para iligtas ako. Buti nalang hindi gaano kalalim ang natamo nitong sugat at maaga rin itong nasugod sa hospital kaya naligtas siya. Kaya pala umaksyon kaagad ang lalaking tumulong sa amin nuon kasi pulis ito. Dahil sa kanyang nagawa ay pinarangalan ito at tumaas ang kanyang posisyon. Nadakip rin ng mga polisya ang mga kidnappers dahil itinuro ko sa kanila ang tamang lokasyon kung saan pumupugad ang mga kidnappers. Naligtas ang ilan pang batang kasama namin. Buhat nuon ay hindi ko na nakita pa si Tyler at wala narin akong balita sa kanyang kalgayan kaya hanggang ngayon utang ko ang buhay nya at sya ang nagbigay sa akin ng siguridad nuon kaya prinamis ko sa aking sarili kapag magkita kami ulit ako na naman ang pro-protekta sa kanya. Simula nuong Grade- 6 palang ako ay humanga ako sa taong naging bayani ng buhay ko. Siya ang nagbigay sa akin ng lakas at inspirasyon kung bakit matatag ako kahit anung pagsubok na haharapin ko. Hanggang ngayon sya parin ang taong linalaman ng aking isip at sa puso. Wala akong paki-alam kahit sabihin nilang bakla ako basta si Tyler parin ang taong iidodoluhin ko. At simula rin nuong nakidnapped ako ay may galit ako sa mga taong weird dahil naalala ko ang masamang nakaraan kapag nakita ko sila. Naalala ko ang lalaking kumidnap sa akin, sumakal at nanakit sa akin, at higit sa lahat ang bumaril sa taong naging mahalaga sa akin. Bahala na kung masama ako para sa kanila at sa iba basta masaya ako sa ginawa ko dahil para sa akin nakabawi rin ako kapag nasaktan ko sila. Wala akong paki-alam kahit magmakaawa silang itigil ko ang pambabastos o bagbibigay hirap sa kanila basta iyon ang prinsipyo ko na saktan sila dahil iyon ang karapatdapat para sa akin. ITUTULOY The next chapters you will read was not yet edited. Expect more wrong grammar... Pasinsya na
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD