Mahalaga ang bawat
oras ni Mam Cha. Ayun sa kanya dapat hindi ito sayangin dahil tumatakbo ang bawat sigundo nito. Nakikinig ako sa mga pangaral niya sa akin. Marami akong natutunan sa kanya lalo na ang standard pagdating sa pagtuturo at mga gawain.
Ikalawang araw ko na ito bilang student assistant niya. Alam narin nina nanay Mig ang trabaho kung ito dahil sinabi ko sa kanila. Hindi naman sila tutol sapagkat masaya pa nga sila dahil nasa mabuti daw akong kamay. Pwera nalang daw sa nag-iisa niyang anak.
Tamang organisasyon lamang ang kailangamn para hindi mapalya ang trabahong ginagawa. Yun kasi ang itinuro niya nuong nagsimula ako. Medyo estrikta siya sa mga gawaing pampapel pero pinagkatiwalaan naman niya ako dahil sa eagerness kung matuto.
"Bakit nandito ka Tristan!Natapos mo na ba ang setwork na pinagawa ko sa inyo?" bungad na tanong ni Mam Cha sa kanyang anak na kakapasok palang sa opisina.
"Buti pa si Kent! Excempted! Pwede naman ako dito mom. Matatapos kaagad ang ginagawa mo kung marami kang manpower." maktol nitong salita sa kanyang ina.
"Hindi pwede dahil hindi kayo magkasundo. At isa pa! Palagi kang palya! Bumalik ka nga sa room mo! Wag mo kaming isturbuhin dito." inip na sabi ng kanyang ina kaya hindi ko mapigilang mapatawa.
"Ayaw ko! Gusto kung tumulong eyh...Naawa na kasi ako sa inyo dahil palagi nalang documents ng inaatupag niyo. Besing-besi sa ginagawa! Kailangan rin ninyong magpahinga. Kami nalang ang aasikaso sa ginagawa niyo. Tutal malaki rin naman ang ambag namin."seryusong salita ko sa kanya.
"Aba! Ngayon lang kita nakitang ganyan anak ah!! Simula kasi nuong bata ka pa. Subrang tamad mo! Walang ibang magawa kundi magdala ng babae sa bahay at mang-away. Tapus ikaw ang klasing tao na mahilig magkalat. May tagasunod kasi kaya paulit-ulit mo yung gingagawa." irap na sabi ng kanyang ina.
Pigil tawa ang ginawa ko ng marinig ang rebelasyon ng kanyang ina. Sinamaan ako ng tingin ni Tristan kaya ayun napa-ismid ako.
"Sige na mom!! Pagkatiwalaan muna ako ngayon dahil gusto kung matuto. Gusto kung tulungan kayo para mas madali ang maging trabaho niyo. Pagbigyan nyo na ako mom!! Please?" pagmamakaawa nito sa kanyang ina.
Nabaling ang atensyon ng kanyang ina sa akin. Seryuso itong nakatingin sa akin.
"Okey lang ba sayo Kent?" tanong ni mam cha sa akin.
Kibit balikat lang ang naging tugon ko. Bakit ako ang tatanungin niya? Sa bagay hindi kasi kami magkasundo ng bakulaw na yan kaya tinatanong niya ako.
"Para may gamit ka rin. Sige pagbigyan kita. Kung may gagawin kang katarantaduhan kay kent pwes ako ang makalaban mo. Naintindihan mo ba Tristan? Kent alam mo na ang ipigawa mo sa kanya kaya ikaw na ang bahala. Aalis muna ako dahil pupuntahan ko muna si Edwardo" seryusong salita nito at lumabas narin.
Naiwan kaming dalawa ni Tristan. Nakangisi itong nakatingin sa akin kaya inirapan ko siya.
"Anong tingin-tingin mo dyan?" maktol na tanong ko sa kanya.
"Masama bang tumingin sayo? Pambihira! Akalain mo alalay ka narin pala namin. Pwede pala kitang utus-utusan!!" ngising salita nito at umupo sa swivel chair.
"Koreksyon sa mama mo!! Hindi sayo!! Peling mo naman." inis kung salita sa kanya.
"Alis ka nga dyan! May kukunin ako." irap kung sabi sa kanya.
Hindi parin umalis ang loko. Paikot-ikot parin ito sa swivel chair kaya mas lalo akong nainis. Lumapit ako sa kanya at binalibag ang upuan niya kasama siya. Malakas ang pagtulak ko kaya mabilis ang pagtakbo ng upuan niya sa sahig.
"Aray!!" hiyaw nito. Malakas kasi ang pagbagsak niya kaya malakas na tawa ang binitawan ko.
"Punyeta ka! Ang sama mo! Humanda ka sa akin kutong lupa ka." inis na sabi nito at sinugod ako.
"Hiphip!!" tigil ko sa kanya.
"Horray!!" sagot naman niya.
Baliw! Hanggang dito ba naman benibwesit ako. Madiing ko siyang tiningnan kaya tumigil siya sa pagiging isip bata.
"Tristan! Pwede ba umayos ka! Nandito tayo para magtrabaho hindi maglaro. Gusto mo diba na tulungan ang kawawa mong ina? Malaki kana kaya tumulong ka narin. Wag puro katamaran ang e-prinsipyo mo! Kasipagan rin!" pangaral ko sa kanya.
"Hindi ikaw si mom no!! Umalis ka nga dyan dahil gagawin ko na ang trabaho ko." banat na sabi niya at kinuha ang mga papeles sa drawer.
"Bahala ka!" irap kung sabi sa kanya at hinayaan siya.
Inayos niya ang mga dokyumento. Ginugulo niya ang kanyang buhok habang binubuklat ang mga ito. Binabasa niya lahat ang mga pangalan ng mga estudyanti. Taka itong nakatingin sa mga papeles habang seryuso akong nakatingin sa kanya.
"Anong gagawin ko dito?" alinlangang tanong niya.
"Kakainin mo!! Bwesit!! Hindi mo kasi alam kung ano ang gagawin natin. Nakikinig kaba sa ina mo? O bingi ka lang!! Diba sabi niya ako na ang bahala sayo dahil ako ang nakakaalam sa trabaho! Umalis ka nga dyan." irap kung sabi sa kanya.
"Ganito kasi yun. Lahat ng mga yan. E-aarrange natin to alphabitically order. Simpli lang diba. Pero ang problema. Marami kasi yan. Tatlong libong na mga papel ang kailangan nating pagsunud-sunurin. Naintindihan mo ba?" seryuso kung sabi sa kanya habang nakangiti itong nakikinig sa akin.
"Sige simulan natin." may determinadong salita ko sa kanya.
Sumasakit ang likod ko at ganun rin ang mga braso ko. Kumikirot din ang balakang ko. Syet! Ang hirap pala maging S.A. Kailangan naming dalian ito dahil malapit na ang oras lalo na't may klase pa kami.
"Tapos ka na ba dyan?" seryuso kung salita sa katabi ko.
Ganun din kaya ang naramdaman niya? Sumasakit rin kaya ang balakang niya?Parang tama ang hinala ko. Nakangiwi kasi itong tumingin sa akin.
"Hindi ko na kaya! Nakakapagod naman ito." pailing nito salita habang pinunasan ang mga butil na pawis na tumulo sa kanyang mukha.
"Halika nga dito?" seryusong salita ko sa kanya kaya mabilisang lumapit ito sa akin.
"Bakit ba kasi nandito ka! Hindi naman sinabi ng mama mo na tumulong ka sa amin. Tingnan mo nga ang sarili mo ang dugyot mo. Hindi ka kasi sanay sa mga ganitong trabaho kaya wag mo na kasing pahirapan ang sarili mo. Kaya ko naman ito lahat" alalang salita ko sa kanya habang pinunasan ang mga pawis na tumutulo sa kanyang mukha.
Pangalawang pagkakataon ko na itong ginawa sa kanya. Wala siyang angal at hinayaan lang niya ako.
"Tapus hindi ka pa nagbabaon ng panyo. Kung magkasakit ka ha? Sinong mag-alaga sayo? Alam mo naman na besi ang mga magulang mo!!" irap kung sabi sa kanya at patuloy na pinunasan ang mukha niya.
"Tapus na! Magpahinga ka nalang muna diyan. Malapit narin itong matapos kaya ako na ang bahala dito." seryuso kung sabi sa kanya.
Tahimik itong umupo sa swivel chair. Nakatingin parin ito sa akin habang ginawa ko ang trabaho niyang hindi pa natapos.
"Tapos ka na ba?" malumanay nitong salita. Himala! Ngayon ko lang kasi narinig galing sa kanya na maayos akong kinakausap.
"Tapus narin ako! Hyst.. Nakakapagod! Gutom ka na ba?" seryuso kung tanong sa kanya.
"Hindi naman! Hinihintay ko pa kasi si mom dahil sasabay ako sa kanya. Baka gusto mong sumbay sa amin?" ngiting tanong nito kaya ganun din ang naging reaksyon ko katulad niya.
"Sige alis muna ako. Medyo gutom narin ako kaya kailangan kung kumain." paalam ko sa kanya at umalis narin.
TRISTAN POV
Syet! Anong nangyari sa akin? Bakit ang lakas ng t***k ng puso ko ng ginawa niya yun. Pambihira! Hindi maari to! Lalaki ako at hindi ako bakla.
Diba galit ako sa kanya? Kinasuklaman ko siya at alam niya yun? Pero hindi ko maitanggi na hinahanap-hanap ko siya sa paningin ko. Bakit? Anong ginawa mo sa akin Kentot ka!!
Kailangan kung pigilan ito! Ang mukhang yun ay may tinatagong sekreto kaya hindi ako magpapa-uto sa kanya! Mga masasama silang tao at wala silang kwenta...
~*~
FLASHBACK
Nagsimula ang galit ko sa kanila nuong 10 years old palang ako. Kakarating palang namin sa cebu. Plano rin naman kasi ng mga magulang ko na dito nila ipagpatuloy ang nasimulan nilang Carrier.
Ayun sa kanila mahilig na talaga sila sa pagtuturo kaya naging passion nila ang pagiging teacher. Mataas ang naging ranggo ng mga magulang ko sa unibersidad na pinagtuturuan nila dati. Magaling daw kasi sila kaya ayun agad tumaas ang posisyon nila.
Nagkaproblema ang isang branch ng university na pinapasukan nila. Kaya nakapagpasya ang pinuno nila na itransfer sila dito sa cebu upang ayusin ang gusot ng university na pinapasukan ko ngayon.
Malaki daw ang pagbabago simula nuong dumating sila dito. Na-aksyunan din kasi kaagad ang gusot kaya ayun madaling tumaas ang posisyon nila.
Dahil sa murang edad ay makulit talaga akong bata. Nasa mall kami nuon dahil may binili kami. Lingid sa kaalaman ng mga magulang ko ay pumunta ako sa Toy's Area at duon hinahanap ang gusto kung laruin.
Ngunit hindi ko alam na ang pagiging magala ko ang dahilan kung bakit nawala ako sa kanila ng dalawang linggo.
Dinukot lang naman kasi ako ng mga lalaking weirdo kaya ayun ang napala ko. Lima kami lahat at kasama na duon ang inidolo ko na si Tyler James Pielago. Dahil sa kanya naging matapang at matatag ako sa luob ng dalawang linggong iyon.
Kidnapped for randsom pala ang mga mudos ng mga lalaking. Narinig ko rin sa kanila na ang mga batang nabiktima nila na hikahos sa buhay ay kukunan nila ng lamang luob para ibenta sa malaking halaga.
Masama ang naging karanasan ko sa kamay nila. Halos hindi kami makakain ng tatlong besis sa isang araw dahil gusto nilang mamayat kami upang epublisiya sa mga magulang namin na ganito ang aming naranasan sa kamay nila.
Ilang pagkataon narin kaming kumalaban at magtangkang tumakas ngunit hindi parin namin iyon magawa dahil grounded kami at halos yata sila nakabantay sa amin.
Sina mom naman ay nakipag cooperate sa mga Pielago at sa mga parents ng iba pang nabiktima. Halos kami ang nilalaman ng mga balita sa tv, maging sa newapaper at sa radio kaya buong bansa ang tumulong sa amin upang hanapin kami.
...
Isang gabi ay nakapagdesisyon kaming dalawa ni Tyler kasama ang iba pang biktima na tumakas sa site kung saan kami nuon. Tulog kasi ang lahat na nakabantay sa amin kaya opportunity narin naming tumakas.
Dahan-dahan naming hinakbang ang aming mga paa upang hindi kami mahalata. Gawa rin kasi ng semento ang building kaya maliit na tyansang marinig nila ang hakbang namin.
Lahat kami ay gumuhit ng malalaking ngiti nuong nakalabas kami. Akala namin huli na ang kalbaryong dinaranas namin sa kanila pero hindi pala dahil nasa gitna kami ng kagubatan.
Malakas na putok ang narinig namin. Mabilis ang aming pagtakbo papunta sa masukal na kakahuyan. Hawak ni Tyler ang kamay ko. Takot kasi siyang masaktan ako lalo na't takot rin ako sa dilim.
ITUTULOY