Tyler Pov
Rash hour kaya maraming pasahero ang mga jeep. Nakasakay narin ako kaya malalim na buntong hininga ang binitawan ko.
Magandang babae ang katabi ko. Lahat ng mga sinuot niya ay kulay puti. Sa tingin ko nursing ang kinuha niya. Pareho din ang paaralang pinapasukan namin basi sa logong nakatatak sa uniforme niya.
Nakatingin sa kanya ang matanda na nasa harapan niya. Nagtataka itong nagmamasid sa babae kaya nabaling ang atensyon ko sa kanilang dalawa.
Medyo naalarma ako sa ginawa ng babae. Nangungulangot kasi ito sa harapan ng matanda. Taas kilay na nakatingin ang matanda sa kanya.
"Iha ano ang kinuha mo?" ngiting tanong ng matanda sa magandang babae.
Takang nakatingin ang magandang babae sa matanda. Ganun din ang naging reaksyon ng matanda at kibit balikat itong nagmamasid sa babae.
"Halata naman sa uniformi ko" irap na sabi ng babae at patuloy na nangungulangot.
Ngumiti sa kanya ang matanda. Pumara narin ito dahil bababa na siya.
"Akala ko kulangot" ngising salita nito at bumaba narin.
Aba ang lakas ng trip ni Lolo. hahahah... Napahiya si ate. Napaismid ako dahil sa sinabi ng matanda ganun din ang iba pang pasahero. Pigil na tawa ang ginawa ko.
Bumaba narin ako at pumasok sa malaking trangkahan ng unibersidad. Ganun din ang magandang babaeng na napahiya kananina sa jeep.
Pigil hiningang tumingin ito sa akin at ngiti lamang ang binitawan ko sa kanya.
"Kent!! Bakit ang tagal mo?" maktol na salita ni Aaron na bumungad sa aking harapan.
"Malamang oversleep kaya natagalan. At ikaw naman! Bakit hindi mo ako ginising?" inis kung sabi sa kanya.
"Eyh bakit naman kita gigisingin?
Malakas ang hilik mo at hindi kaya ng power ko ang gisingin ka. Ilang ulit na kitang ginising ngunit puro batok lang iginawad mo sa akin. Natandaan ko ang sinabi mo sa akin nuon! ANG HINDI KO GUSTO SA LAHAT! YUNG MAGANDA ANG TULOG KO TAPOS IISTURBUHIN AKO!" pag-uulit niya sa sinabi ko.
Ngumisi ako sa kanya. Tama ang sinabi niya. Sa kain at sa tulog hindi talaga ako magpapaisturbo lalo na't masarap ang panaginip at kinakain ko.
"Alis na ako Kent! May insayo pa kami sa Dance Troup mamaya. Ingat ka!" paalam nito at umalis narin.
Lakad takbo ang ginawa ko. Medyo malayo pa kasi ang silid namin kaya nagmamadali ako. Lampas ng isang sigundo ng dumating ako ng silid. Tae! Late na naman ako!
"Nandito na pala si Kutong lupa! Hyst! Alam mo kanina pa ako naghihintay sayo!" irap na sabi ni Tristan at ibinato sa akin ang isang malaking kinumot na papel.
Bwesit! Simula kahapon sunod-sunod na pambubully ang ginawa niya sa akin. Halos bali-bali ang buto ko dahil sa ginawa niya. Nyeta! Eyh ilang besis kasi akong natumba dahil sa kagagawan ng hayop na yan. Tuwang-tuwa pa nga siya ng dumaing ako dahil sa sakit.
"Gago ka talaga! Wala ka talagang ibang magawa kundi inisin ako. Pambihira! Kung gusto mo ako wag idaan sa dahas! Idaan sa magandang usapan." irap kung sabi sa kanya sabay bato ulit sa nagkukumpulang papel na hawak niya.
Nagtatawanan ang mga kaklase ko dahil sa sinabi ko. Bungisngis na nakatingin si Tristan sa akin.
"Kadirdir naman! Ako may gusto sayo? Ewww!!! Kahit maputi paman ang uwak. Hindi ako papatol sa mga kagaya mo!" diing sabi nito sa akin.
Nanaman! Tuwing umaga ganito lang talaga kami palagi. Eyh sino ba naman kasing hindi mababanas sa tarantadong iyan kung ganito lang palagi ang bubungad sa akin.
"Peling mo naman na magkagusto ako sayo? Sa mukhang yan? Ewww!!! Ang panget! Ang sagwa!!" dagdag sabi nito sa akin.
"Palibhasa tipaklong kaya wala ibang magawa kundi badtripin ako! Niknik mo Tristan! Sabihin mo nalang kasi na gusto mo ako! Wag idaan sa ganito. Bakla!" irap kung sabi sa kanya.
"Ako bakla?!" turo nito sa sarili niya!
"Tangna!! Kahit suntukan pa tayo dito. Para magkaalaman na kung sino talaga ang bakla sa atin!" inis na salita nito habang madiing tumingin sa akin.
Pabuntong akong lumakad papunta sa upuan ko. Nakatingin sa akin ang bakulaw ng palapit ako sa kinaruonan niya!
"Saan ka pupunta?" seryusong sabi nito.
"Uupo ako! Tsupi" irap kung sabi sa kanya. Nakaharang kasi ang tarantado.
Bungisngis akong umupo. Sa amin parin nakatingin ang mga kaklase ko at ganun rin ang isa ko pang katabi na si Fretz.
"Alam mo Tristan pwede naman pag-usapan natin ng maayos kung bakit ganito lang tayo palagi. Lets be friend nalang total magkaklase naman tayo! Wag mo kasing e-generalized lahat ang mga katulad namin. Iba ako sa kanila. Mabait naman ako." maktol kung salita sa kanya.
"Mabait? Hmmm!! Parepareho lang naman kayo. Madilim ang mga budhi niyo! At mga walang kwentang tao. Bakit ba kasi ipinanganak kayong mga duwag?Kapag nakita ko itsura nyo kumukulo ang dugo ko!" diing sabi nito.
"Trsitan sagutin mo ako ng maayus. Kahit ngayon lang Please?" pagmamakaawa ko sa kanya.
Hindi nagsalita ang bakulaw. Sa tingin ko naghihintay siya sa tanong ko.
"Saan nakatira ang pating?" ngiti kung salita sa kanya.
"Punyeta!! Tinatanong pa yan? Edi sa dagat! Kahit sa preschool alam na nila ang sagot nyan!" inis na salita nito.
"Yung pusa?" dagdag tanong ko sa kanya.
"Edi sa bahay-bahay!! Ano ba? Pinagtripan mo ba ako? Litsugas!! Tinatanong pa ba yan?" paulit nitong salita.
"Yung unggoy?" dagdag kung tanong sa kanya.
"Punyeta katanungan! Edi sa kagubatan. Last mo na yan!!" inis na sagot nito.
Ngumisi ako sa kanya. Seryuso itong nakatingin sa akin at ganun din ang mga kaklase ko.
"Bakit ka nandito!!!" irap kung sabi sa kanya.
"Ha?" ikli tugon niya. Slow lang ang puta! Yung mga nakagets tumatawa na ng malakas.
"Mukha kang unggoy diba? Kaya bakit ka nandito?" ngising salita ko sa kanya.
"Anak nang!!! Ginagalit mo talaga kutong lupa ka!! Halikadito? Bwesit ka! Bumalik ka tarantado ka!" sigaw na sabi nito. Mabilis kasi akong tumakbo kaya hindi niya ako naabutan.
Nagtatawanan ulit ang mga kaklase ko dahil sa takbuhan namin. Kurot, tadyak at batok ang iginawad sa akin ni Tristan. Ganun din ang ginawa ko sa kanya kaya dumiing rin ito sa sakit.
~*~
Mahaba para sa akin ang buong araw dahil sa mga katarantaduhang ginawa ni Tristan sa akin. Medyo nasasaktan rin ako minsan sa mga masasakit na salitang ibinato niya sa akin.
Wala sa wisyong lumalakad-lakad ako na paika-ika pauwi sa amin. Medyo nababagot ako sa buong araw na kulitan namin ni Tristan kaya pagod akong nakatingin sa mga taong dinadanan ko.
Taka akong nakatingin sa isang matandang amerikanong kumakain ng street foods. Nag-alala ako sa matanda dahil bukas ang kanyang bag baka manakawan siya lalo na't laganap ang nakawan sa lugar namin.
Malakas tawanan ang narinig ko sa mga lalaking umiinom sa likod ng matanda. Lingid sa kaalaman ng matanda ay sa bag nakatingin ang mga lasing.
"Pre! Marunong kabang mag-english?" ngising salita ng isang lalaking na lasing narin.
"Kuwnti Pre! Iykaw?" sagot naman ng isa.
"Kuwnti rin pre. Nga pala! Sabihin mo nga sa americano na yan na BUKAS ang kanyang bag. BAKA may mahuhulog." ngising salita ni kuya lasinggero 1 sabay lagok sa inumin niya.
"Alam ko english ng bukas at baka pre... Pero hiyndi ko alam ang mahuhulog." takang tanong ng kausap niya.
"Falling yan pre... Falling!!" paulit na salita nito sa kasama niya.
Natatawa akong nakatingin sa kanila. Kahit lasing ang mga lalaking ito ay may awa parin sila matandang amerikanong na nasa harapan nila.
"Heeyy joeee!!!!" lakas na sigaw nito kaya napalingon ang Amerikano sa kanila.
"What?" ngiting tanong amerikano.
"Hehehe!! your bag iys tommorrow. The Cow iyss falling.." saad nito sa matanda.
Anak ng tukwa! Napailing nalang ako dahil sa english nila. Tawang-tawa kami pati si ate na nagtitinda ng quik-quik dahil sa english ni kuya. Takang nakatingin ang amerikano sa dalawa.
"Ahmm sir. I'm sorry to tell you that your bag was open. Could you Please, Close it! Many..many people stealing money on your bag!!" syet!! Hahhaa..
Buti pa si Ate kahit nahihirapan mag-english at least naintindihan ng kano. Makauwi na nga!!
ITUTULOY