Tyler Pov
"Tarantado ka!" inis na sabi nito habang mahigpit ang paghawak niya sa collar ko.
Madiin ang aming tinginang dalawa. Ang mga atensyon ng mga kaklase namin ay sa aming dalawa.
"Ginagalit mo kasi ako! Hindi ka ba natuto?" ungas kung salita sa kanya.
"Tang-ina ka hinayupak ka! Gusto mo suntukan tayo dito? Hinahamon kita!" galit na salita nito kaya mas lalong lumalapad ang ngisi ko.
"Sige! Yan ang gusto mo diba? Anong sa tingin mo uurungan kita! Kaya kitang patumbahin bakulaw ka! Mas hinayupak ka!" diing sabi ko sa kanya.
"Ang panget mo! Walang kwentang tao at namumulubi. Pambihira! Ni ultimo shampoo hindi makabili. Ang sagwa mong tingnan." inis na salita nito at ibinato ako kaya napasubsub ang likuran ko kay Fretz.
"Ikaw? Tarantado ka! Anong tingin mo sa akin walang pera. Hindi ako namumulubi. Eyh anong paki-alam mo kung hindi ako magshashampoo. Malaki bang kawalan ito sayo!" irap kung sabi sa kanya.
"Hindi kaba tumingin sa salamin? Ang panget mo! May pa-eyeglass eyeglass kapa pero hindi naman bagay sayo! Mukha mo parang unggoy! Bakit nandito ka? Diba sa kagubatan ka nakatira." parang batang nang-aaway sa akin kaya napangisi ako sa sinabi niya.
"Ikaw palibhasa anak ka ng tipaklong kaya tamad at gunggung! Pati ba naman pagsubo ng pagkain ay inutos pa sa katulong mo! Pati pag-ihi mo ipinahawak pa sa tatay mong tipaklong rin ang maliit mung batuta. Mahiya kanaman!" irap kung sabi sa kanya kaya nagtawanan ang mga kaklase ko.
"Hoy! Tang-ina! Anong sabi mo tamad ako? Tas maliit batuta ko! Gusto mong makita ito. Kung ipakain ko sayo ito baka mamatay ka dahil sa laki!" diing sabi nito kaya mas lalong naging maingay ang buong silid dahil sa tawanan nila.
"Napakahambog naman! Proud na proud siya sa t**i niyang sing laki ng toothpick. Sa bagay may pakinabang rin naman niyan. Pang-iwas toothache." ngising salita ko sa kanya kaya mas lalong lumalakas ang tawanan ng mga kaklase ko.
"Bwesit kang lamang lupa ka! Susuntukin kita ngayon. Tingnan mo ang ginawa mo! Tingnan mo!" sigaw nitong sabi habang itinuro ang malalaking pasa niya sa mata nito.
"Bagay yan sayo ungas ka! Tarantado ka kasi" irap kung sabi sa kanya at umupo narin.
"Tumayo ka dahil magsusuntukan pa tayo! Takot ka ba sa akin ha? Hindi pa tayo tapos!" diing sabi nito at sapilitang ipinatayo niya ako.
Malapit ang katawan namin sa isat-isa. Kumikiskis ang kanyang dibdib sa akin. Madiin rin ang tinginan naming dalawa.
"Ang kyut mo talagang mapikon. Hanggang ngayon hindi ka parin nagbago." nakangisi kung sabi sa kanya.
Nagtataka itong nakatingin sa akin. Buntong hininga ang binitawan niya habang ilang ulit na lumunok. Syet! Baka hahalikan na naman niya ako!
Isang malakas na sipa iginawad ko sa kanya. Napadiing ito sa sakit kaya subrang galit niya dahil sa ginawa ko. Mabilis akong tumakbo at ganun rin nag ginawa niya. Nagtatawanan ang mga kaklase namin dahil sa takbuhan naming dalawa. Paikot-ikot kami sa luob pero hindi parin niya ako nahuli. Para kaming mga batang naglalaro ng habulan.
"Bwesit ka! Kapag mahuli kita! Patay ka sa akin." inis nitong sabi
sa akin.
"Kung mahuli mo ako" pagdidilat kung sabi sa kanya.
Malakas ang tawanan ng mga kaklase namin dahil sa habulan naming dalawa. Malakas ang pagtakbo ko papunta sa labas ng silid pero nakasunod parin sa akin ang gago. Mabilis ang kanyang pagtakbo kaya nahuli niya ako. Yakap niya ang likod ko kaya wala narin ako kawalan. Nagtitilian ang mga kaklase namin dahil sa ginawa ni Tristan.
"Anong ginawa niyo?" takang tanong ni mam Cha sa amin.
Dilat ang mata ni mam Charmaine. Pabaling ang tingin niya sa akin at kay Tristan. Sino ba namang hindi magtataka sa ginawa ni Tristan. Mabilis na humiwalay sa pagkayakap ang gago.
"At anong nangyari sa mata mo? Hahahh!! Nagmumukha kang kwago" tawang sabi ni mam Cha kay Tristan.
"Yan kasing hampaslupa na yan. Sinuntok ako! Mom! Sabihin mo naman kay dad na ang walang mudo na yan ang gumawa sa akin nito. Diba sa guidance office siya na-assign? Sige na mom! Sabihin mo kay dad na bigyan siya ng suspensyon kahit isang buwan lang. Please!" parang batang sumbong nito sa ina niya.
Malakas na tawanan ang narinig ko galing sa mga kaklase ko. Nakikinig rin pala sila kaya ayun tudo ang tawanan nila dahil sa sumbong ni Tristan.
"Anak wag ang daddy mo! Alam mo naman besi siya kaya hindi ka muna niya matulungan ngayon. Wag kang mag-alala may kakilala ako na makatulong sayo." ngising salita ni Mam Cha sa kanyang anak.
"Sino naman mom!" ikling tugon nito.
"Si Raffy Tulfo anak. Isumbong mo sa kanya baka matutulungan ka." tawang sagot nito.
Lahat kami ay tumawa ng malakas. Napa-ismid ang loko sa sagot ng ina sa kanya. Bunatukan niya ako kaya napa-aray ako sa ginawa niya.
"Bwesit ka talaga!" mahinang diing ko sa kanya pero pinandilatan lang niya ako.
"Aray!"
Pinatid lang naman niya ako kaya napasubsub ako sa harapan. Muntik na akong matumba dahil sa ginawa niya. Sinamaan ko siya ng tingin at ganun rin ang ipinukol niya sa akin.
Umupo narin ako katabi niya. Bali pinagitnaan ako nina Fretz at ni Tristan. Pinanlakihan ko siya ng mata dahil sinadya niyang ilapit sa akin ang upuan niya. Nag-iwan ng ingay ang upuang niya dahil pahandos itong papunta sa akin.
"Kayong dalawa dyan sa likod. Kanina pa kayo ahh! Ang ingay ng upuan niyo. Umayos nga kayo." seryusong salita ni Mam cha sa amin.
"At kung may tampuhan kayong dalawa! Sa labas kayo magtatalo. Wag dito sa klase ko! At Tristan! Alagaan mo ang jowa mo baka iiwan ka niyan." ngising dagdag salita ni mam Cha sa kanya.
Nagtawanan naman ang aming klasmet habang ang iba ay kumakantyaw sa amin. Kaya nag-iwan ito ng ingay sa loob ng klasrom.
"Please keep quite class!" sabat na salita ni mam sa amin.
Nagsimula narin syang magtalakay tungkol sa naging mga babae ni Dr. Jose Rizal. Akalain mo nakawalong babae napala si Dr. Jose Rizal at lahat ng mga iyon ay patay na patay sa kanya. Kahit hindi gaano kagwapo ang ating pambansang bayani ay hatak na hatak parin siya sa mga babae.
Habang nasa kalagitnaang pagtatalakay si mam Charmaine sa amin ay mahigpit na humahawak si Tristan kamay ko. Nakapulupot ang kanyang kamay sa akin kaya gulat akong nakatingin sa kanya.
"Anong ginawa mo?" pabulong kung tanong sa kanya.
Mas lalong humigpit ang paghawak niya. Randam ko ang kirot dahil sa ginawa niya. Mas lalong dumiin ang kanyang kuko sa likod ng kamay ko kaya napa-aray ako dahil sa ginawa niya.
"Hindi pa tayo tapus bakla! Dahil may masama pa akong plano para sayo. Gagawa at gagawa ako ng paraan para maging mesirabli ang buhay mo dito! Magdudurusa ka hanggang sa magmamakaawa ka! Patikim palang ang ginawa ko sayo nuon kaya humanda ka!" makabuluhang sabi niya habanag marahang hinawakan ang kamay ko.
"Bakit naman ako matakot sayo eh hindi naman ako duwag! Mga lampa lamang ang natatakot sayo at ibahin mo ako sa mga naging koleksyon mo dahil hindi ako kagaya nila. At isa pa wag mo akong tawaging bakla! Sino sa atin ang bakla diba ikaw? Tatlong besis mo akong hinalikan at lalaki ako. Sinadya mo lahat iyon kaya wag mong ipahid sa akin ang katauhan mo. At isa pa! Walang lalaki ang matuwid ang humawak ng kamay sa kapwa rin niya lalaki" diing sabi ko sa kanya.
Binitawan narin nya ang kamay ko at sunod-sunod na bumuntong hininga. Nagmamarka ang kanyang mga kuku sa kamay ko kaya mas lalo ko itong sinamaan ng tingin.
Natapos ang buong period pero sa akin parin nakatingin ang bakulaw. Akalain mo hindi siya nakikinig sa harapan dahil sa akin ito nakatuon. Taka akong nakatingin sa kanya? Pambihira! Pangiti-ngiti pa ang loko.
"What?" takang tanong ko sa kanya.
"Wala!" ikling sagot nito sa akin at agarang umalis. Baliw!
Umalis narin ako kasama ulit si Fretz. Iniisip ko parin ang binitawang salita ni Tristan kanina. Kung tutuo ang sinabi niya ay wala akong paki-alam dahil palagi akong handa sa mga plinano niya para sa akin.
"Aba ang laki ng iniisip mo Kent. Si Tristan ba ang inisip mo?" ngising tanong nito at umakbay sa akin.
"Ang dami kasing nangyari ngayong araw Fretz tapos hindi pa maganda. Ano ba kasi ang dahilan bakit ang sama ni Tristan sa akin. Wala naman akong ginawang masama sa kanya."pagtatakang salita ko sa kanya.
"Hindi ko alam Kent. Hindi kasi niya na-ekwento sa akin kung bakit ang init ng ulo niya sa mga kagaya nyo. Hindi rin naman kasi ako nagtatanong sa kanya kaya wala akong nakitang rason kung bakit ganun siya kagalit sa mga weird people. Mas mabuti pang tanungin mo ang ina niya baka duon mo malaman ang dahilan kung bakit galit siya sa inyo" seryusong sabi nito.
Hindi narin ako kumibo dahil sa mga sinabi nito. Sa bagay wala sa itsura ni Fretz ang maging imbestigador.
"Do you know why I hate you! Dahil ang mga katulad nyo ay may tinatagong sekreto! Mukha kayong inosente pero madilim pala ang budhi niyo. Mas mabuti pa nga sana na mabura kayo sa mundo ko dahil ayaw kung makita ang pagmumukha nyo! Galit ako sa inyo dahil ayaw ko sa inyo! Mga duwag kayo at walang silbing nilalang. Hindi kayo kailangan erespito!" sabat na salita ng isang taong nasa likod ko at walang iba kundi si Tristan.
ITUTULOY