Chapter 1 unang pagkikita
Jacob
“Wohoooo!!!! Go A.U go A.U!!! Go number 18!!! I love you!!! I love you Jacob!!!
Sigaw at Tili ng mga babae sa basket ball game ng school namin Arellano University high school vs St Mary’s High school. Hindi ito home game we’re the visiting team sa St Mary’s High school. At Hindi rin sa pag mamayabang kahit Wala kami sa school namin marami pa ding babaeng tumitili saakin at habol ng habol pero Wala pA sa isip ko ang mag girlfriend strict ang nanay ko hehehe.
“Mendez for three points”
Sigawan nanaman ang mga babae ng maka shoot ako ng three points at lumamang kami sa aming kalaban with only 10 seconds remaining sa last quarter. And ofcourse we won..
“ ayos pare ha galing mo talaga nanalo tayo!!”
“Maliit na bagay guys” biro ko sa mga ito.
Nasa locker room na kami upang mag shower at magbihis dahil nag aantay na ang bus namin upang bumalik sa school namin. Paglabas ko sa locker room May mga babae agad na naka abang.
“Aaaackk!!! Jacob pA picture”
Sh*t ako nahihiya sa mga tilian ng mga babaeng ito.
“Swerte mo tol ang gaganda at Yayaman ng mga nag aaral dito sa St Mary’s” saad ng kaibigan ko habang niyuyogyog ang balikat ko.
Hindi ko pinansin ang mga ito diredirestso Lang ako palabas ng school nang May bigla akong nabangga na babae. Nalaglag ang mga hawak nitong Libro at notebook
“Ano ba yan Hindi kasi tumitingin sa dinadaanan eh male late ako niyan eh.” Angil ng babaeng nakabangga ko
“Sorry Miss tulungan na kita” nang tumingin ito saakin pinaka titigan ko ang kanyang mg mata at binigyan ng killer smile ko sabay kagat sa labi ko ngunit Inirapan Lang ako nito.
“Huwag na!! ako na kaya ko sabay kuha sa mga notebook niya na hawak hawak ko.”
Sh*t ang Ganda niya sungit nga Lang at first time kong ma snob ha usually kinikilig ang mga babae pag tinititigan ko. Napa ngiti na Lang ako habang pinagmamasdan ko ito palayo. Napansin ko naman sa semento na na hulog nito ang wallet niya sinubukan ko itong tawagin ngunit nakaalis na hahabulin ko sana ngunit Muli nag madali akong sumakay sa aming school bus ng marinig ko ang mga babaeng nagtitilian na papalapit saakin.
Nang makauwi ako sa bahay sinalubong ako agad ng nakababata kong kapatid na si Isabel.
“Hi kuya May pasalubong ka po?”
Oo naman ikaw pa ba eto ang paborito mong adobong mani. Ma tapos ay pinuntahan ko ang nanay upang mag mano.
“Nay Mano po ako na po magtutuloy niyan nay mag pahinga na po kayo.”
“Salamat anak ha kumain kana ba Jacob?”
“Opo nay tapos na po” Sagot ko kay nanay habang tuloy tuloy ko ang pag huhugas ng plato.
Maaga kaming naulila sa ama kaya ang nanay ko ay doble kayod para maitaguyod kaming magkapatid. Isa siyang guro sa elementarya at tumatanggap pA ito nang labada sa week end. Naawa ako sa nanay ko dahil namumublema na ito ng pang paaral sa akin sa college ko.
“Nay Huwag ho kayong mag alala marami hong basket ball scout ang interesado saakin pag May kumuha daw po saakin na varsity player Sa college free na po Tuition fee ko.”
“Ay naku sana nga anak dahil yan Lang ang maipapamana ko sainyo ang edukasyon.” Masayang Sagot ng aking nanay.
Nang nakahiga na ako saaking kama at nagawa nang aking homework nakita ko ang wallet ng babae na nakabanga ko kanina. Binuksan ko ito nakita ko ang ID niya.
“Rachel Rana Montez pala pangalan niya Ganda ng pangalan bagay na bagay sakanya ang ganda din kasi niya masungit nga Lang.” Kausap ko sarili ko.
Nakita ko din ang phone number niya sa likod ng ID niya kaya naisipan kong tawagan ito.
“Sh*t Bakit ako kinakabahan”
Lalo akong kinabahan ng mag ring ito at maya maya Lang ay sumagot ito sa kabilang linya.
“Hello who’s this?”
“Ahh hello miss ako yung naka bangga saiyo kanina sa school napulot ko wallet mo nandito yung school ID mo so tinawagan kita.
“Oh god kanina ko pa nga hinahanap yang ID ko thank you ha can you meet me up now Hindi ako makakapasok sa school ng Wala ang ID ko eh. Please..”
Ganda ng boses shuta!! Paano ba ako makakatanggi nito. Ganyan ba silang mayayaman talagang ID Lang concern Meron kaya siyang cash dito at mga cards.
“Ah oo sige saan mo ba gusto makipAg kita?”
“Ah Sa Sam’s coffee shop nalang Malapit sa school namin ok Lang ba?”
Malayo layo yun ha sayang ang gas ng motor ko. Kailangan ko pA man din mag tipid. Pero nakita ko nalang ang aking sarili na nag OO sakanya.
“Ok Mga 15 minutes nasa coffee shop na ako.”
Pagdating ko sa coffee shop nakita ko na ito na nakaupo at nainom ng kape. Ang Ganda niya talaga ang haba ng light brown niyang buhok at ang mala gatas niyang kutis. Ang tangos ng ilong at ang ganda ng mga mata at kay sarap halikan ng mapupulang labi nito. She’s just perfect.
Lumapit na ako dito at binati ko ito .
“Hi Rachel.. I’m Jacob..” pakilala ko
Hindi ito agad nakapag salita. Nakita ko pang lumunok ito bago tinanggap ang aking kamay.
“Ahhhmm hi Jacob.. ikaw ba talaga yung nakabanga ko kanina?” Natawa ko sa tanong nito.
“Oo naman ako yun Bakit mo natanong”
“Wala.. Wala Lang.. thank you Jacob ha sa paghatid mo sa wallet ko. Here sabay abot ng two thousand pesos.
“Para saan yan?” Takang tanong ko
“ I’m paying you for bringing my wallet back”
Napatayo ako. Sh*t nanliit ako don ha.
“Hindi mo ako kailangan bayaran Rachel,, hind Iahat kailangan bayaran ng pera Meron tinatawag na pag ma magandang loob at walang iniintay na kapalit. Sige maiwan na kita may home work pa akong gagawin”
“Jacob wait..!! I’m sorry Hindi yun ang intensiyon ko sorry na please bawi ako saiyo libre kita kape?“ Actually no May kape ba kayo sa bahay niyo?” Nagulat ako sa tanong nito
“ Hah? Oo bakit mo natanong?”
“Sama ko saiyo sa bahay niyo gawa kita ng kape mas masarap kaya ako gumawa ng kape” Sagot nito
Sh*t kinilig ako dun igagawa niya ako ng kape.
“Sigurado ka? Tanong ko dito
“Oo muka ba akong nagbibiro? Tara sakay kana sa van?” Yaya nito saakin May dala pala itong van at driver.
“Ah Hindi na dala ko yung motor ko eh.” Nahihiya Kong Sagot dito
“Really naka motor ka? May Extra helmet kaba? Gusto ko umangKas.. para itong bata na excited sumakay sa motor.
“Ah oo Meron”
“Good!! let’s go suot mo na saakin yung helmet”
Manong Sundan niyo nalang po kami ha.. sigaw nito sa driver niya.
Sinuot ko ang helmet sakanya matapos ay inalalayan ko siya makasakay sa motor ko.
“Kumapit ka mabuti Rachel ha baka mahulog ka..” bilin ko dito
Bigla naman akong niyakap nito sa aking beywang.
“Ganito ba Jacob..?Libo libong Bultahe ang aking naramdaman sa buong katawan ng yakapin ako ni Rachel.
“Ahhh.. oo Rachel..” Sagot ko dito sabay paandar ng motor ko.
“Bakit May extra helmet ka May girlfriend ka na ba? marami kabang sinasakay na babae sa motor mo? Tanong ni RaChel Habang nag da drive ako ng motor ko.
“Oo dalawang babae ang naka angkas na saakin pangatlo ka” Hindi naman ito kumibo pagkatapos Kong sabihin yun.
“Ok ka Lang Rachel Tumahimik ka bigla”
“Wala baka makita Lang kasi ako nang dalawa mong girlfriend masabunutan pa ako,, babaero kapala”
Nagseselos ba siya. Damn kinikilig ako.
“Wala akong girlfriend.. yung sinasabi kong dalawang babae ay ang nanay ko at nakakabatang kapatid. Maliban sakanila ikaw pa Lang ang inangkas ko sa motor ko.
Hindi na ito kumibo pero naramdaman ko ang paghigpit muli ng kanyanag yakap saakin.
Sh*t sana malayo pA ang bahay ko para mas matagal pA niya ako mayakap..