Chapter 33: Faithful Year 2026 Cebu "I thought you were already home, love. Wala ka naman dito." Bumulong ako kay Angelo habang ka-Facetime ko siya. Miss na miss ko na siya at akala ko may sexy time na kami, pagpunta ko rito ngunit wala pala. Zero s*x ako for four years! Apat na taon siya sa Canada at ni minsan ay hindi siya umuwi. Nagtitipid daw kasi siya para sa future namin. Sinagad-sagad niya ang katawan niya sa pagtatrabaho pagkatapos niyang makapag-graduate. Year 2024 ay Executive Assistant Manager na kaagad siya sa isa sa mga Hotel chains ng Marriot Hotel. Naibalita pa nga sa local television ang mga karangalan na naigawad sa kanya noong grumadweyt siya sa University of Guelph. Siya kasi ang bukod-tanging Cebuano at Pilipinong nagtamo ng pinakamataas na karangalan doon. Summ

