SHARON POV Isang linggo na ang lumipas, at kahit paano naging masaya ako, lalo na si Franco. Ang dating Arogante at seryoso ay isa na ngayon palangiti, kahit wala akong ginagawa napapangiti nalang siya tuwing umu uwi. Ngunit isang linggo na yun, tatlong araw din siyang nawala n'on, meron daw siyang inaasikaso sa kanyang hotel, kung sabagay naiintindihan ko siya. Hindi man niya masabi saakin na mahal niya ako, ay sapat na saakin ang pinapakita at pinaparamdam saakin, at higit sa lahat ang sinabi n'yang magtiwala lang ako. Hindi ko man alam ang dahilan niya dahil nahihiya naman ako na magtanong, kaya hinayaan ko na lang, katulad ngayon aalis na naman siya, ewan ko din ba sa sarili ko, siguro sentomas din 'to nang pagdadalang tao ko. Minsan kasi moody din ako, nakatitig la

