SHARON POV Lumipas ang araw, lingo, at buwan, ni hindi manlang nagparamdam si Franco saakin. Ayaw ko sana mag isip pero, parang nanadya naman ata, dahil tumatawag naman siya ky Cj, "Haist! " malalim kung hinga, wala ngayon si Cj dahil pinasyal nila Tams at Michael, niyaya naman ako pero tumanggi ako. Dalawang buwan na at mahigit kasi ang nasa sinapupunan ko at mas lalo pa akong nahihirapan sa aking paglilihi. Kahit anong pilit pa saakon ni Miss Tamara kanina ay hindi niya talaga ako nakumbinsi, pakiramdam ko kasi para akong nanghihina. Kaya naman ako na din ang nagkumbinsi kay Cj na sumama na kina Tamara dahil halata na may importante silang lakad. Ayaw pa sana no Cj kanina ngunit sinabi ko sa kanya na bibilhan niya ng pasalubong ang bata sa sinapupunan ko. "Cj you need to go

