Chapter 9
NAKATULALA AKO habang naka higa sa kama. Hindi ko parin makalimutan ang nangyari samin ni sir Reagan at mas lalong hindi parin ako nakaka move on sa sinabi niya.
Pagkatapos ng gabing yun ay agad akong lumabas ng hotel room niya. Tinatawag pa niya ako pero hindi ko siya nilingon dahil nahihiya ako.
Halos maiyak ako nong gabing yun ng maalala ko ang nangyari. Halos sabunutan ko ang buhok ko dahil inis ko sa sarili ko. Nasampal ko pa si sir Reagan ng gabing yun pero ako pala ang may kasalanan. Ako pa talaga mismo ang pumatong sakanya.
Hindi ko alam kung anong nangyari sakin nong gabing yun, kung bakit ko nagawa yun na parang wala sa sarili. Nahihiya talaga ako. Nahihiya akong humarap kay sir Reagan. Medyo naiinis din ako sakanya dahil nag sinungaling siya sakin.
Kaya agad kong inayos ang mga gamit ko sa maleta nong gabing yun. Umalis ako sa hotel na hindi nag papaalam kay sir Reagan. Bumyahe ako pauwi ng Manila at dumeritso ng uwi sa probinsya namin sa Bicol. Pero hindi ako umuwi sa bahay namin, hindi ko din pinaalam sa tiyahin ko na nasa Bicol ako.
Kumuha lang ako ng maliit na apartment para dito na muna ako. Hindi ko na nga dinaanan ang mga gamit ko sa apartment ko sa Makati. Ipapakuha ko nalang siguro yun sa ate ko para ihatid niya dito.
Ayaw ko ng mag pakita kay sir Reagan, wala akong mukhang ihaharap sakanya kaya mas mabuti ng magtago at lumayo.
Mabuti nalang at ang nakuha kong apartment ay para lang sa mga babae kaya naka hinga ako ng maluwag. Tatlong araw na ako dito at kahit isang beses ay hindi ako lumabas sa apartment ko. Wala din naman akong ganang kumain dahil sa stress na nararanasan ko.
Problema ko pa ngayon kung saan ako mag tra-trabaho. Malaki naman ang naipon ko habang nag tra-trabaho ako bilang secretary ni sir Reagan pero ayaw kong makampante at baka maubos yun sa mahal ba naman ng mga bilihin ngayon.
Hanggang ngayon, iniisip ko parin ang mga ginagawa ni sir Reagan sa t'wing nag papanggap siyang bakla sakin. Bakit kasi hindi ko man lang nahalata.
Napahilot nalang ako sa sentido ko dahil sumasakit na naman ang ulo ko. Naka off lang din ang cellphone ko at ayaw kong buksan 'to, alam ko kasing tatawag si sir Reagan lalo na't umalis ako ng walang pasabi.
Tumayo ako sa single bed saka ako naglakad papunta sa bintana para sumilip sa labas. Kumakalam ang sikmura ko pero wala talaga akong ganang kumain. Iniisip ko kung dahil ba sa juice na ininom ko nong gabing yun kaya ako nakaramdam ng kaka-iba.
Hindi talaga ako makapaniwala na nagawa ko yun kay sir Reagan. Naalala ko pa kung paano ko sinubo ang alaga niya kaya halos maiyak ako.
Nakatulala na naman ako habang nakatuon ang mga mata ko sa labas. Bumuntong hininga ako saka ako umatras para bumalik sa kama.
Madaming nag bebenta mg pagkain sa labas pero ayaw ko lang talaga bumaba. Ang dami din kasing lalaking naka tambay. Nong pumunta ako dito wala namang mga tambay n'on kaya nga kinuha ko na agad ang maliit na kwarto ng malaman kong bakante 'to.
"Saan kaya ako mag aaplay," bulong ko sa hangin habang nakatitig sa kisame.
Gusto ko sanang tawagan ang ate ko pero naalala ko na alam don ni sir Reagan kaya minabuti kong hindi nalang tumawag at ipaalam kung nasaan ako. Alam ko din kasing mag-aalala ang ate ko, madami na nga siyang problema, dadagdagan ko pa ba.
Isa pa 'tong si Jethro, hindi mawala sa isip ko kung may inilagay ba siya sa juice na binigay niya sakin nong gabing yun. Yun lang naman kasi ang ininom ko kaya walang ibang sisisihin kundi siya. Nagtiwala pa naman ako sakanya dahil sabi niya gusto niyang makipag-usap sakin para kamustahin ang baryo namin pero may masama naman pala siyang balak.
Dapat talaga hindi na ako magtitiwal kahit kanino. Pati si sir Reagan ay ayaw ko naring pagkatiwalaan. Sa inamin niya sakin, mas lalo lang akong natatakot sa mga lalaki. Masyado siyang magaling mag panggap kaya dapat lang na ma-galit ako sakanya.
NAKATULALA AKO habang hawak ko ang mangkok at kutsara para pakainin 'tong kuya ko na aksidente. Mabuti nalang at maayos na ang lagay niya at ang magandang balita ay nagkabalikan na sila ng asawa niyang si Herrah.
Pero nakaka asar lang dahil kanina ko pa 'to pinapakain dahil binilin siya sakin ni Herrah bago siya lumabas para bumili ng pagkain niya. Ang gago kong kapatid ay ayaw kumain, gusto niya ang asawa lang daw niya ang magsusubo sakanya. Gusto ko tuloy ipakain sakanya ang kutsara para magtanda.
"Kumain kana kasi, kuya." naka simangot kong sabi saka ko inilapit ang kutsara na may lamang lugaw.
"Ayaw ko! Asawa ko lang ang pwedeng magpakain sakin. Ayaw ko sa'yo!" matigas niyang sabi kaya muntik ko ng ituktok sa ulo niya ang kutsara.
Maaliwalas na ang mukha ng kuya ko, hindi katulad dati na akala moy naliligaw ng landas.
Tumitig sakin ang kapatid ko na para bang binabasa ang nasa isip ko. "May problema ka?" tanong niya sakin.
Humugot ako ng malalim na hininga saka ko ibinalik ang kutsara sa mangkok. "Hindi ko parin mahanap si Hope," malungkot kong sabi.
"Yan ang sinasabi ko sa'yo. Dapat kasi sinabi mo na sakanya ang totoo," pangangaral sakin ng kuya ko.
Hindi nalang ako sumagot saka napabuga ng hininga. Alam kung galit siya sakin dahil sa pag papanggap ko. Tatlong araw ko ng siyang hindi nakikita at mababaliw na ako dahil hinahanap ko ang amoy niya. Putangina kasi, kung wala lang sanang nangyari samin hindi sana nawawala ngayon si Hope.
Napahiya pa ako don sa hotel dahil pinag bintangan ko ang kababata ni Hope na naglagay ng drugs sa inumin ni Hope. Ayaw umamin ng lalaki at hinamon ako na kapag napatunayan ko daw na siya ang nag lagay ay mag babayad ako sakanya ng pera dahil sa pag papahiya ko daw sakanya.
Pumunta kami sa cctv room ng hotel para magkaalaman. Pero, putangina.. nakita sa scene na walang kakaibang inilagay si Jethro sa juice ni Hope. Kinuha lang niya ang juice na yun dahil naka handa para iserve.
Wala akong nagawa kundi bayaran ang gagong Jethro na yun. Hindi parin kasi ako naniniwala na wala siyang kinalaman. Pero dahil sa kuha ng cctv ay nalinis niya ang pangalan niya at kinampihan siya ng may-ari ng hotel.
May araw din sakin ang Jethro na yun. Sa ngayon ay kailangan ko munang mahanap si Hope. Mababaliw na ako sa pag-aalala sakanya, baka sa susunod na araw ay dalhin ako ng kuya ko sa mental hospital.
"Bakit hindi ka lumapit kay Kier. Ang alam ko kasi ay may kaibigan siyang tracker. Baka matulongan ka niya," biglang saad ni kuya.
"Totoo?" tanong ko na parang hindi makapaniwala.
"Oo. Kaya ko nga nahanap si Herrah diba dahil sa kaibigan ni Kier." sagot ni kuya.
"The best ka talaga kuya," naka ngiti kong sabi. "Oh, ito kainin muna 'to bago ko ibuhos ang lugaw sa'yo. Walangya ka! Pinahirapan mo pa akong maghanap kay Hope may alam ka naman palang pwedeng lapitan," inis kong sabi sakanya kaya napa-ngiwi siya.
"Hindi ka naman nagtanong." sagot niya. "Hanapin mo na agad si Hope, baka mataguan ka ng anak ng wala sa oras." natatawa niyang sabi kaya natigilan ako.
"Kainin mo na kasi 'to para maka alis na ako," seryoso kong sabi kay kuya.
"Ayaw ko nga! Si Herrah lang ang gusto kong magpakain sakin," sagot niya sabay tulak ng kamay ko na may hawak na kutsara.
Biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Herrah. Kaya 'tong damulag kong kuya ay nag papa-baby na naman.
"Mommy.." tawag ng kapatid ko sa asawa niya kaya napa-iling nalang ako.
"Tutuluyan ko na talaga ang asawa mo, Herrah." saad ko.
"Bakit kasi ayaw mong kumain?" tanong naman ni Herrah na kinuha sakin ang hawak kong mangkok saka 'to lumapit sa kuya ko.
"Gusto ko ikaw, mommy." sagot ng kuya ko, ang sarap batukan.
Nag paalam lang ako sakanila at sinabi na may aasekasuhin lang ako sa companya ko. Pero ang totoo ay hahanapin ko si Hope.
Habang naglalakad ako palabas ng hospital ay tinatawagan ko si Kier. Naka ilang ring pa ako bago 'to sumagot.
"Babalatan talaga kita ng buhay kung sino ka man. Istorbo ka sa tulog ko!" bungad niya sakin, halata pa sa boses niya na nagising ko 'to.
"Hey, bud." bati ko sakanya.
"Cotton buds?" tanong niya sa kabilang linya kaya mahina akong natawa.
"Gago! Si Reagan 'to. May itatanong sana ako sa'yo." saad ko.
"Sigiraduhin mo lang importante yang itatanong mo Reagan. Makaka kita ka talaga ng shooting star kapag nagkita tayo," banta niya sakin.
"Sabi sakin ni kuya Zacreus may kilala ka daw na tracker? Kaya ba niyang humanap ng taong nawawala?" tanong ko.
"Ahh.. oo meron. Si kuya Atticus. Bakit, nawawala ba ang alagang pusa mo?" tanong niya sakin.
"Ulol. Tao nga diba? May ipapahanap sana ako sakanya." saad ko.
"Try ko siyang tawagan. Ang alam ko kasi ay may problema si kuya Atticus, but I'll try, text mo sakin ang buong pangalan ng ipapahanap mo," saad ni Kier at agad nawala 'to sa kabilang linya.
Agad kong sinend kay Kier ang pangalan ni Hope saka ako lumapit sa kotse ko. Binuksan ko ang pintuan ng driver seat habang hinihintay ko ang reply sakin ni Kier. Hindi ko na muna binuhay ang makina ng kotse ko at para akong tanga na nakatitig sa screen ng cellphone ko.
Ilang minuto lang ay umilaw ang cellphone ko dahil may pumasok na text. Binuksan ko 'to at nakita ang text ni Kier.
Agad kong binuhay ang makina ng kotse ko para pumunta ng Bicol. Kailangan ko ng makita si Hope ngayong araw, ayaw ko ng ipagpa bukas pa 'to at baka mabaliw na ako. Bahala na kung ipagtulakan niya ako ang mahalaga ay masiguro kong nasa maayos siyang lugar at walang lalaki na malapit sakanya.