Chapter 10

1576 Words
Chapter 10 MADILIM NA SA LABAS pero heto ako, kanina pang umaga hindi kumakain. Kinatok ako kanina ng landlady dahil hindi daw niya ako nakikitang lumalabas sa kwarto ko. Akala niya ay napuno na daw ako kaya kinatok niya ako kanina. Nagulat ako ng may marinig akong katok sa labas ng pinto ko. Sa pag-aakalang ang landlady ulit yun ay bumangon ako sa kama para pag buksan 'to. Pinihit ko ang siradura ng pinto saka ko 'to binuksan. Nanlaki ang mata ko ng bumungad sakin ang mukha ni sir Reagan, bakas sa mukha niya ang pag-aalala sakin. "A-anong ginagawa mo dito?" nauutal kong tanong sakanya. "We need to talk, Hope." seryoso niyang sabi sakin. Agad akong umiling at isasara sana ang pintuan, ngunit iniharang ni sir Reagan ang sapatos niya kaya hindi ko na isara ang pintuan. "Mag-uusap tayo!" saad niya. "Ayaw ko! Wala tayong dapat pag-usapan pa, sir Reagan." tutol ko. Ngunit mabilis akong tinulak ni sir Reagan papasok ng apartment ko saka 'to pumasok sa loob. "Ano bang ginagawa mo?" inis kong tanong sakanya ng makita kong isinara niya ang pinto. Hindi naman ako natatakot kay sir Reagan dahil kahit galit ako sa pag sisinungaling niya ay alam kung hindi niya ako sasaktan. "Bakit bigla ka nalang umalis sa hotel ha? Alam mo ba kung gano ako nag-alala sa'yo?! Damn it, Hope! Halos mabaliw ako sa paghahanap sa'yo." sigaw niya sakin. "Wala akong mukhang ihaharap sa'yo," nahihiya kong sabi habang naka yuko. "Anong gusto mong gawin ko.. ang harapin ka?" tanong ko saka ko inangat ang mukha ko para tignan ang mukha niya. "Naiinis din ako sa'yo! Pinagkatiwalaan kita pero niloko mo lang din pala ako. Bakit? Bakit ang galing mo mag panggap, sir Reagan? May masama ka ding bang balak sakin?" malungkot kong tanong sakanya. "No! Wala akong balak na masama sa'yo o kahit ano man. I just did that to make you feel comfortable with me. I'm very sorry, Hope. Nakita ko kung gaano ka katakot sa mga lalaki, kaya nagawa kong palipatin ang ibang mga lalaki sa companya ko para maging komportable ka lang. I have no bad intentions towards you, Hope." saad niya habang nakatitig sakin. Hindi ako nagsalita bagkos ay yumuko lang ako habang titig na titig sa mga kuko ko sa paa. "Alam kung galit ka sakin, Hope. Pero sana naman.. wag kang umalis. Wag kang lumayo sakin. Tatlong araw pa nga lang kitang hindi nakita, hirap na hirap na ako, pano pa kaya kung habang buhay ka ng hindi magpapakita sakin. I don't want to lose my mind, Hope." He added. "Kaya kitang panagutan, Hope." saad niya na ikina-angat ng mukha ko. "Panagutan? Will you accept me if you find out something about me?" tanong ko sakanya. "Yes. Kahit ano pa yan. Tatanggapin kita, H— "I'm a rape victim, sir Reagan." I interrupted what he was going to say. Natigilan 'to sa harap ko habag titig na titig sakin. "Kaya takot ako sa mga lalaki. Hanggang ngayon ay dala-dala ko parin ang takot n'ong gabing yun. N'ong gabing ginahasa ako sa hindi ko kilalang lalaki," naiiyak kong sabi habang inaalala ang nangyari sakin. "Paulit-ulit niya akong ginalaw n'ong gabing yun, kahit anong pagmamakaawa ko ay hindi niya ako pinakinggan," saad ko at tuluyan na akong napahagulhol ng iyak habang nakayuko. Ngunit, bigla akong natigilan ng maramdaman ko ang yakap ni sir Reagan sakin habang hinahaplos ang likod ko na parang pinapakalma ako. "I'm sorry, Hope. I'm very sorry. If I only knew what happened to you before, I wish I would have protected you better. Sana mas iningatan pa kita para hindi maulit ang nangyari sa'yo. Patawarin mo ko, Hope. Ayaw kong pagsisihan ang nangyari satin, pero sa nalaman ko.. naiinis ako sa sarili ko," saad niya habang inaalo ako. Kumawala ako sa yakap niya at agad kong pinunasan ang mga luha ko sa pisngi. Inabot ni sir Reagan ang isan kong pisngi at agad niyang pinahid ang luha ko. Halata sa mukha niya ang lungkot habang nakatitig 'to sakin. "Hayaan mo kong protektahan ka, Hope. Hayaan mo kong alagaan ka. Bigyan mo ko ng pagkakataong patunayan ang sarili ko sa'yo." saad niya kaya kumunot ang nuo ko. "Bakit ko naman ibibigay sa'yo yun, sir Reagan?" kunot nuo kong tanong sakanya. Huminga 'to ng malalim at parang nagdadalawang isip kung itutuloy ba niya ang kanyang sasabihin. "Secretary mo lang ako, sir Reagan. Kung aalis ako bilang secretary mo, may mahahanap ka agad na pwedeng pumalit sakin," saad ko. "Yes. Makakahanap nga ako agad ng bagong secretary. Pero, hindi ako makakanap ng isang katulad mo dahil nag-iisa ka lang, Hope. Nag-iisa lang ang babaeng gustong-gusto kong makasama at palihim na minamahal ko," saad niya na ikinatigil ng paghinga ko. "A-ano?" nauutal kong tanong kaya mahina siyang natawa. "Gusto kita, Hope simula pa n'ong una kitang nakita nong nag aaplay ka bilang secretary ko. Akala ko simpleng pagka gusto lang ang nararamdaman ko, hindi ko namalayan na lumalalim na pala ang nararamdaman ko, Hope. Hanggang sa naging habit ko na ang ginagawa kong pagpapanggap bilang bakla para lang marinig ko ang mga tawa mo. Ang sarap kasing pakinggan ng tawa mo, nakakawala ng pagod. Hanggang sa inamin ko sa sarili ko na iba na talaga ang nararamdaman ko sa'yo, hindi na pagkagusto kundi mahal na talaga kita," mahaba niyang sabi kaya napakurap-kurap ako. "M-mahal mo ko?" nauutal kong tanong sakanya. "Yeah. Matagal na," sagot niya sakin saka inayos ang buhok ko. "Pwede mo ba akong bigyan ng pagkakataong alagaan ka?" tanong niya sakin. Nakatulala lang ako sa mukha niya, hindi ko alam kung anong isasagot ko sa tanong niya. Bigla akong nalungkot dahil may naalala ako. "Ibalin mo nalang sa iba ang nararamdaman mo,sir Reagan. Hindi ako nababagay sa'yo," malungkot kong sabi. "Bakit ko naman gagawin 'yon. Pinili ka ng puso ko, Hope hindi puson kaya bakit ko ibabalin sa iba ang nararamdaman ko?" seryoso niyang sabi sakin. "K-kasi.. kasi.." napakagat ako sa ibabang labi ko dahil hindi ko maituloy-tuloy ang sasabihin ko. "Kasi ano?" kunot nuong sabi ni sir Reagan sakin. "Kasi.. nag bunga ang nangyaring ka hayupan sakin, sir Reagan. May a-anak ako kaya dapat lang na ibalin mo sa iba ang pagkagusto mo sakin," saad ko. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib ng masabi ko ang tinatago kong sikreto. Alam kung aayaw na siya sakin dahil sino ba naman ang gugustuhing makasama ako. Pati nga ang mga kapitbahay namin don sa probinsya ay diring-diri sakin sa t'wing nakikita nila ako. Hindi ko naman ginusto na ma-rape ako, kaya halos hindi ko matanggap na nabuntis ako. Gustong-gustong ipalaglag ang bata ngunit hindi ko magawa, may takot parin ako sa diyos kahit pa nga tinatanong ko sakanya kung bakit nangyari yun sakin. Nang maipanganak ko ang anak ko ay halos ayaw ko siyang hawakan. Hindi ko nga siya binigyan ng pangalan dahil hindi ko talaga siya tanggap. Kaya, minabuti ng tiyahin ko na alagaan ang bata. Pinangalanan nila 'tong Isabelle dahil ayaw kong bigyan siya ng pangalan. Hindi ko nadin siya binibisita o kinakamusta man lang sa tiyahin ko. Alam kung wala siyang kasalanan pero sa t'wing nakikita ko siya ay naalala ko ang nangyari sakin. Unti-unting ngumiti sakin si sir Reagan saka mahinang pinisil ang pisngi ko kaya kumunot ang nuo ko. "May instant anak na pala ako kung ganon. Nasaan siya? Gusto kong magpakilala sakanya. Matatanggap kaya niya ako?" sunod-sunod niyang tanong na wala man lang pakialam sa sinabi ko. "Nakikinig kaba sa sinasabi ko?" kunot nuo kong tanong sakanya. "Oo. May anak na tayo, sabi mo," seryoso niyang sagot sakin. Bigla niya akong niyakap kaya natigilan ako. "Tanggap ko ang anak mo, Hope." bulong niya habang nakayakap parin sakin. "H-hindi ko siya tanggap, sir Reagan." sagot ko kaya biglang humiwalay sa pagkakayakap sakin si sir Reagan. "Bakit naman?" tanong niya. "Bunga siya ng isang krimen, sir Reagan. Kaya pano ko siya tatanggapin kung naalala ko sakanya ang masamang nangyari sakin," malungkot kong sabi. "Hope, hindi kasalanan ng bata yun. Anak mo parin siya kahit anong mangyari, kahit bunga pa siya ng panggagahasa sa'yo. Wag mo sana siyang idamay sa galit mo sa nangrape sa'yo." saad niya kaya napayuko ako. Hindi ko talaga kayang makita ang batang yun. Hindi ko nga din masabi na anak ko siya, alam ko naman na wala siyang kasalanan at labas siya dito, pero hanggang ngayon ay naalala ko parin ang ginagawa ng lalaking nang rape sakin at ang halos pagsakal niya sa leeg ko. Hanggang ngayon ay hindj parin nahuhuli ang may gawa n'on sakin. Ang sabi lang sakin ay walang makuhang lead kung sino ang gumahasa sakin dahil sa walang cctv ang mga kalsada ng barangay namin. Pabalik-balik ako sa presento para makuha ang hustisyang para sakin, ngunit, hindi umuusad ang kaso ko kaya hanggang ngayon ay hindi ko parin nakukuha ang hustesyang para sakin. Four years old na ang anak ko at sa loob ng apat na taon na yun ay hindi ko man lang siya binisita. Tanging ang tiyahin ko lang ang nag t-text sakin at sinasabi na hinahanap ako ni Isabelle. Lagi kasing kwene-kwento ng tiyahin ko kay Isabelle ang tungkol sakin kaya gusto niya akong makita at makilala. "Gusto kong makilala ang anak mo, Hope. Pwede ba natin siyang puntahan?" biglang tanong sakin ni Reagan. Biglang nagkamot ng ulo si sir Reagan saka 'to nagsalita. "Liligawan kita, Hope, kaya ihanda mo ang sarili mo." saad niya saka dinampian ng halik ang nuo ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD