Chapter 11
NANDITO AKO SA KOTSE ni sir Reagan habang papunta kami sa bahay ng tiyahin ko. Ayaw ko sanang makita ang anak ko ngunit gustong makilala ni Reagan si Isabelle.
Tahimik lang ako buong byahe habang si sir Reagan naman ay panay ang sulyap sa' kin. Until now, my mind still can't process what he told me. Gusto ko sanang sabihin na wag na niyang ituloy ang panliligaw sa' kin.
Huminto ang sasakyan namin kaya agad akong lumingon sa labas ng bintana. Bigla akong kinabahan habang pinagmamasdan ang bahay ng tiyahin ko.
Hindi ko pa talaga kaya. Ayaw ko pang makita si Isabelle.
Natigilan ako ng biglang hinawakan ni sir Reagan ang kamay ko. Lumingon ako sakanya at pilit na ngumiti.
"Pwede bang wag muna ngayon, sir Reagan. Ayaw ko pa talagang makita ang bata," malungkot kong sabi.
"Anak mo parin siya, Hope. Even if you don't like her, she still needs your love as a mother. Wag mo sanang ipagkait 'yon sa bata," saad sakin ni sir Reagan.
Hindi ako sumagot at nanatili lang nakatungo ang ulo ko. Hinawakan ni sir Reagan ang baba ko saka niya inangat ang mukha ko. "Natatakot ka bang palakihin siya?" tanong niya sakin na ikina-tango ko.
"Pwede naman tayong dalawa ang magpalaki sa anak mo, Hope. Sinabi ko na sa'yo.. handa akong maging ama ng anak mo," pursigido niyang sabi.
Napabuntong hininga nalang ako saka ako lumingon ulit sa bahay ng tiyahin ko. Huminga ako ng malalim saka ko binuksan ang pintuan, lumingon muna ako kay sir Reagan na naka ngiti sakin na para bang proud na proud sakin.
Binitiwan ni sir Reagan ang kamay ko saka siya bumaba ng kotse at umikot papuntang driver seat para pagbuksan ako ng pintuan. Bumaba ako ng kotse habang nanlalamig ang kamay ko.
Parang gusto ko tuloy umatras. Hinawakan ni sir Reagan ang kamay ko kaya kumalma ako. Ngayon ko lang napagtanto na sa t'wing hawak ni sir Reagan ang kamay ko o sa t'wing kasama ko siya ay lagi niya akong napapakalma. Nagdududa naman talaga ako sa kasarian niya dati ngunit ipinag walang bahala ko lang 'yon dahil sa komportable akong kasama siya. Kaya pilit kong sinasabi na bakla talaga si sir Reagan dahil hindi ako nakakaramdam ng takot sakanya. Feeling ko ay safe ako palagi kapag kasama ko siya.
Sabay kaming naglakad ni sir Reagan palapit sa gate na yari ng kawayan. Tumikhim muna ako para mawala ang bara sa lalamonan ko.
"Tita! Tao po!" tawag ko habang nasa labas parin kami ng gate ni sir Reagan.
Ipinalibot ko ang tingin ng mapansin ko ang mga kapitbahay namin na walang ginawa kundi pag chismisan ako dati. Kaladkarin daw akong babae, tahimik daw ako pero nasa loob daw ang kulo ko dahil nabuntis daw ako ng walang ama. Ang hindi nila alam ay na rape ako.
Ayaw ko kasing malaman nila kaya pinalabas nalang mg tiyahin ko na nabuntis ako. Pumayag nalang ako na yun ang malaman nila dahil hindi ko naman pwedeng sabihin na bigla lang akong nabuntis na walang gumagalaw sakin.
Kaya nga ng ipanganak ko si Isabelle ay binalak ko 'tong iwanan sa hospital. Ngunit ayaw pumayag ng tiyahin ko kaya inuwi parin niya sa bahay niya. Nag-stay lang ako ng two weeks sa bahay ng tiyahin ko saka ako nagpasundo sa ate ko na nasa Quezon Province. Kaya ako napadpad ng Manila at namuhay mag-isa habang ang tiyahin ko ang nag-aalaga kay Isabelle.
Nanlamig ang katawan ko ng makita kong bumukas ang pintuan nila tita at mula don, lumabas ang isang batang babae. Kahit hindi ko angkinin na anak ko siya ay hindi ko magagawa 'yon, lalo na't kamukhang kamukha niya ako.
Umaliwalas ang mukha ng bata habang nakatitig sakin. "Mama!!" tawag niya sakin kaya agad akong kinabahan.
Tumakbo papunta si Isabelle sa gate at pilit na inaabot ang lock n'on. Lumabas din ang tiyahin ko at hindi 'to makapaniwalang nakatingin sakin.
Naglakad ang tiyahin ko papunta sa gate saka niya 'to binuksan kaya nakalabas si Isabelle na agad yumakap sa mga binti ko. "Hi, po mama!" bati niya sakin. Pinipigilan ko ang paghinga ko habang nakayakap si Isabelle sa mga binti ko. Hindi ko alam kung hahawak ko ba siya o tatanggalin ko ang mga kamay niya.
Akmang tatanggalin ko na sana ang mga kamay ni Isabelle ng mabilis na umuklo si sir Reagan at agad binuhat si Isabelle.
"Paano naman ako.. hindi mo ba babatiin si papa?" naka ngiting tanong ni sir Reagan kay Isabelle kaya nanlaki ang mata ko. Pambihira 'to si sir Reagan, pananagutan talaga niya ang sinabi niyang gusto niyang maging ama ni Isabelle.
Kumunot naman ang nuo ni Isabelle habang nakatitig sa mukha ni sir Reagan. Maging ang tiyahin ko ay nagtataka din sa sinabi ni sir Reagan.
Unti-unting ngumiti si Isabelle kay sir Reagan at agad niyang niyakap sa leeg si sir Reagan. "Hello po, papa!" saad ni Isabelle.
Kumawala sa yakap si Isabelle kay sir Reagan at sabay na tumingin sakin. "Mabuti nalang at nagmana sa'yo ang anak natin," naka ngiting sabi ni sir Reagan sa'kin.
Halata sa mukha ni Isabelle ang tuwa habang buhat buhat ni sir Reagan. Mabuti nalang pala at pinalabas namin ng tiyahin ko na nabuntis ako ng lalaki at hindi dahil sa na'rape. Baka masaktan lang si Isabelle kapag nalaman niya na bunga lang siya ng kahayupan sa gumawa sa' kin.
"Bakit hindi ka nagsabi na bibisita kayo, Hope." Saad ng tiyahin ko.
"Biglaan lang po namin naisipan, tita." sagot ko at agad na lumapit sakanya saka ako nagmano.
Hinawakan ng tiyahin ko ang braso ko saka niya inilapit ang bibig niya sa teynga ko. "Sino yang lalaking kasama mo?" bulong niyang tanong sa'kin.
Lumingon ako kay sir Reagan na hanggang ngayon ay karga karga parin si Isabelle at kinikiliti kaya tawa ng tawa ang anak ko.
"Ahm.. boss ko po," sagot ko dahil hindi ko alam ang estado pa namin ni sir Reagan. Sabi niya kasi manliligaw siya sa' kin. Kaya mas mabuti na munang boss ang ipakilala ko sa tiyahin ko.
Hinila naman ako ng tiyahin ko na agad naman akong nagpatianod hanggang sa makarating kami sa loob ng bahay ng tiyahin ko.
"Mabuti nalang din pala na pumunta ka dito, Hope." saad ng tiyahin ko habang sapo ang nuo niya.
"Hindi ko na kayang alagaan si Isabelle, Hope. Panay na din ang ubo ko at marami ng sumasakit sa' kin. Kaya kita tinawagan n'ong isang araw para sabihin ko sana sa'yo na kunin mo na si Isabelle. Pero nagdadalawang isip kasi ako at baka hindi mo parin tanggap ang bata," mahabang sabi ng tiyahin ko.
Napahilot nalang ako sa sentido ko dahil wala akong choice kundi kunin si Isabelle sa tiyahin ko. Hindi pa naman masyadong matanda ang tita ko ngunit madaming lumalabas na sakit sakanya kaya bawal siyang magpagod. Nandito naman ang mga anak niya pero nag-aaral pa ang mga 'to.
Lagi naman akong nagpapadala sakanila ng pera dahil utang na loob ko parin naman na inalagaan ng tiyahin ko si Isabelle.
Huminga ako ng malalim saka ko hinaplos ang likod ng tita ko. "Sige po tita. Alam kong ang laki ng sakripisyo mo kay Isabelle. Hindi mo siya pinabayaan at itinuring mo siyang parang anak mo katulad nalang ng pagturing mo din samin ng ate ko na parang anak mo narin." Saad ko habang may ngiti sa labi.
"Alagaan mo si Isabelle, Hope. Gustong-gusto kang makasama ng anak mo. Lagi niyang pinagdarasal na makasama ka niya, Hope. Kaya wag mo sanang idamay ang bata sa galit mo," saad ng tiyahin ko na ikina-tango ko.
"Teka.. bakit nga pala nagpakilala ang boss mo na papa ni Isabelle? Baka maniwala pa ang apo ko," tanong sakin ni tita kaya napakamot ako sa likod ng ulo ko.
"Ahm.. nanliligaw po yun sa' kin, tita." pagsasabi ko ng totoo.
"Ayy, mabuti naman kung ganun. Masaya ako na pumapayag ka ng magpaligaw. Boto ako sa lalaking yun, unang tingin ko palang sakanya halata ng mabait at mabuti ang intensyon. Alam ba niya ang nangyari sa'yo?" tanong sakin ng tita ko.
Dahan-dahan akong tumango saka ako umupo sa katapat niyang upuan.
"Alam niya.. pero tanggap niya na may anak ka. Naalala mo dati ang ex-boyfriend mo, Hope? Si Julius? Aba'y nang malaman niyang nabuntis ka ay agad ka niyang hiniwalayan dahil kaladkarin ka daw na babae at kung ano pa ang masasamang salita ang sinasabi sa'yo. Yung isa mo ding manliligaw ng makita ka niya at malaman niyang may anak ka na ay umatras agad. Pero.. tignan mo ang boss mo, halatang mayaman ngunit tanggap niya na may anak ka," mahabang sabi ng tiyahin ko na inaalala ang nakaraan.
Totoo naman kasi.. lahat ng lalaki dito na close ko dati ay hindi na ako pinapansin at lagi nalang nagpaparinig na kaladkarin daw ako. Kaya ayaw na ayaw kong umuwi dito.
"Hayaan mo na yun, tita." saad ko. Bigla namang pumasok si sir Reagan habang karga karga parin si Isabelle.
"Mama, marami po ang akong barbie dolls. Pwede po ba tayong maglaro? Promise po.. ipapahiram ko po sa'yo ang favorite kong doll," saad ni Isabelle sakin ng makalapit silang dalawa ni sir Reagan sakin.
"Syempre, makikipaglaro si mama mo sa'yo, baby." saad ni sir Reagan saka tumingin sakin.
"Talaga po?" hindi makapaniwalang sabi ni Isabelle na agad umalis sa pagkakandong kay sir Reagan at tumakbo.
Mabilis naman 'tong bumalik at may dalang mga barbie dolls. "Ito po sa'yo, mama ko." Nakangiting sabi ni Isabelle sakin saka inabot ang laruan niya.
Palipat-lipat ang tingin ko sa mukha ni Isabelle at sa barbie doll na hawak niya na inaabot sakin.
"Kunin mo na, mama." Biglang tapik ni sir Reagan sa balikat ko. Dahan-dahan kong inabot ang laruan at napipilitang ngumiti kay Isabelle.
Four years old palang si Isabelle pero malinaw na siyang magsalita. Magaling talaga ang tiyahin ko sa pag-aalaga.
Napipilita akong nakipaglaro kay Isabelle habang si sir Reagan naman ay sumali narin samin. Mahina akong natawa ng yayain ni Isabelle si sir Reagan na lagyan ng hairband. Hindi naman siya umangal sa ginagawa ni Isabelle sakanya, bagkos ay naglagay pa talaga 'to ng make up kaya panay ang tawa ni Isabelle.
Pinagmamasdan ko lang silang dalawa habang natatawa nalang din kapag naririnig ko ang hagikhik ni Isabelle.
Kandong-kandong ni sir Reagan si Isabelle habang mahimbing na natutulog 'to. Ayaw ng umalis sa tabi ni sir Reagan kaya hinayaan nalang namin siya na makatulog.
"Ang swerte ko, Hope. May anak na ako," naka ngiting sabi ni sir Reagan sakin.
Napabuntong hininga nalang ako habang nagkakamot sa kilay ko. "Kukunin ko na si Isabelle dito, sir Reagan. Hindi na kasi kayang alagaan ng tiyahin ko," saad ko.
"And? Bakit napabuntong hininga ka? Ayaw mo bang kunin ang anak natin, Hope?" tanong niya sakin, inaangkin na talaga niya na anak niya si Isabelle.
Hindi ako sumagot sa tanong niya at pinagmasdan ko nalang ang mukha ni Isabelle na mahimbing na natutulog.
"Doon na kayong dalawa sa bahay ko tumira, Hope. Gusto kong alagaan ka at ang anak nating si Isabelle. Damn it! Hindi na ako makapaghintay ipagmayabang sa kuya ko na may anak na ako," naka ngiti niyang sabi na halatang excited.
Napa-iling nalang ako kay sir Reagan habang pinagmamasdan ko siyang inaayos ang buhok ni Isabelle na nakaharang ng kunti sa mata niya.