Chapter 12
TAHIMIK AKONG NAKAUPO sa passenger seat habang si sir Reagan ay nag mamaneho. Pauwi na kami ng Manila kasama si Isabelle na natutulog sa backseat.
Kanina pa ako tahimik dahil iniisip ko ang mangyayari lalo na't ako na ang mag-aalaga kay Isabelle. Hindi ko alam kung kakayanin ko ba maging isang ina. Alam kong sa puso ko ay hindi ko parin siya matanggap.
Napalingon ako sa gawi ni sir Reagan nang hawakan niya ang kamay ko. Pinagsikop niya ang kamay naming dalawa kaya napadako ang tingin ko sa kamay naming dalawa.
"You are so quiet, what are you thinking?" Tanong niya sa' kin habang palipat lipat ang tingin niya sakin at sa daan.
Bumuntong hininga ako saka ako nagsalita. "Kaya ko kayang alagaan si Isabelle, sir Reagan?" Tanong ko habang nakayuko.
"Oo naman. Sasamahan kitang magpalaki sa anak natin," sagot niya kaya napa-iling nalang ako.
"Sigurado ka na ba sa desisyon mo na liligawan mo ako?" Tanong ko sabay angat ng mukha ko para tignan si sir Reagan.
"Yes, mon amour. Siguradong sigurado ako," sagot niya sakin.
"Bakit mo naman ako nagustuhan sir Reagan? Bakit ako ang napili mong magustuhan?Wala namang ka interest-interest sa' kin. Kaya bakit ako? marami namang ibang babae d'yan na mas nababagay sa'yo kaysa sa' kin, may sabit pa nga," saad ko habang nakatingin parin kay sir Reagan.
Ngumiti siya sa' kin saka siya lumingon sa gawi ko. "I didn't choose you, mon amour. My heart did. Ikaw ang hinahanap ng puso ko kaya wag mong sasabihin na may mas nababagay sa'king ibabang babae, dahil para sa' kin.. ikaw lang, ikaw lang ang gusto kong makasama. Sana payagan mo 'ko," sagot niya sa' kin.
Hindi ko alam ang sasabihin ko sakanya kaya tumahimik nalang ako. "I promise to love and protect you, mon amour. Pati narin sa anak nating si Isabelle," dagdag niyang sabi sa' kin.
"Talagang pinanindigan mo na anak mo si Isabelle," naka ngitin kong sabi.
"Naman. Deserve ni Isabelle ang pagmamahal, mon amour," naka ngiti niyang sagot sa' kin.
"Pwede ba akong magtanong sa'yo, Hope?" Tanong niya sakin sa seryosong boses. Ang bilis talaga magbago ng mood niya, kanina lang naka ngiti siya ngayon naman ay napaka seryoso ng mukha niya.
"Ano yun?" Tanong ko sakanya.
"N'ong nangyari ang ginawang kahayupan sa'yo, wala ka bang naalala or palatandaan man lang sa lalaking gumawa sa'yo no'n?" Tanong sakin ni sir Reagan.
Lumingon muna ako sa backseat at baka gising si Isabelle. Nang makita kong tulog parin saka ako tumingin kay sir Reagan.
"Hindi siya nagsasalita nang ginawa niya yun sakin. Siguro dahil para hindi ko siya mabosesan. Ngunit, may nakita akong tattoo sa may braso niya, hindi nga lang malinaw 'yun pero kapag nakita ko ulit 'yun maalala ko," sagot ko sa tanong ni sir Reagan.
"Anong sabi ng mga pulis na humawak ng kaso mo, mon amour?" Tanong niya ulit sa' kin.
"Lagi lang nilang sinasabi na iniimbestigahan na daw nila ngunit walang progress. Hanggang sa tumagal na at kahit nasa Manila ako ay panay ang tawag ko para magtanong kung ano na ang nangyari sa kaso ko, pero wala silang maibigay." Malungkot kong sabi.
"Kaya mo bang idrawing ang tattoo n'ong lalaking 'yun, mon amour? Gusto kong buksan ulit ang kaso mo para makuha mo ang hustisya. Hindi mo deserve ang nangyari sa'yo, pagbabayarin ko ang lalaking 'yun kapag nahanap natin siya," saad niya sakin kaya napangiti ako.
Inangat ko ang isang kamay ko saka ko hinaplos ang pisngi ni sir Reagan. "Thank you, sir Reagan. Thank you dahil hindi mo ko hinusgahan katulad ng iba," naka ngiti kong sabi.
"You are my sunshine, Hope. Kaya gagawin ko ang lahat mapasaya ka lang," saad niya saka pinisil ng mahina ang pisngi ko.
"Magpahinga ka muna, medyo malayo pa tayo, mon amour." Sabi niya saka ginulo ang buhok ko.
"Hindi naman ako inaantok, sir Reagan." Sagot ko na ikinakunot ng nuo niya.
Kumunot din ang nuo ko dahil halatang hindi niya nagustuhan na tinawag ko siyang sir. "May problema ba, sir Reagan?" Tanong ko kahit alam ko naman kung bakit siya naka simangot.
"Why do you still call me sir?" Kunot nuong tanong niya sa' kin.
"Eh, ano bang dapat itawag ko sa'yo? Boss parin naman kita di'ba?" Tanong ko sakanya. Mas lalo tuloy kumunot ang nuo niya.
"Pwede na siguro ang sweetheart?" Saad niya na parang nagtatanong.
"Ahm.. hindi ko po yata keri 'yun, sir Reagan." Naka ngiwi kong sabi.
"Bakit naman? Maganda naman pakinggan ah," saad niya sa' kin.
"Nasanay po ako sa sir Reagan eh, saka isa pa, hindi pa naman tayo kaya sir na muna ang itatawag ko sa'yo," saad ko.
Napabuga naman siya ng marahas na hininga saka 'to nagsalita. "Kapag tayo na.. tatawagin mo na ba akong sweetheart?" Tanong niya sa nagtatampong boses.
Mahina nalang akong natawa sa sinabi niya.
Nakarating kami ng Manila at agad na dumeritso sa bahay ni sir Reagan. Ayaw ko sanang pumayag pero makulit talaga si sir Reagan.
Nang makarating kami ay saktong gising narin si Isabelle. Bumaba ako ng kotse habang si sir Reagan naman ay binuhat si Isabelle.
Nauna pa silang pumasok sa bahay at halata sa mukha ni Isabelle ang tuwa. Hindi ko tuloy mapigilang hindi ngumiti dahil tatay na tatay ang datingan ni sir Reagan.
Pumasok kami sa bahay ni sir Reagan at inilibot niya kami ni Isabelle sa bahay niya. Manghang- mangha naman ang anak ko dahil sobrang ganda daw ng bahay ng papa niya.
Pumasok kami ni Isabelle sa isang kwarto para saming mag-ina. Sa kabilang kwarto naman ay kay sir Reagan.
"Mama, ang ganda po pala ng house ni papa," naka ngiting sabi sakin ni Isabelle.
Tumango nalang ako dahil hindi ko alam ang isasagot ko sakanya. Naiinis narin ako sa sarili ko dahil hindi ko talaga makuhang makipag-usap kay Isabelle.
Natigilan ako ng lumapit sa' kin si Isabelle saka 'to humawak sa kamay ko. "Mama," tawag niya sakin.
Hindi ko alam kung sasagot ba ako, nakatitig lang ako sakanya habang hinihintay ang sasabihin ni Isabelle.
"Pasensya kana, mama." Saad niya habang nakayuko 'to.
"B-Bakit ka humihingi ng sorry sa' kin?" Kunot nuo kong tanong kay Isabelle.
"Kasi po.. nabuhay po ako sa mundong 'to," saad niya na ikinatigil ko. "Alam ko pong ayaw mo sa' kin, mama. Narinig ko po kasi si lola at si tita Ria habang pinag-uusapan ka, mama. Pasensya na po kung nabuhay ako, mama." Saad ng anak ko dahilan para tumulo ang luha ko.
"Kaya, sobrang saya ko po nang pumunta ka sa bahay ni lola. Lagi ko po kasing pinagdarasal kay papa God na sana.. matanggap mo po ako. Sorry po mama," umiiyak niyang sabi sa' kin.
"Alam kong ayaw mo po sa' kin. Pero love na love po kita. Lagi ko pong pinag p-pray kay papa God na sana nasa maayos ka po," saad ng anak ko.
Lumuhod ako para magpantay ang mukha naming dalawa, pareho din kaming umiiyak ng anak ko. Pinahid ko ang luhang nasa pisngi niya saka ko mahinang pinisil ang pisngi niya.
Niyakap ko siya ng mahigpit habang hinahaplos ko ang likod niya. "Pasensya ka na, anak. Pasensya ka na kung hindi kita inalaagan ni mama. Pangako, aalagaan kitang mabuti, pangako yan ni mama sa'yo." Umiiyak kong sabi.
"Pwede ba akong sumali sa yakapan niyong mag-ina," biglang sabat ni sir Reagan na naka silip ang ulo sa pintuan.
"Papa!" Tawag ni Isabelle kay sir Reagan at agad na kumawala sa yakap ko saka tumakbo kay sir Reagan.
Napangiti nalang ako habang nakatitig sa kanilang dalawa na nagkukulitan na naman.
Lumapit sa' kin si sir Reagan at agad na hinalikan ang nuo ko.
"May pupuntahan tayo, mon amour." Sabi sa' kin ni sir Reagan.
"Saan?" Tanong ko. Hindi naman siya sumagot at pinagsiklop lang ang mga kamay namin habang buhat buhay niya sa kabilang braso ang anak ko.
Natawag ko din si Isabelle na anak ko, parang nawala ang mabigat sa dibdib ko nang makita kong umiyak ang anak ko. Doon ko lang napagtanto na ang lahat kaya nawala ang bigat na nararamdaman ko.
Lumabas kami ng bahay ni sir Reagan, binuksan niya ang pintuan ng backseat saka ipinasok ang anak kong si Isabelle.
"Saan ba talaga tayo pupunta?" Tanong ko kay sir Reagan na binubuksan ang pintuan ng passenger seat.
"Ipapakilala ko ang anak ko sa kuya ko," naka ngiting sabi sa' kin ni sir Reagan kaya nanlaki ang mata ko.
"Paano kung ayaw niya samin, sir Reagan? Baka magalit pa ang kapatid mo kapag nalaman na may anak ako," taranta kong sabi.
"Nah! Excited na nga siyang makikala ang pamangkin niya. Kaya tara na!" Sabi niya sa'kin saka niya ako inalalayang pumasok sa loob ng kotse.
Tahimik lang kami sa buong byahe, kinakabahan din ako kaya hindi ako nagsasalita. Tanging si sir Reagan at si Isabelle lang ang nag-uusap sa loob ng kotse. Hindi ako makasali sakanila dahil feeling ko ay matatae ako sa kaba.
Nang makarating kami sa isang malaking bahay ay agad na iginilid ni sir Reagan ang sasakyan. Mas lalo tuloy akong kinabahan dahil bahay na pala 'to ng kapatid niya. Hindi din nakakatulong sa' kin ang pumapasok sa isipan ko na scenario na baka magalit ang kapatid ni sir Reagan sa' kin at ayawan kami ni Isabelle.
Wala na akong nagawa ng lumabas na si sir Reagan sa sasakyan saka umikot 'to papuntang passenger seat at pinagbuksan ako. Binuksan din niya ang pintuan ng backseat saka niya binuhat ang anak ko.
"Relax, mon amour. Hindi ka naman bubugahan ng apoy ng kapatid ko," pagpapakalma sa' kin ni sir Reagan.
Hindi nalang ako nagsalita hanggang sa makapasok kami sa loob ng bahay. Bumungad samin ang isang matangkad at magandang babae. Katabi niya ang nakatalikod na matangkad na lalaki kaya hindi ko nakita ang mukha niya.
"Nandito na pala kayo!" Nakangiting sabi ng matangkad na babae. Nakatulala tuloy ako sakanya dahil ang napaka ganda niya.
Humarap samin ang lalaking kasama niya kaya natigilan ako.
"Teka! Hindi ba siya 'yung boyfriend mo sir Reagan?" Bulong kong tanong kay sir Reagan kaya mahina siyang natawa.
"A-hm.. narinig ko ang sinabi mo, miss. Hindi ko boyfriend ang unggoy na 'yan," sabat ng lalaking may kargang baby. Natawa naman ang babaeng katabi niya saka 'to naglakad palapit samin.
"Hi, I'm Herrah Salazar," pagpapakilala niya sa' kin habang nakalahad ang kamay niya sa harap ko.
Inabot ko 'yun habang may ngiti sa labi. "Hello, I'm Hope Louise Vergara," pagpapakilala ko din. "Ito naman ang anak kong si Isabelle," dagdag kong sabi habang hinahaplos ko ang buhok ng anak ko na buhat-buhat parin ni sir Reagan.
"Oh, Hi, Isabelle. Napaka gandang bata," naka ngiting sabi ni Herrah.
"Syempre, mana sa papa," biglang sabat ni sir Reagan kaya inirapan ko siya.
Lumapit naman ang lalaking may karga-kargang baby saka ngumiti sa' kin.
"Siya naman ang kuya ko. Si Kuya Zacreus," pagpapakilala ni sir Reagan sa lalaki.
Yumukod lang sakin ang kuya ni sir Reagan saka 'to nagsalita. "Welcome to our family, Hope." Saad niya kaya bigla akong nahiya. Tumango nalang ako at ngumiti kay kuya Zacreus.
"Ito naman ang anak naming si Herrah Zace," naka ngiting sabi ni Herrah na kinuha pa kay kuya Zacreus ang anak nila. Ang cute ng baby, manang-mana kasi kay Herrah ang mukha.
"I'm happy for you, lil bro. May anak ka narin pala," naka ngiting sabi ni kuya Zacreus kay sir Reagan.
"Ang ganda-ganda ng anak ko di'ba, kuya? mana
sa' kin eh," saad ni sir Reagan habang kinikiliti si Isabelle na panay tuloy ang tawa at iwas sa tyan niya.
"Tamang-tama nakapag luto na ako, hali na kayo!" Naka ngiting sabi ni Herrah kaya tumango ako.
Naunang naglakad ang mag-asa samin habang si sir Reagan naman ay ibinaba si Isabelle. Hinawakan ni sir Reagan ang kamay ko saka 'to nagsalita.
"Hindi ka na kinakabahan?" Bulong niyang tanong sa' kin.
"Hindi na," sagot ko agad.
"Ahh, akala ko kinakabahan ka pa eh, iki-kiss sana kita para mawala ang kaba mo," bulong niya sakin kaya siniko ko siya sa dibdib na ikinatawa naman niya.