Chapter 13

2089 Words
Chapter 13 BALIK TRABAHO NA AKO bilang secretary ni sir Reagan. Ayaw sana niyang pumayag dahil sa bahay nalang daw ako kasama si Isabelle. Ayaw ko naman ng ganun. Kaya walang nagawa si sir Reagan kaya pumayag nalang 'to. Walang mag babantay kay Isabelle kaya naisipan namin ni sir Reagan na isama nalang siya sa company niya. Kaya ayon, nasa office ni sir Reagan si Isabelle. Pinapalabas ko nga dahil baka maistorbo niya si sir Reagan. Pero, pagpasok ko sa loob ng office ni sir ay tahimik na naka upo si Isabelle habang nag dra-drawing katabi ni sir Reagan na nagbabasa ng mga papeles. Kukunin ko sana si Isabelle pero sumenyas sa' kin si sir Reagan na hindi daw. Maging ang anak ko ay sinenyasan din ako na ginagaya pa talaga ang galaw ni sir Reagan. Mahinaw nalang ako natawa dahil close na close talaga silang dalawa. Ito pa ang pinaka malupit, pareho pa 'yan sila ng kulay ng damit. Gusto ni sira Reagan na same color sila ng damit ni Isabelle. Inaayos ko ngayon ang pagkain dito sa office ni sir Reagan. Tanghali na kasi kaya kakain na kaming tatlo. Maaga ako nagising kaninang umaga para mag luto ng baon namin. "Mon amour, ang sarap ng luto mong nilaga," naka ngiting sabi ni sir Reagan. Masama ko siyang tinignan dahil mang u-uto na nga lang huling-huli pa. "The best talaga ang luto mong nilaga,"dagdag pa niyang sabi kaya inirapan ko. Paanong hindi ako maiinis eh, hindi naman nilaga ang niluto ko kungdi sinigang. Ganun ba ka pangit ang lasa ng luto ko at para sakanya ay naging nilaga. Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya at baka mabatukan ko pa siya gamit ang kutsarang hawak ko. Sinusubuan ko si Isabelle habang si sir Reagan naman ay feel na feel ang paghigop ng sabaw. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis sakanya. Pagkatapos naming kumain ay agad kong niligpit ang pinagkainan namin. Tinulongan naman ako ni sir Reagan at siya narin ang nag tapon sa basurahan. Umorder pa kasi siya ng pagkain para kay Isabelle sa fast food. "Anak, gusto mo bang sumama sa' kin sa labas? May bibilhin lang si mama," saad ko sa anak ko. "Sige po, mama." Sagot niya agad saka 'to tumakbo papunta sa' kin. "Anong bibilhin mo, mon amour?" Tanong sa' kin ni sir Reagan na tumayo pa mula sa pagkaka upo niya sa swivel chair. "Sama ako!" Matigas niyang sabi. "D'yan lang kami sa baba. May bibilhin lang ako dyan sa katapat na building," sagot ko. Katapat kasi ng building na 'to ang isang mini grocery store. Gusto kong bumili ng korean juice do'n, lagi kasi akong bumibili pagkatapos kong kumain. Kaya bibilhan ko din si Isabelle para matikman din niya. "Sama nalang kasi ako," saad ulit ni sir Reagan. "Wag na po, sir. Babalik din naman kami agad. Bibilhan nalang din po kita at baka magustuhan mo," pigil ko sakanya. Bumuntong hininga naman siya saka 'to tumango. "Mag-iingat kayo sa pagtawid sa kalsada," saad niya na akala moy tatsy namin ni Isabelle. Ngumiti lang ako saka ako tumango at hinawakan ang kamay ni Isabelle. Naglakad kami papunta sa pinto saka ko 'yun binuksan at lumabas ng opisina ni sir Reagan. Pumasok kaming dalawa ni Isabelle sa elevator habang magkahawak parin ang kamay. "Gusto mo ba ng juice, anak?" Tanong ko. "Opo, mama. Gusto ko po ng apple flavor," masayang sagot ng anak ko. Napangiti ako sabay ayos ng buhok ng anak ko. Hindi kasi maayos ang pagkakatali sa buhok niya. Parang ewan talaga 'to si sir Reagan. Siya kasi ang nag-ayos ng buhok ni Isabelle. Bumukas ang pintuan ng elevator kaya lumabas kami ni Isabelle. Mgakahawak kamay kaming lumabas ng building at palinga-palinga ako sa kalsada para makatawid kami ni Isabelle. Pumasok kami sa grocery store at agad kong tinungo kong saan naka lagay ang mga korean juice. "Ito anak, apple flavor 'to." Saad ko kay Isabelle na tinuturo ko pa ang juice. "Sige po mama," sagot ng anak ko. Kumuha ako ng juice para kay Isabelle, kumuha na din ako ng para sakin at kay sir Reagan. "May gusto ka pa bang kainin, anak? Turo mo lang kay mama." Tanong ko sa anak ko kaya agad siyang nagturo. Kinuha ko ang tinuro ni Isabelle na cookies saka kami naglakad ulit. Pupunta na sana kami sa counter para magbayad ng may naisipan pa akong bilhin kaya umikot ulit kami ni Isabelle. Habang hinahanap ko ang pagkain ay biglang may tumikhim sa likod namin ni Isabelle. Lumingon ako dahil baka customer na daan lang, ngunit, laking gulat ko ng makita ko si Jethro sa likuran namin ni Isabelle. "Oh, tama nga ako. Akala ko namamalikmata lang ako. Kamusta ka, Hope?" Naka ngiting sabi ni Jethro. Umatras ako kunti sakanya dahil medyo malapit siya samin ni Isabelle. Itinago ko naman ang anak ko sa likuran ko saka ako napilitang ngumiti kay Jethro. "Ayos lang. Nandito ka pala?" Takang tanong ko. Alam ko kasing sa resort siya nag tra-trabaho. "Oo. Nagbakasyon ako para naman makapag pahinga din. Kaya nandito ako sa Manila, nakikituloy muna ako sa tita ko." Sagot niya sa' kin. "Ahh.. ganun ba." Tanging sagot ko. Tumingin naman si Jethro kay Isabelle saka tumingin ulit sa' kin. "Anak mo? Kamukha mo eh," tanong niya. Nilingon ko si Isabelle na tinatago ang katawan niya pero naka silip naman ang mukha niya. "Ahm.. oo. Anak ko, si Isabelle." Sagot ko. Masarap pala pakinggan kapag sinasabi ko na anak ko si Isabelle. "May-asawa ka na pala?" Gulat niyang tanong sa' kin kaya umiling ako. "Hindi." Tipid kong sagot. Napansin yata ni Jethro na naiilang ako sa tanong niya kaya hindi na siya ulit nagtanong. Umuklo ni Jethro para mag pantay silang dalawa ni Isabelle. Ngumiti siya sa anak ko saka kumaway. "Hi, ako nga pala si tito Jethro mo. Bestfriend ako ng mama mo, diba Hope?" Tanong pa sa' kin ni Jethro kaya tumango ako. Hindi naman sumagot si Isabelle at nagtago lalo sa likod ko. "Ahm, pasensya na.. baka nahihiya lang ang anak ko." Sabi ko na lamang kay Jethro kaya tumayo siya. "Nga pala, Hope.. pasensya na sa nangyari do'n sa resort. Hindi ko talaga alam na may nakalagay do'n sa drinks. Pina-iimbistigahan parin ng management ang nangyari." Sabi sa' kin ni Jethro. Naalala ko tuloy ang nangyari samin ni sir Reagan kaya hindi ako naka sagot kay Jethro. "Galit na galit nga 'yung lalaki mong kasama. Pinahiya niya ako sa madaming tao dahil pinag bintangan niya ako na ako daw ang naglagay no'n sa juice. Hindi ko naman siya masisisi dahil ako ang ang abot sa'yo no'n. Pero malinis konsensya ko, Hope, kaya pumunta kami sa cctv room para malinis ko ang pangalan ko. Napatunayan ko na hindi ako naglagay kaya binayaran ako ng lalaking kasama mo dahil sa pagpapahiya niya sa' kin." Mahabang sabi ni Jethro. Nanlaki naman ang mata ko dahil sa nalaman ko. Wala kasing na banggit sa' kin si sir Reagan. "I'm sorry talaga, Hope. Ano bang nangyari sa'yo no'n at galit na galit ang kasama mong lalaki sa' kin." Tanong niya. Napangiwi ako saka ako nagsalita. "Kalimutan mo nalang 'yun." Sagot ko nalamang. Alangan namang sabihin ko na ni rape ko si sir Reagan. Hanggang ngayon nga ay nahihiya parin ako sa t'wing naiisip ko 'yun. Pero laging nawawala ang hiya ko dahil sa pakikitungo sa' kin ni sir Reagan. Siguro ayaw niya akong mailang sakanya kaya parang balik lang kami sa dati, 'yun nga lang.. alam ko na ang totoong pagkatao niya. Napalingon ako kay Isabelle dahil bigla niyang hinila ng mahina ang damit ko. "Ano 'yun anak?" Tanong ko dahil parang may gusto siyang sabihin sa' kin. "Baka po hinahanap na tayo ni papa, mama." Saad niya sa' kin. "Papa?" Tanong naman ni Jethro. "Sige, Jethro, mauna na kami. May trabaho pa kasi ako," paalam ko at hindi pinansin ang sinabi niya. Nilagpasan namin ni Isabelle si Jethro at tumungo kami sa counter para magbayad. Hindi ko na tuloy na hanap 'yung gusto kong pagkain. Nang matapos na kami ay agad kaming lumabas ng store. Nakita ko pa si Jethro na lumapit din sa counter habang nakatingin samin ni Isabelle. Tumawid ulit kami sa kalsada saka kami pumasok sa companya ni sir Reagan. Lahat ng mga taong nakakasalubong ko ay panay ang tingin samin ni Isabelle. Alam kong ako ang topic nila. Kanina kasing umaga ay pinagtitinginan kaming tatlo ni sir Reagan na pumasok ng companya. Siguro ay nagtataka sila na magkahawak kamay kaming tatlo na parang isang pamilya. Ayaw ko nalang pansinin ang bulong-bulongan ng ibang empleyado na nadadaanan namin ni Isabelle dahil ayaw kong maistress. Bahala silang ma-stress sa' kin ka ka-chismiss. Bumukas ang elevator kaya pumasok kami ni Isabelle habang hawak-hawak ko ang plastic na may lamang juice. Si Isabelle naman ay tahimik na umiinom ng juice niya dahil gusto na daw niya 'tong tikman. May pumasok na dalawang babae sa elevator kaya umatras kami ni Isabelle kunti saka sumara ang pinto ng elevator. Tahimik lang kaming dalawa ni Isabelle na nasa likod ng dalawang babae. "Alam mo 'yung kapitbahay namin, pinasalo 'yung anak niya sa boss niya." Saan ng isang babae sa kasama niya. "Ayy talaga. Ang kapal naman ng mukha kong ganun." Sagot naman ng isang babae. "Oo nga eh, saan kaya kumukuha ng kakapalan ng mukha 'yung kapitbahay kong 'yun. Matapos mabuntis sa iba ipapa-ako sa ibang lalaki. Ay grabe na talaga ang mga tao ngayon," saad n'ong babae habang iniiling pa ang ulo. "True! Malandi lang," natatawang sabi ng isa niyang kasama. "Hayy naku! Hindi halatang malandi siya, girl. Alam mo kung bakit?" Tanong pa niya. Napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Isabelle habang pinipigilan ko ang luha ko. Alam ko kasing pinaparinggan nila ako. Kahit hindi man nila sabihin ng deritso sa' kin, alam kong ako ang tinutukoy nila. "Bakit?" Tanong ng babae. "Hindi makabasag pinggan, girl. Akala moy isang anghel, ang amo pa ng mukha 'yun naman pala nasa loob ang kulo." Natatawang sabi ng babae. Bumukas ang pintuan ng elevator sa 8th floor kaya lumabas ang dalawang babae habang tumatawa parin saka sumara ang pinto ng elevator. Kinurap-kurap ko ang mga mata ko para hindi tumulo ang luha ko. Feeling ko ay namamanhid ang katawan ko dahil sa mga narinig ko, 'yung tipong manghihina ka nalang bigla. Bumukas ang elevator kaya pinahid ko ang luha ko dahil hindi ko talaga mapigilang umiyak. Laking gulat ko ng makita ko si sir Reagan na nakatayo sa harap ng elevator. "Papa!" Tawag agad ni Isabelle kay sir Reagan saka tumakbo palapit sakanya. Kinarga naman 'to ni sir Reagan habang ang mga mata niya ay nakatitig sa' kin. Pilit akong ngumiti kay sir Reagan para hindi niya mahalata na umiyak ako. "Why are you crying?" Tanong niya sa seryosong boses. "Huh? Hindi naman po ako umiyak, sir." Sagot ko saka umiwas ng tingin saka ako lumabas ng elevator. "Don't fool me, mon amour. Alam kong umiyak ka. What happened? Why are you crying?" Tanong niya ulit sa' kin. Hindi ako sumagot sa tanong niya. Ayaw kong lumaki ang gulo dahil baka pag tsismisan na naman ako. "May dalawang bad po, papa, kanina sa elevator." Sagot ng anak ko kaya nanlaki ang mata ko. Lumingon ulit sa' kin si sir Reagan ng marinig niya ang sinabi ni Isabelle. Halata sa mukha niya ang galit kaya napalunok ako ng ilang beses. "Wala po 'yun, sir Reagan. Ano lang p— "Anong sinabi nila sa'yo?" Putol niya sa sasabihin ko. Hindi ako sumagot dahil alam kong magagalit siya. Narinig kong bumuntong hininga si sir Reagan saka 'to nagsalita. "May cctv ang elevator, mon amour." Saad niya kaya napa-angat ako ng tingin. "Wag mong hintayin na pumunta ako ng cctv room para makuha ko ang mukha ng dalawang na kasabay niyo sa elevator," dugtong niyang sabi. "Sa hitsura mo palang kanina nang bumukas ang elevator alam kong nasasaktan ka. At 'yun ang pinaka ayaw kong maramdaman mo. Ayaw kong nalulungkot ka. Sinabi ko na sa'yo di' ba na aalagaan at pro-protektahan kita. Kaya hindi ako makakapayag na hindi kita iganti sa mga taong huhusga sa'yo, kahit pa maging masama ako sa paningin nila, wala akong pakialam ang mahalaga ay ma protektahan kita at si Isabelle. Kaya sabihin mo na sa' kin kung sino ang dalawang 'yun para mapalayas ko sa companya ko," Seryoso niyang sabi habang nagpipigil ng galit. Hindi ko alam ang sasabihin ko kay sir Reagan, nakatitig lang ako sakanya at hindi makapaniwala sa mga sinabi niya sa' kin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD