Chapter 14

2016 Words
Chapter 14 NATARANTA AKO NG PUMASOK si sir Reagan sa elevator kasama si Isabelle. Hindi ko man lang naabutan dahil sa bilis ng pagpasok nilang dalawa sa loob. Kaya heto ako hinihintay na bumukas ang elevator para sundan sila. Alam kong pupuntahan ni sir Reagan ang dalawang babae kanina, baka ituro pa ng anak ko kung sino 'yung dalawang babae na 'yun. Nakahinga ako ng maluwag nang bumukas ang elevator kaya pumasok ako agad saka ko pinindot kung anong floor 'yun. Habang nasa loob ako ng elevator ay nanlalamig ang kamay ko sa sobrang kaba. Halata kasi sa mukha ni sir Reagan na galit na galit talaga 'to. Bumukas ang pintuan ng elevator kaya dali-dali akong lumabas. Napatakbo ako dahil naririnig ko ang ng malakas ang galit na boses ni sir Reagan, pinapagalitan na yata ang dalawang babae. Nang makalapit ako ay nakatalikod si sir Reagan sa gawi ko habang buhat-buhat parin si Isabelle. Nakayuko naman sa harap niya ang mga empleyado sa floor na 'to habang ang dalawang babae ay nasa pinakaharap at nakayuko din. "You have no right to insult Hope. Wag kayong mag malinis dahil baka mas madumi pa kayo kay Hope." Galit na sabi ni sir Reagan. "S-sir.. pasensya na p— "I don't accept your sorry. You too will be fired. And if anyone else I hear say hurtful words to, Hope, I won't regret firing you all. Understand?" Saad ni sir Reagan saka 'to humarap sa gawi ko, nagulat pa yata siya na nandito ako nakatayo. Lumapit siya sa' kin saka hinawakan ang kamay ko at nagsimulang maglakad papuntang elevator. "Why are your handa sweating?" Tanong niya sa' kin. "Paanong hindi pagpapawisan sir Reagan eh, kinakabahan ako sa'yo." Pagsasabi ko ng totoo sakanya. Mahina naman siyang natawa saka dinala ang kamay ko na hawak niya sa kanyang labi at dinampian ng halik ang likod ng palad ko. "Thank you po, papa." Nakangiting sabi ni Isabelle saka hinalikan niya sa pisngi si sir Reagan. "Ang sweet naman ng anak ko," naka ngiting sabi ni sir Reagan kay Isabelle. Pumasok kaming tatlo sa loob ng elevator para bumalik sa floor namin. Nang bumukas ang elevator ay sabay kaming lumabas. Duneritso si sir Reagan sa loob ng opisina niya kasama si Isabelle habang ako ay bumalik sa table ko na nasa labas lang ng opisina ni sir Reagan. Bumalik ako sa ginagawa ko kanina, inaayos ko kasi ang mga folder na bawat department saka ko ibibigay kay sir Reagan para mapirmahan niya. Tinignan ko din kung may mahalaga bang meeting si sir Reagan ngayong week na 'to para hindi ko makalimutan. Dumating ang hapon ay busy akong nag titipa sa keyboard ko dahil may ginagawa akong form. Biglang bumukas ang pintuan ng opisina ni sir Reagan at lumabas silang dalawa ng anak ko. Mahina akong natawa ng makita kong naka sukbit pa sa balikat ni sir Reagan ang bag ni Isabelle na mickey mouse. "Let's go home, mon amour." Naka ngiting sabi ni sir Reagan sa' kin habang hawaka ng kamay ni Isabelle. "Sige po, sir, save ko lang po ang ginagawa ko." Sagot ko saka sinave ang ginagagawa kong form. Inayos ko narin ang gamit ko saka ko pinatay ang computer ko. Tumayo na ako kaya mabilis na hinawakan ni sir Reagan ang kamay ko at sabay kaming naglakad papuntang elevator. Nang makababa kami sa ground floor ay lahat nakakasabayan naming empleyado ay binabati kaming dalawa ni sir Reagan. Naiilang ako dahil ayaw bitawan ni sir ang kamay ko. Nahihiya tukoy akong naglalakad habang nakayuko, baka kasi makita ko na naman ang mga ibang empleyado na nag bu-bulongan. Nalaman ko din kanina na natanggal talaga ang dalawang babae. Chinat kasi ako ng kakilala ko do'n sa department na 'yun at ang sabi sa' kin ay panay daw ang iyak ng dalawa. Hindi ko nalang nireplayan dahil hindi ko alam kung anong isasagot ko. Inangat ko ang ulo ko at nakita ang isang guard na nakatayo sa tabi ng kotse ni sir Reagan at agad na binuksan ang pintuan ng passenger seat. Pinapasok ako ni sir Reagan do'n saka niya binuksan ang pintuan ng backseat para ipasok do'n si Isabelle at ang bag niyang mickey mouse. Hinintay ko lang na makapasok si sir Reagan sa loob ng kotse. Kinusap pa kasi niya ang guard saka 'to pumasok sa loob ng sasakyan at binuhay ang makina saka pinausad 'to. Tahimik lang ako buong byahe habang si Isabelle ay na nonood sa tablet na binili ni sir Reagan para sakanya. Nang makarating kami sa harap ng bahay ni sir Reagan ay agad akong bumaba ng sasakyan. Binuksan ko ang pintuan ng backseat saka ko inalalayan ang anak ko at kinuha ang bag niyang mickey mouse. Kinarga naman agad ni sir Reagan si Isabelle kaya napa-iling nalang ako habang nakasunod sakanila papasok sa loob ng bahay. Habang naglalakad ako ay iniisip ko kung anong lulutuin kong ulam para sa dinner. Baka kasi iba na naman ang sasabihin ni sir Reagan, parang ayaw ko na tuloy magluto ng ulam. Umakyat muna ako sa kwarto para magbihis at para bihisan na din si Isabelle. Nang matapos kami ay bumama ako agad para makapag saing at para magluto ng ulam. Iniwan ko muna sa sala si Isabelle habang binigyan ko siya ng milk at cookies. Habang nag sa-saing ako ay biglang sumulpot si sir Reagan sa likod ko at tinignan ang ginagawa ko. "Anong lulutuin mong ulam, mon amour?" Tanong niya pa sa' kin. "Ahm.. hindi ko pa alam eh, parang ayaw ko ng magluto ng ulam." Naka nguso kong sabi kaya mahinang natawa si sir Reagan. "Masarap naman ang niluto mong nilaga ahh," pambobola niya sa'kin. Mas lalo tuloy akong ngumuso sa sinabi niya. "Hindi naman nilaga 'yun sir Reagan eh, sinigang kaya 'yun." Saad ko kaya napangiwi siya. "Sinigang ba?" Tanong pa niya at nagkukunwaring tumawa kaya inirapan ko siya. "Sorry na mon amour, akala ko kasi talaga nilaga, ganun ka sarap ang luto mo." Pambobola na naman niya sa' kin. "Ewan ko sa'yo, sir Reagan. Hindi na kita ipagluluto ng ulam," naka simangot kong sabi. Nagkamot naman siya sa likod ng ulo niya habang nakayuko. "By the way, bakit sir Reagan parin ang tawag mo sa' kin?" Naka kunot nuong tanong niya sa' kin. "Ano ba dapat? Sir naman talaga ahh," sagot ko saka pinunasan ang kamay ko ng towel. "No. Dapat honey na ang tawag mo sa' kin." Sagot niya kaya mahina akong natawa. "Ayaw ko po, sir." Sagot ko kaya nalukot ang mukha niya. "May sir na nga may po pa." Saad niya na bumuntong hininga pa. "Eh kasi boss ko po kayo eh, kaya dapat lang na galangin kita," sagot ko. "Nanliligaw nga ako diba, mon amour." Saad niya saka masama akong tinignan. Napakamot nalang ako sa isang kilay ko saka lumapit sa ref para maghanap ng malulutong ulam. Bahala si sir Reagan kung ano na naman ang itatawag niya sa lulutuin ko. Nagsimula na akong magluto habang si sir Reagan ay tahimik na nakamasid parin sa' kin. Isang oras lang ay naluto ko ang mechado kaya inayos ni sir Reagan ang mga plato na gagamitin namin saka niya tinawag si Isabelle. Sabay kaming kumain tatlo at napansin ko kay Isabelle na inaantok na. Siguro ay napagod 'to kanina. Nang matapos kaming kumain ay si sir Reagan ang nag presentang maghugas ng pinggan. Kaya binuhat ko nalang si Isabelle para dalhin sa kwarto namin dahil halatang antok na antok na 'to. Mabuti nalang ay nabihisan ko siya kanina. Pumasok kami ng kwarto at agad kong inihiga sa kama si Isabelle. Tumagilid ang anak ko at tuluyang nakatulog 'to. Binuksan ko nalang ang aircon saka ko siya pinatungan ng kumot. Lumabas ako ng kwarto para sana ayusin ang kusina at baka hindi marunong si sir Reagan. Pagkababa ko ay agad akong dumeritso sa kusina, naabutan ko pa si sir Reagan na pinupunasan ang lamesa. Tapos narin siya maghugas ng pinggan, akala ko pa naman ay hindi siya marunong. "Tulog na ba si Isabelle?" Tanong niya sa' kin ng mapansin akong nakatayo. "Opo sir, napagod po yata." Sagot ko. Lumapit naman sa' kin si sir Reagan kaya napayuko ako. Hindi pa ako nakakapag pasalamat sa ginawa niya kanina. "Maaga pa para matulog. Gusto mo manood ng movie, mon amour?" Tanong niya sa' kin kaya nag angat ako ng tingin saka tumango. "Sige. Maghahanda lang ako ng pagkain. Doon nalang tayo sa sala, mon amour." Saad niya saka umalis sa harapan ko. "Mauna ka ng pumunta do'n, mon amour." Pahabol pa niyang sabi kaya naglakad ako papuntang sala saka umupo sa mahabang sofa at hinihintay si sir Reagan. Kinuha ko nalang ang remote para buksan ang tv. Maya-maya lang ay dumating si sir Reagan na may dalang tray na may lamang pagkain at juice. Inilapag niya 'yun sa mesa saka 'to umupo sa tabi ko. "Anong gusto mong panoorin natin?" Tanong niya sa' kin. "Ikaw na po bahala, sir Reagan." Sagot ko. Syempre bahay niya 'to kaya dapat lang siya magdesisyon. Kinuha na din ni sir Reagan ang mga naiwan kong gamit sa apartment ko kahapon. Hindi na nga lang ako sumama dahil nahihiya akong magpakita sa care taker ng apartment. Nanood lang kami ni sir Reagan nang makapili siya ng panoorin. Tahimik lang ako habang kumakain ng chips habang nakatuon ang mga mata ko sa tv. Si sir Reagan naman ay kanina pa inum ng inum ng juice at parang hindi mapakali. Lumingon ako sakanya saka ako nagsalita. "Ayos ka lang po ba, sir Reagan?" Kunot nuo kong tanong. "Ahm, yeah. Nauuhaw lang ako." Sagot niya saka uminom ulit ng juice. Hindi ko alam kung anong nagyayari sakanya dahil halata kasing hindi siya mapakali. "Nga po pala, sir Reagan. Salamat po sa ginawa mo para samin ni Isabelle." Sabi ko kaya napalingon siya sa gawi ko. "You don't need to thank me, mon amour. I already told you, didn't I, I will take care and protect you and Isabelle." Sabi niya saka ginulo ang buhok ko kaya ngumiti ako. "Pero, salamat parin, sir Reagan." Saad ko saka ko siya dinampian ng halik sa pisngi. Mukang nagulat siya sa ginawa ko dahil bigla 'tong hindi gumalaw. Tumingin ulit ako sa tv saka ako sumubo ng chips. Narinig ko naman si sir Reagan na parang may sinasabi, hindi ko nga lang marinig dahil malakas ang volume ng pinapanood namin. Lumingon sa' kin si sir Reagan kaya tumingin din ako sakanya. Kumunot ang nuo ko dahil namumula ang mukha niya. "Okay ka lang po ba, sir Reagan?" Tanong ko saka ko inilapag ang hawak kong babasagin na plato sa mesa. "Hindi ako okay, Hope." Sagot niya habang nakatitig parin sa' kin. "May masakit po ba sa'yo?" Tanong ko naman saka tumayo sa couch para sana kumuha ng gamot at baka masakit ang ulo niya. Ngunit, agad na hinawakan ni sir Reagan ang kamay ko saka ako hinila papunta sakanya. Nahigit ko ang paghinga ko ng mabilis na sinakop ng halik ni sir Reagan ang labi ko. Naka kandong ako sakanya at hindi ko alam kung tutugon ba ako sa halik na ginagawa niya sa' kin. Hindi ko alam sa sarili ko, wala man lang akong naramdamang takot kay sir Reagan kahit pa nga hinahaplos niya ang likod ko habang hinahalikan parin ako. Inangat ko ang kamay ko saka ko hinawakan ang pisngi niya. Ibinuka ko ang bibig ko at tinugon ang halik na iginawad niya sa' kin. Napa-ungol ako sa loob ng bibig ni sir Reagan nang maipasok niya sa loob ng bibig ko ang dila niya at para bang may hinahanap 'to sa loob ng bibig ko. Dahan-dahan lang ang ginagawa namin kaya nakakasabay ako sa ginagawa niyang halik sa' kin. "Uhmmmm.." ungol ko dahil sa pagsipsip niya sa dila ko. Uminit tuloy ang katawan ko sa ginagawa namin ni sir Reagan. Ako ang unang tumigil dahil kinakapos na ako ng hangin, mabilis naman hinabol ni sir Reagan ang mga labi ko at agad na sinakop ng halik. Nakapikit ako habang mahinang hinahaplos ang buhok niya habang tinutugon ko parin ang halik na ginagawa niya sa' kin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD