Chapter 4

1846 Words
Chapter 4 INAAYOS KO ANG mga papeles habang hindi pa dumarating si sir Reagan. Nasa office table ako ng aksidente nahulog ang ballpen sa ilalim ng table ko. Dahil sa naka suot ako ng skirt ay hirap akong yumuko dahil medyo fit sakin kaya tumayo ako sa swivel chair saka ako umuklo para maabot ang ballpen ko sahig. Nang makuha ko ang ballpen ay akmang tatayo na sana ako ng may marinig akong mga boses kaya hindi na muna ako tumayo dahil boses lalaki yun. "Ang hirap naman ng pinapagawa mo sakin, pre!" rinig kong sabi ng lalaki. "Basta gawin mo nalang kasi," sagot ng kausap niya. Alam kung si sir Reagan yun dahil kabisadong-kabisado ko ang boses niya kapag nagbo-boses lalaki kapag kaharap niya ang ibang mga empleyado. "Bakit kasi ayaw mo pang umamin?" tanong ng lalaki na hindi ko alam kung para kay sir Reagan ba ang tanong na yun. Baka kasi may kasama pa pala sila at hindi palang nagsasalita. "Aamin ako pag nalaman ko na ang nakaraan niya," sagot ni sir Reagan. Naguguluhan tuloy ako kung ano ang pinag-uusapan nila. Napag desisyonan ko nalang na hindi muna tatayo dahil ayaw kong makita ang lalaking kasama ni sir Reagan. Narinig ko ang mga yapak nila na naglalakad patungo sa harap ng pinto ng opisina ni sir Reagan. Sunod ko nalang narinig ay ang pag bukas ng pintuan ng opisina at ang pag sara nito ulit. Tumayo ako mula sa ilalim ng table ko saka ko inilapag ang ballpen ko sa table. Kunot nuo akong iniisip ang mga narinig ko kanina. Umupo nalang ako sa swivel chair at agad na bumalik sa pag aayos ng mga files. Baka kasi hingiin na sakin 'to ni sir Reagan mamaya. Habang nag aayos ako ay panay ang tingin ko sa naka sarang pinto ng opisina ni sir Reagan. Unti-unting nanlaki ang mata ko ng may marinig akong tunog na lamesa. Medyo malakas yun kaya rinig na rinig ko. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na may ginagawa ang boss ko at ang lalaking kasama niya sa loob. Palakas ng palakas ang tunog pero hindi ko alam kung bakit ganun nalang ang iniisip ko, baka naman kasi inaayos lang ang office table ni sir Reagan. Kinuha ko nalang ang headset na nasa bag ko saka ko 'to inilagay sa teynga ko. Nag focus nalang ako sa ginagawa ko at hinayaan nalang yung kakaibang tunog na narinig ko kanina. Baka naman kasi papable ni boss yun at nag a-ano sila sa loob. Nang matapos ako sa ginagawa ko at kinuha ko ang maraming folder na naka patong sa table ko. Aayusin ko muna 'to bago ko ibigay sa finance dahil kailangan na nila 'to. Napermhan naman na 'to ni sir Reagan kaya wala ng problema. Pagkatapos kong gawin yun ay agad akong tumayo sa swivel chair ko para ihatid sa finance office saka narin ako de-deritso sa cafeteria. Nagugutom narin ako dahil hindi ako kumain kagabi at kaninang umaga ay nag kape lang ako. Nakarating ako sa harap ng finance office, kumatok na muna ako saka ko binuksan ang pintuan. Inabot ko lang kay Mrs. Cabahit na agad naman siyang nag pasalamat sakin kaya nginitian ko siya saka ako nag paalam sakanya. Tinungo ko ang cafeteria at agad bumili ng makakain, nag timpla narin ako ng kape para magising ang diwa ko. Ang dami ko pa namang gagawin ngayong araw. Mag-isa akong kumakain sa table ng may nagsalita sa likod ko. Lumingon ako at nakita ang boss ko na naka pamulsang nakatingin din sakin. "Nandito ka lang pala," saad niya sakin saka umupo sa bakanteng upuan na nasa harap ko. "Sorry po sir, ang hapdi na ng tyan ko dahil hindi ako kumain kagabi. Hindi ako nakapag paalam po sa'yo dahil may bisita ka," panghihingi ko ng paumanhin. Kumunot naman ang nuo niya saka kinuha ang burger na inorder ko. "Hindi ka kumain kagabi?" tanong niya kaya tumango ako. Inilapit niya ang burger sa bibig ko saka 'to nagsalita. "Kumain ka ng marami. Hindi ba sinabi ko na sa'yo na wag kang magpapalipas ng gutom," seryoso niyang sabi habang ang boses niya ang panglalaki. Kapag talaga ganito siya makipag-usap sakin ay naiilang ako. Mabuti nalang talaga ay alam ko ang totoo niyang pagkatao. "Nakatulog lang naman kasi ako, kaya hindi ako naka kain kagabi," depensa ko saka ako kumagat sa burger na hawak niya. "By the way, I have a business meeting later. Ikaw na muna ang bahala sa company ko," saad niya saka pinunasan ang gilid ng labi ko gamit ang hinlalaki niya. Tumikhim ako at agad iniwas ang mukha ko, naiilang kasi ako sa paraan ng titig niya sakin. "Ahm.. noted po, sir!" sagot ko habang pilit ba ngumiti kay sir Reagan. Inilapag niya ang burger na hawak niya sa styro saka 'to tumayo sa kinauupuan niya. Nakasunod naman ang tingin ko sakanya dahil akala ko ay aalis na siya. Ngunit, naglakad 'to papunta sa counter at kinausap ang crew na nag babantay ng pagkain. Hindi ko marinig ang sinasabi ni sir Reagan dahil nasa dulo ako naka pwesto. Bumalik si sir Reagan sakin na may dalang tray na punong-puno ng iba't-ibang pagkain at may kasam pang ice tea. Inilapag niya yun sa table saka niya 'to inayos sa harapan ko. "Ubusin mo lahat 'to ha! Kahit wag ka ng bumalik sa trabaho mo, kumain ka lang ng kumain dito, Hope." seryoso niyang sabi habang inaayos ang mga pagkain na inorder niya. Dumating pa ang isang crew na may hawak pa ng isang tray at inabot niya yun kay sir Reagan. "Bibitayin mo po ba ako sir?" kunot nuo kong tanong sakanya dahil ang daming pagkain na binili niya. Feeling ko 'to na yata ang huling kain ko at pagkatapos nito ay bibitayin na ako. "No! Gusto ko lang mabusog ka ng mabuti. Ubusin mo yan, okay?!" saad niya kaya napilitan akong tumango. "I have to go, Hope. Enjoy your foods!" saad niya saka niya hinaplos ang buhok ko at umalis sa harap ko. Napakamot tuloy ako sa likod ng ulo ko habang nakatitig sa mga pagkain na nasa harapan ko. "Pano ko 'to uubusin!!" saad ko sa sarili ko. Wala pa naman akong close masyado dito sa companya, kaya wala akong matatawag para tulongan akong kumain. Pambihira naman kasi 'tong boss ko kung makabili ng pagkain ay parang pang sampung tao ang kakain. Kumain nalang ako at halos masuka-suka na dahil sa kabusugan. Pinipilit ko paring kumain kahit hindi na kaya ng tyan ko. Yung ibang pagkain na pwede kung bitbitin ay itinabi ko na para mamaya ko. Pero 'tong mga kanin at ulam ay kinakain ko. Sayang naman kasi, libre na nga lang tapos hindi ko pa kakainin. Napaka swerte ko talaga sa boss ko. Yung ibang mga classmate ko na nakaka chat ko sa grouo chat namin ay panay reklamo sa napasukan nilang companya. Kesyo masungit daw ang boss nila, maliit pa daw mag pasahod at kapag na lalate daw sila ay bawas daw agad ang sahod kahit pa nga daw two minutes late lang daw. Mabuti nalang at hindi ganun si sir Reagan sakin. Kahit pa nga umabsent ako ay may sahod parin ako. Libre din ang pagkain ko at pati sa apartment ko, si sir Reagan ang nag babayad ng upa. Every month din may pa grocery din sakin si sir Reagan kaya hindi ako na momoroblema sa gastusin. Halos lahat libre sakin. Akala ko nga dati ay lahat ng empleyado ni sir Reagan ay ganun ang offer niya. Mabuti nalang at wala akong pinagsabihan na kahit sino dito sa companya dahil nalaman ko na ako lang pala ang libre sa lahat. May minsan kasi na naitanong ko kay Ma'am Cabahit kung every month ba may pa grocery si sir Reagan. Mabuti nalang at ganun ang pagkakasabi ko dahil wala naman pala silang ganun. Hindi din daw sagot ni sir Reagan ang apartment nila at mas lalong walang bayad kapag umabsent sila. Tinanong ko pa si sir Reagan kung bakit ako lang ang libre pero ang ibang mga empleyado ay wala. Ang sagot lang niya ang special daw ako dahil alam ko daw ang sikreto niya. Kaya naman pala may pa special treatment siya sakin. Sumikip tuloy ang suot kong skirt dahil sa kabusogan ko. Hindi na muna ako tumayo agad at inayos ang mga plate na pinagkainan ko saka ko yun inilagay sa tray. Tumayo ako sa upuan at halos hindi ako makahinga sa kabusogan. Pinipilit ko pa nga na dumighay ngunit hindi ko magawa. Kinuha ko muna ang mga pagkain na itinabi ko kanina saka ako nag simulang maglakad palabas ng cafeteria. Dahan-dahan lang ang bawat hakbang ko at baka sumakit ang tagiliran ko. Sumakay ako sa elevator ng makita kong naka bukas yun. May dalawang babae sa loob kaya gumilid ako saka ko pinindot kung saan floor ako. Tahimik lang ako sa loob ng elevator habang ang dalawang babae ay panay tawa sa tabi ko habang nag-uusap. "True, sis. Ang gwapo ng lalaki kanina," saad ng isang babae na kilig na kilig pa talaga 'to. "May gwapo talaga mga kaibigan ni sir Reagan. Syempre, gwapo siya eh kaya hindi na nakakapagtaka," sagot naman ng isang babae. Mukang bago yata ang dalawang 'to dahil ngayon ko palang sila nakita dito sa companya. At lahat din naman ng nakaksalubong ko ay binabati ako or nginingitian kahit pa nga hindi ako nakikipag halubilo masyado. "Sabi ng ate ko naging classmate daw niya si sir Reagan dati nong high school sila. At talagang habulin daw 'to ng babae," saad ng babae. Mataman lang akong nakikinig sakanila habang hinihintay na makarating ako sa floor kung saan ang office ni sir Reagan. Bumukas ang pintuan ng elevator saka lumabas ang dalawang babae na nag kwe-kwentuhan parin tungkol kay sir Reagan. Napa-iling nalang ako sa dalawang babae, kung alam lang nila na eva si sir Reagan, baka sabihin pa nila na sayang. Nang makarating ako sa floor kung saan ang office ni sir Reagan ay agad akong naglakad papunta sa table ko. Nasa labas lang kasi ang office table ko, kaya dadaan muna sakin lahat ng bibisita kay sir Reagan bago sila makapasok sa loob ng office ni sir. Dati, walang comfort room dito sa floor na 'to, kay ang dati daw na secretary ni boss Reagan ay bumaba pa daw sa ibang floor para lang mag banyo. Pero, nong ako na ang naging secretary ni sir Reagan ay pinagawan niya ako ng sarili kong banyo dito sa floor. Meron pa nga siyang pinagawang isang kwarto na para sakin. Para daw pag inantok ako ay pwede daw ako matulog don. Hindi pa ako nakakapasok sa kwartong yun dahil nakakahiya naman kung matutulog lang ako dito sa companya habang sinasahuran niya ako. May hiya naman din akong taglay. Kaya nga binubuhos ko ang oras ko sa trabaho at ginagawa ang lahat ng effort para matapos ang mga trabaho ko. Ang swerte ko na kasi sa boss ko kaya dapat lang na suklian ko ang pagiging mabait niya sakin. Wala na akong makikitang boss na katulad kay sir Reagan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD