Chapter 5

1796 Words
Chapter 5 NAG-AAYOS AKO NG MGA dadalhin kung damit para sa three days na business meeting ni sir Reagan. Isinama niya ako dahil kailangan daw niya ng tulong ko. Minsan kasi kapag may business meeting siya, hindi niya ako pinapasama. Hinahabilin niya lang sa 'kin ang company niya habang wala daw siya. Hindi naman ako umangal na isasama niya ako dahil gusto kong tulungan siya. Sobrang bait ni momshie sa 'kin kaya dapat lang suklian ko ang mga tulong niya. Susunduin ako dito ni sir Reagan sa apartment kaya nag mamadali akong mag-ayos ng gamit. Nakakahiya naman kung paghihintayin ko siya dahil hindi pa ako prepared. Nakabihis naman na ako, para pag nandito na si sir Reagan deritso gora na. Umupo nalang muna ako para icheck ang laman ng bag ko at baka may nakalimutan akong ilagay. Natatawa nga ako sa sarili ko, three days lang naman ang business meeting pero maleta ang pinaglagyan ko sa mga gamit ko. Ang dami ko kasing pinaglalagay na damit. Mahilig kasi ako sa cardigan kaya nagdala narin ako. Sigurado ako pag nakita ni sir Reagan ang dala kong maleta ay pagtatawan ako nito. Hinihintay ko lang ang pagdating ni sir Reagan habang nag susuklay. Balak ko kasing talian ang buhok ko na ngayon ko lang ulit gagawin. Lagi kasing naka lugay ang buhok ko dahil lagi kong tinatakpan ang leeg ko. Hindi ko talaga makalimutan ang nangyari sakin dati na nag bigay ng takot sakin hanggang ngayon. Lagi nga akong tinatanong ni sir Reagan kung bakit takot na takot ako sa mga lalaki. Hindi ko masagot-sagot ang tanong niya dahil bumabalik sa alaala ko ang nangyari sakin. Gusto ko ng kalimutan ang nakaraan ko. Ngunit, hindi ko magawa-gawa dahil sa trauma. Narinig ko ang mahinang katok sa labas ng pinto ko at ang boses ni sir Reagan. Sakto naman na naitali ko narin ang buhok ko. Tumayo ako saka ako naglakad papunta sa pinto para pagbuksan si sir Reagan. Nang mabuksan ko ang pintuan ay nakita ko ang mukha ni sir Reagan na natigilan habang titig na titig sa nakatali kong buhok. Sigurado ako na magtataka 'to dahil ngayon niya lang ako nakitang nagtali ng buhok. Tumikhim si sir Reagan sa harap ko sabay iwas ng tingin sa 'kin. "First time kitang nakitang nakatali ang buhok, Hope. Anong nakain mo?" Maarte niyang tanong sa 'kin na may kasamang pilantik sa mga daliri niya. "Ang init po kasi, sir Reagan." Sagot ko saka niluwagan ng bukas ang pintuan para makapasok siya sa loob. Sumunod naman sa 'kin si sir Reagan na agad nag mura ng makita ang dala kong maleta. "Bakit maleta dala mong bruha ka?" Tanong niya kaya napakamot ako sa gilid ng nuo ko. "Eh, ang dami ko kasing importanteng dalhin, sir Reagan," sagot ko saka kinuha ang shoulder bag ko na naka patong sa upuan. "Parang sa ibang bansa ka pupunta ahh," saad ni sir Reagan saka kinuha ang maleta ko. "Wag mo na nga akong asarin, sir." Nakanguso kong sabi. Naunang lumabas si sir Reagan dahil sinigurado ko munang walang naka saksak na appliances. Mahirap na, baka magkasunog dahil sa 'kin. Baka mabitay ako ng mga kapitbahay kong tenant. Lumabas narin ako ng apartment saka inilock ang pinto. Sabay kaming bumaba ng hagdan ni sir Reagan na panay ang reklamo sa 'kin dahil ang bigat daw ng maleta ko. Nasisira daw kasi ang beauty niya habang nagbubuhat. Napaka arte talaga! Hindi naman masyadong mabigat ang maleta ko. Nang makalabas kami ng apartment ay agad kaming lumapit sa kotse niya na naka park sa gilid ng kalsada. Akmang bubuksan ko na sana ang pinto ng passenger seat ng maunahan ako ni sir Reagan. Binuksan niya ang pintuan kaya agad akong pumasok do'n at nagpasalamat sakanya. Tango lang ang sagot niya sa 'kin saka niya isinara ang pinto at pumunta sa likod ng kotse para ilagay ang maleta ko. Hinintay ko lang na makapasok si sir Reagan sa driver seat habang kinakabit ko ang seatbelt. Pumasok si sir Reagan sa loob ng kotse na agad binuhay ang makina saka pinausad 'to. "Sa Ilocos lang tayo pupunta, pero ang dala mong gamit pang Canada na!" Sabi ni sir Reagan habang naka focus ang tingin sa daan. "Wag mo na ngang asarin ang maleta ko momshie," nakanguso kong sabi. "May binili akong pagkain," saad niya kaya lumingon ako sa backseat. Nakita ko ang dalawang malalaking paper bag kaya inabot ko ang isa no'n. Napangiti ako ng makita ko ang favorite kong chichirya. Alam na alam talaga niya ang gusto ko. "Thank you, sir Reagan." Nakangiti kong pasasalamat saka ko binuksan ang chichirya. "May banana chips din akong binili dyan," saad ni sir Reagan sa 'kin. Kumuha ako ng chips saka ko inilapit ang kamay ko sa bibig ni sir Reagan. Hindi naman niya 'to tinanggap habang palipat-lipat ng tingin sa 'kin at sa daan. "Wag ka ng maarte, momshie. Ako na muna ang magsusubo sa'yo. Mamaya ka nalang magpasubo ng pagkain sa papable pagdating natin sa Ilocos." Nakangiti kong sabi. Ngumiwi naman siya saka tinanggap ang chips. Kumuha din ako ng chips saka ko kinain yun. Kumuha na naman ako ulit saka ko sinubuan na naman si sir Reagan. Hindi naman na 'to umangal, hindi katulad kanina na ngumiwi pa sa 'kin. "Bakit biglaan ang business meeting na 'to, sir Reagan?" Tanong ko sakanya. "May gustong mag invest sa company kaya hindi ko na 'to palalampasin." Sagot niya sa 'kin habang naka focus parin ang mga mata niya sa daan. Tango lang ang sagot ko saka kumain ulit ng chichirya. Napa-ubo ko dahil nasamid ako bigla sa kinakain ko. Naramdaman ko namang huminto ang sasakyan namin kaya tumingin ako sa labas ng bintana at nakitang iginilid ni sir Reagan ang sasakyan namin. Lumingon si sir Reagan sa backseat saka may kinuha do'n. Iniabot niya sa 'kin ang juice na agad ko namang tinanggap. Feeling ko nakabara sa lalamunan ko ang chips na kinain ko. "Dahan-dahan sa pagkain, Hope." Seryosong sabi ni sir Reagan habang nakatitig parin sa 'kin. "Are you okay now?" Tanong niya sabay haplos sa isang pisngi ko. "Opo, sir. Pasensya na," saad ko habang umubo ng isang beses. Meron pa kasing nakabara sa lalamunan ko kaya pilit kong inuubo 'to. Nang makita ni sir Reagan na maayos na ako ay agad niyang pinausad ulit ang sasakyan. Ininom ko nalang ulit ang juice ng deri-deritso. Napangiwi ako ng makaramdam ako na parang naiihi ako. Kainis naman kasi, ang dami kong ininum na juice. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba kay sir Reagan na maghanap mung cr. Baka naman kasi hinahabol niya na makarating kami agad sa Ilocos. Ngunit, naiihi na talaga ako. Hindi ako mapakali sa upuan habang ang mga legs ko ay pinagdikit ko para pigilan lumabas ang ihi ko. Napansin yata ni sir Reagan na hindi ako komportable kaya panay siya lingon sa 'kin. "May problema ba?" Tanong niya habang palipat-lipat ng tingin sa 'kin at sa daan. "Ahm.. naiihi ako momshie," nakanguso kong sabi dahilan para matawa si sir Reagan sa 'kin at mabilis na pinaharurot ang kotse. Hindi nagtagal ay huminto ang sasakyan namin sa harap ng isang hotel. Kumunot ang nuo ko sa pagtataka. May lumapit na babae sa kotse namin na nakasuot ng uniporme saka 'to yumukod. "Sir, naiihi ako. Bakit sa hotel ka naman pumunta? Pwede naman ako maki banyo sa gas station eh," reklamo ko kay sir Reagan. Ang sosyal naman kasi ng hotel na pinuntahan namin. "Don't worry, sa kapatid ko ang hotel na yan," sagot niya. "Mag banyo ka na. Baka maihi ka dito sa sasakyan ko," natatawa niyang sabi kaya inirapan ko siya. Bumaba ako ng kotse at agad akong inassist ng babae na naka uniform. Dali-dali akong pumasok sa loob ng bathroom dahil lalabas na talaga ang ihi ko. Baliw talaga 'to si sir Reagan, pwede naman na sana akong umihi sa public cr. Napaka arte talaga ng baklang yun. Nakahinga ako ng maluwag ng maka-ihi na ako. Nag hugas lang ako ng kamay saka ipinalibot ang tingin sa kabuuan ng banyo. Ang ganda naman kasi. Ngunit, ngayon ko lang nalaman na may kapatid pala si sir Reagan. Ang akala ko kasi ay only child lang siya. Hindi ko pa nga din nakikita ang mga magulang ni sir Reagan. Ang alam ko lang ay may malaking business din ang daddy niya. Lumabas nalang ako ng banyo at baka mainip si momshie sa 'kin at iwan ako dito sa hotel. Nag pasalamat lang ako sa babaeng nag assist sa 'kin saka ako tuluyang lumabas ng hotel. Nakaparada parin ang sasakyan ni sir Reagan sa harap ng hotel kaya agad akong lumapit sa kotse. Binuksan ko ang pintuan ng passenger seat saka ako pumasok. "Thank you po sir Reagan," saad ko ng makapasok ako sa loob. Tumango lang siya sa 'kin at agad binuhay ang makina ng kotse saka niya pinausad 'to. Tahimik lang akong nakaupo habang nakatingin sa bintana. Ayaw ko ng kumain o uminom ng juice at baka maiihi na naman ako. Unti-unti ay nakaramdam ako ng antok, panay din ang hikab ko kaya napilitan akong isandal ang ulo ko sa gilid. Bahala si sir Reagan kung wala siyang kausap buong byahe, inaantok talaga ako eh, hindi ko na mapigilan ipikit ang mga mata ko. Hindi ko na malayan na nakatulog pala talaga ako. Nagising lang ako dahil kinurot ni sir Reagan ang pisngi ko kaya na gising ako. "Aray naman, momshie." Reklamo ko sakanya. "Tinulugan mo lang ako buong byahe," saad niya kaya minulat ko ang mga mata ko at napakurap-kurap ng ilang beses dahil sobrang lapit ng mukha ni sir Reagan. Sa sobrang lapit nito ay amoy na amoy ko ang mabangong hininga niya. Umiwas nalang ako ng tingin kay sir Reagan at tumingin nalang sa labas. "Nandito na po ba tayo, momshie?" Tanong ko. "No. Let's eat first. Baka magutom ka sa byahe natin," saad niya saka lumayo sa 'kin ng kunti. Tumango nalang ako saka nag inat ng katawan. Akala ko pa naman ay nakarating na kami. Ang sakit na ng pang-upo ko eh. Nagulat ako ng makita ko ang isang malaking unan na nakatayo sa gilid ng bintana ko. Ngayon ko lang napagtanto na may unan do'n, kanina kasi wala naman yun. Kaya naman pala ang lambot kanina ng magising ako. Si sir Reagan yata nag lagay nito sa gilid ko para maging komportable ako. Lumabas ng kotse si sir Reagan saka umikot papunta sa passenger seat. Inayos ko na muna ang unan at inilagay ko yun sa backseat. Binuksan naman ni sir Reagan ang pintuan ng kotse kaya bumaba narin ako. Napaka gentleman talaga nitong si momshie kaya minsan talaga ay nagdududa ako kung bakla ba talaga siya. Wala talaga sa hitsura niya eh, ang galing niyang mag balat-kayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD