Chapter 6

1998 Words
Chapter 6 NAKARATING KAMI sa Ilocos ni sir Reagan at agad kaming dumeritso sa isang sikat na beach resort dito. Nandito kasi ang ka business meeting ni sir Reagan na hindi ko alam kung sino. Tag-isang room naman kami ni sir Reagan kaya pumasok na ako sa room ko. Hindi na ako pinasama ni sir Reagan, magpahinga nalang muna daw ako. Humiga ako sa malambot na kama habang tanaw na tanaw mula dito sa kwarto ko ang magandang beach. Ang sarap siguro maligo mamayang hapon. Hindi naman sinabi ni sir Reagan na dito pala kami pupunta sa beach resort eh di sana naka dala man lang ako ng damit na pwedeng panligo. Ayaw ko ng bikini kaya ayos na siguro ang rash guard. Pero dahil wala akong dala, mag sho-short nalang ako, pa-partneran ko nalang ng tshirt. Nakatanaw parin ako sa labas ng tumunog ang tyan ko. Balak ko sanang umorder ng pagkain pero naisip ko nalang na lumabas ng kwarto para naman maka langhap ako ng preskong hangin. Nagpalit nalang muna ako ng damit at kinuha ang hindi masyadong maikling short saka ako kumuha ng blouse. Inilugay ko ang buhok ko na nakatali kanina saka ko 'to sinuklayan para naman mag mukha akong tao. Kinuha ko lang ang wallet ko tsaka cellphone saka ako lumabas ng room ko. Sumakay lang ako ng elevator para magpahatid sa lobby. Maghahanap ako ng makakainan sa labas dahil nakita ko kanina nong pumasok kami sa hotel na 'to ay may mga nagtitinda ng mga pagakain na naka pwesto sa mga kubo. Bumukas ang pintuan ng elevator kaya agad akong lumabas at nag lakad palabas ng entrance ng hotel. Palinga-linga ako sa paligid kung saan ako unang pupunta. Nakita ko na may mga restaurant din pala na mamahalin dito pero halatang hindi ko afford kaya doon nalang ako sa mga kubo-kubo kanina. Sana may mga inihaw silang tinitinda dahil matagal na akong hindi nakakain n'on. Gusto ko ng inihaw na pusit kaya yun talaga ang unang hahanapin ko. Bumaba ako ng hagdan para puntahan yung mga kubo na nadaanan namin kanina. Ngunit, napahinto ako ng may mahagip ang paningin ko sa isang restaurant. Kitang-kita mula dito sa kinatatayuan ko si sir Reagan. May kasama pa siyang magandang babae. Naka sideview sila sa gawi ko kaya hindi ko masyadong makita ang mukha ng babae pero sa kutis palang niya ay halatang maganda at mayaman. Nanlaki ang mga mata ko ng hawakan ng babae ang balikat ni sir Reagan saka pinisil 'to. Ngunit, agad tinaggal ni sir Reagan ang kamay ng babae na nasa balikat niya saka niya pinagpagan ang balikat niya. Siguro nandidiri 'to na hinawakan ng babae. Si momshie talaga! Biglang bumilis ang t***k ng puso ko ng lumingon si sir Reagan sa gawi ko. Kahit medyo malayo ako ay nag kasalubong parin ang aming tingin. Hindi ko nga alam kung bakit bigla nalang nagkaganito ang puso ko. Hindi naman ako kinakabahan ahh. At tsaka, bakit naman ako kakabahan. Tumayo si sir Reagan saka 'to lumabas ng restaurant. Hindi ko tuloy alam kung aalis naba ako or hihintayin ko siya. Papunta kasi siya sa 'kin at iniwan niya ang babaeng kasama niya sa loob ng restaurant. "Where are you going?" Tanong niya sa 'kin saka bumaba ang tingin niya sa suot kong short. "At bakit ka nakasuot ng short? Masyadong maikli," saad niya sa 'kin. Napakaseryoso pa ng mukha niya habang ang panga nito ay gumagalaw. "Hindi naman maikli momshie eh. Ay!! sir Reagan pala," saad ko. Minsan talaga nakakalimutan ko na bawal siyang tawagin ng momshie pag nasa public place kami. "Magpalit ka ng damit mo. Mag pantalon ka nalang. Alam mo bang ang daming lalaki na pakalat-kalat dito sa resort?" Sa k niya sa galit na boses. Bigla tuloy akong natigilan sa sinabi ni sir Reagan. Tama siya, ang dami nga palang lalaki dito. Kasi naman eh, gusto kong kumain ng inihaw na pusit kaya nawala sa isip ko. "Ahm.. oo nga pala," sagot ko nalamang kay sir Reagan. "Saan ka ba kasi pupunta?" Tanong niya sa 'kin. "Ahm.. gusto kong kumain ng inihaw na pusit sir Reagan. Pupunta sana ako do'n sa nadaanan nating kubo kanina," saad ko kay sir. Bumuntong hininga naman siya saka hinawakan ang kamay ko. "Samahan nalang kita. Baka mapano ka pa." Sabi niya. "Papano yung kasama mong babae, sir?" Tanong ko habang naglalakad dahil hinila ako ni sir Reagan pababa ng hagdan. "Hayaan mo siya. Ang importante ay masamahan kita sa cravings mo," saad niya na hindi man lang lumingon sa 'kin. "Akala ko ba importante siyang cliente, sir Reagan?" Tanong ko ulit sakanya. "Importante nga, pero mas importante ka sa 'kin." Sagot niya na ikina-init ng pisngi ko. Bakit ba ako nagkakaganito. Habang naglalakad kami ni sir Reagan ay magkahawak parin ang kamay naming dalawa. Naiilang ako pero ang sarap sa pakiramdam ng kamay ni sir Reagan. Feeling ko.. safe ako kapag hawak niya ang kamay ko. Natatawa pa ako kay sir Reagan ng may madaanan kaming grupo ng mga lalaki na nakaupo sa buhangin. Inilipat ako ni sir Reagan sa kabilang side niya saka hinarangan ang katawan ko para siguro hindi ako mailang sa mga tingin ng mga lalaki na nakatambay. Tanaw ko na ang kubo mula dito sa kinatatayuan namin ni sir Reagan. Amoy na amoy ko narin ang usok ng inihaw kaya tumunog ang tyan ko. Nang makarating kami ni sir Reagan ay agad kaming humanap ng pwesto. Pinili niya yung table na hindi masyadong nadadaanan ng tao. "Dito ka lang muna. Ako na ang oorder ng pagkain," saad sa 'kin ni sir Reagan. "Sige po sir," sagot ko. Umalis siya sa harap ko saka 'to pumunta sa isang lalaki na nag-iihaw. Inilibot ko ang tingin sa paligid at napansin na marami din palang kumakain dito. Sa unahan pa nga ay may nag vi-videoke kaya sobrang ingay. Tumingin ako sa dagat na kumikinang dahil sa sikat ng araw. Tirik na tirik kasi ang araw kaya mamaya nalang ako hapon maligo. Yayain ko narin si momshie para naman may kasama akong maligo. Habang hinihintay ko si sir Reagan na umoorder ng pagkain ay kinuha ko ang cellphone ko saka ako pumunta sa camera ko. Itinaas ko ang cellphone ko para picturan si sir Reagan na nag papay-pay ng inorder niya. Tumingin sa 'kin si sir Reagan kaya agad kong tinago ang cellphone ko saka ngumiti sakanya. Kumunot pa talaga ang nuo nito kaya mahina akong natawa. Ilang saglit lang ay lumapit sa 'kin si sir Reagan saka 'to umupo sa katapat kong upuan. Pawis na pawis pa 'to dahil siguro sa ginawa niya kanina na pagpapaypay. "Bakit ka naman nag iihaw do'n, sir Reagan?" Tanong ko sakanya. "Umalis si kuya saglit eh para icheck kong meron pa silang liempo," sagot niya sa 'kin saka nagpahid ng pawis. Kumuha ako ng tissue na nasa harap ko saka ko pinunasan ang nuo niya na may pawis. Natigilan pa talaga 'to sa ginawa ko pero pinagpatuloy ko parin naman ang ginagawa ko. "Sir, swimming tayo mamaya," aya ko sakanya. "Wag mong sabihing mag susuot ka ng swim wear?" Tanong niya sa 'kin. "Hindi po ahh, mag sho-short lang po ako tsaka tshirt." Sagot ko sakanya. "Masyadong maikli. Wala bang mas mahaba dyan sa short mo?" Tanong niya sa 'kin. "Above the knee naman po sir ahh," sagot ko saka pinakita ang short ko. Inilabas ko pa talaga ang isa kong binti sa labas ng lamesa para makita niya. "Maikli parin," saad niya habang nakakunot ang nuo. "Ewan ko sa'yo, sir Reagan." Sagot ko nalang saka ibinalik ang binti ko sa loob ng mesa. Dumating na ang mga inorder ni sir Reagan kaya mas lalo akong naglaway ng makita ko ang mga inihaw niyang inorder. "Thank you, sir Reagan." Nakangiti kong sabi sakanya. Tumayo ako para sana maghugas ng kamay, gusto kong mag kamay kumain. Nang makahugas ako ng kamay ko ay bumalik ako agad sa pwesto ko. Kumuha ako ng kanin saka kumuha ng inihaw na pusit saka liempo. May inihaw din na isda, at meron din baked tahong. Ganado akong kumain habang nagkakamay, 'to naman si sir Reagan ay naka kutsara pa kaya mahina akong natawa. "Kamayin mo kaya, sir Reagan. Mas masarap kapag naka kamay," saad ko habang pinapakita ang kamay ko na may kanin at ulam. Inilapag naman ni sir Reagan ang kutsarang hawak niya saka niya ako ginaya. Kumain kaming dalawa at kung ano-ano lang ang pinag-uusapan namin. Niloloko ko pa nga na baka may mahanap siyang papable dito sa resort dahil ang daming mga tourist, madaming mga banyaga dito kaya sigurado akong makaka jackpot si momshie. Nang matapos kaming kumain ay naglakad-lakad na muna kami ni sir Reagan para bumaba ang kinain namin. Ang bigat ng tyan ko sa dami ng nakain ko kanina. Pinilit kong ubusin ang mga pagkain, sayang naman kasi kung hindi ko uubusin. "Gusto mo bang kumain ng dessert?" Biglang tanong ni sir Reagan sa 'kin na ikina-iling ko. "Ahm.. pwede bang bukas nalang ang dessert, sir? Wala ng space sa loob ng tyan ko eh," nakanguso kong sabi sabay turo sa tyan ko. "Napakatakaw mo kasi," sagot niya saka ginulo ang buhok ko. "Balik ka na muna sa room mo. Mamaya na tayo mag s-swimming," saad niya na ikinatango ko. Bumalik ako sa hotel room ko habang si sir Reagan naman ay bumalik sa restaurant kung saan ko siya nakita na may kasamang babae. Hindi ko alam pero bigla akong nalungkot. Hindi ko nga din alam kung saan ako nalulungkot. Siguro ay hindi lang ako sanay na may kasamang ibang babae si sir Reagan bukod sa 'kin. May nakakahubilo naman si sir na ibang babae pero laging kasama ako, ngayon lang yung hindi. Humiga ako sa kama ng makapasok ako sa hotel room ko. Sa sobra ko sigurong ka busugan ay nakaramdam ako ng antok hanggang sa hindi ko na mapigilan ang pamimigat ng talukap ko. Nagising lang ako dahil sa ingay ng cellphone ko. Napabalikwas ako ng bangon saka tumingin sa labas ng bintana. Madilim na pala, mukang napahaba yata ang tulog ko. Kinuha ko ang cellphone ko na nasa kama saka ko tinignan kung sino ang tumatawag. Nakita ko ang pangalan ni sir Reagan kaya agad kong sinagot ang tawag niya. "Hello po, sir Reagan." Bati ko ng masagot ko ang tawag niya. "Where are you? Kanina pa ako tawag ng tawag sa'yo, Hope. Akala ko napano ka na." Saad niya na halatang nag-aalala ang boses nito. "Ahm.. sorry po sir. Nakatulog lang po ako kaya hindi ko namalayan na tumatawag ka po," saad ko sakanya. Hindi naman siya sumagot sa sinabi ko. Napasinghap ako ng biglang may kumatok sa labas ng pinto ko. "It's me, Hope. Open the door," saad ni sir Reagan kaya agad akong bumangon sa kama saka lumapit sa pinto para pagbuksan si sir Reagan. Bumungad sa 'kin ang nag-aalalang mukha ni sir Reagan habang nakatitig sa 'kin. Bumuga 'to ng hangin saka inabot ang buhok ko. Inayos niya 'to saka siya nagsalita. "Akala ko ba gusto mong mag swimming tayo?" Tanong niya sa 'kin. "Oo nga pala, momshie. Sige, wait lang. Magpapalit lang ako ng damit," saad ko kay sir Reagan saka bumalik sa loob ng kwarto. Naghanap lang ako ng tshirt na pwedeng ipartner sa short. Nagbihis lang ako ng damit saka ko itinali ang buhok ko. Mabilis ang ginagawa kong galaw dahil nasa labas si sir Reagan. Baka mainip pa sa 'kin at baka biglang hilain ang buhok ko. Lumabas ako ng hotel room kaya tumingin si sir Reagan sa gawi ko. Bumaba ang tingin niya sa 'kin saka 'to ulit tumingin sa buhok ko na naka messy bun. "Tara na, momshie." Aya ko sakanya at hindi nalang pinansin ang tingin niya sa 'kin. Nauna pa talaga akong pumasok sa elevator dahil naiilang ako sa titig ni sir Reagan. Hindi naman ako ganito dati kaya nagtataka ako kung bakit. Minsan din bumibilis ang t***k ng puso ko lalo na kapag nagkakasalubong ang tingin naming dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD