Chapter 7

2155 Words
Chapter 7 DALAWANG ARAW NA kami ni sir Reagan dito sa Ilocus at bukas ay uuwi na kami. Nandito ako sa labas habang umiinom ng kape mag-isa. Hindi ko alam kung nasaan si sir Reagan, baka tulog pa 'to dahil masyado pa namang maaga. Nakatanaw ako sa dagat habang humihigop ng kape saka ko kinuha ang cellphone ko na naka patong sa table para kumuha sana ng picture. Nakayuko ako habang binubuksan ang password ng cellphone ko. Naramdaman kong may nakatitig sakin kaya nag-angat ako ng tingin para makita kong sino yun. Kumunot ang nuo ko habang titig na titig ako sa mukha ng lalaking nakatayo sa harap ko. "Hope.. ikaw ba yan?" tanong niya sakin. Napakurap-kurap ako ng ilang beses bago ako nagsalita. "Jethro?" saad ko na parang hindi sure kung siya ba talaga. Kababata ko kasi siya hanggang sa mag college kaming dalawa. Ngunit umalis 'to sa probinsya namin ng biglaan at pumunta ng Manila. "Ako nga. Kamusta kana?" naka ngiti niyang tanong sakin at akmang lalapit 'to sakin. "Teka.. pwede bang wag ka masyadong lumapit sakin. Kahit dyan ka nalang," saad ko habang nakataas ang isa kong kamay na parang pinipigilan siya. "Bakit naman?" takang tanong niya sakin. "Dahil babalian kita ng buto kapag lumapit ka kay Hope." Napalingon ako sa likuran ko ng marinig ko ang boses ni sir Reagan. Masama itong naka tingin kay Jethro kaya agad akong tumayo para lumapit kay sir Reagan. Ewan ko ba.. kapag katabi ko si sir Reagan ay safe na safe ako. "Ahm.. kababata ko po siya sir Reagan," malumanay kong sabi kay sir ng makalapit ako sakanya. Palipat-lipat naman siya ng tingin sakin at kay Jethro. "Kamusta kana, Hope? Anong balita sa'yo?" tanong bigla ni Jethro kaya lumingon ako sakanya ngunit medyo malayo ang distansya namin. "Okay lang naman," tipid kong sagot. "Dito ako sa resort nag tra-trabaho. Hindi ko akalain na makikita kita ulit, Hope." naka ngiti niyang saad sakin. Ngumiti ako sakanya ng pilit saka ako lumingon kay sir Reagan na seryosong nakatitig parin kay Jethro. "Mamayang gabi may event na gaganapin dito. Punta ka, Hope. Ako bahala sa'yo katulad ng mga bata pa tayo," saad niya habang naka ngiti parin. Lagi kasi kaming magkasama ni Jethro dati dahil magkatabi lang ang bahay namin. Sabay din kaming pumapasok sa school patin narin kapag umuuwi kami. Sobrang close kami dati ni Jethro pero ngayon.. hindi ako makatingin sakanya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nagkakaganito. "Punta ka, Hope. Matagal-tagal din tayong hindi nagkita. Gusto ko din sanang kamustahin ang baryo natin kaya gusto kong makipag kwentuhan sa'yo," saad ni Jethro habang naka nguso pa sa harap namin ni Reagan. "Bakla ang ampots," bulong ni sir Reagan dahilan para mapalingon ako sakanya. "Sige." sagot ko kay Jethro. Lumingon ulit ako kay sir Reagan saka ko siya kinalabit. Kunot nuo siyang lumingon sakin kaya mahina akong natawa. Hindi ko alam kung bakit parang galit na galit siya. "Pwede mo ba akong samahan mamayang gabi, sir Reagan?" tanong ko sakanya. "Hindi mo na kailangan ng kasama, Hope. Nandito naman ako eh," sabay ni Jethro kaya lalong dumilim ang mukha ni sir Reagan. "Sasama ako sa'yo, Hope. Mahirap na.. baka may manyak na lumapit sa'yo." saad ni sir Reagan habang nakatitig parin kay Jethro. Tumawa lang ng mahina si Jethro saka niya itinaas ang dalawang kamay niya na parang sumusuko. "Alis na ako, Hope. Naka duty pa kasi ako, kita nalang tayo mamayang gabi," saad ni Jethro sabay kindat sakin saka 'to naglakad palayo samin ni sir Reagan. Katahimikan ang bumalot samin ni sir Reagan, tumikhim ako saka ko kinalabit ulit si sir sa braso. "Kagigising mo lang?" tanong ko sakanya ng lumingon siya sakin. "Masama pakiramdam ko don sa kababata mo," pag-iiba naman niya sa usapan. Napakamot ako sa likod ng ulo ko at hindi ko nalang sinagot ang sinabi ni sir Reagan. "Gusto mo ng kape sir?" tanong ko sakanya. "Gusto ko ng alak. Pwede ba yun?" tanong niya sakin. Kumunot naman ang nuo ko saka ko kiniliti ang tagiliran ni sir Reagan. "Wag mong sabihing nag seselos ka sakin kaya ka naiinis kay Jethro. Type mo si Jethro?" tanong ko sakanya. "What the f**k! Hell no! Mukha palang niya mukang lampa na," saad ni sir Reagan habang magkasalubong ang kilay niya. "Eh? Hindi naman payat si Jethro ahh," saad ko dahilan para malukot ang mukha ni sir Reagan. "Pano mo naging kababata yun kung takot ka sa mga lalaki?" tanong sakin ni sir Reagan. "Ahm.. kasi.. hindi naman ako takot sa mga lalaki dati nong bata ako," sagot ko saka ako yumuko. Ayaw kong pag-usapan kaya yumuko nalang ako. Narinig ko ang malalim na buntong hininga ni sir Reagan saka 'to nagsalita. "Balik na tayo sa loob," saad niya saka naunang naglakad sakin. Inangat ko lang ang mukha ko ng makita kong medyo malayo na si sir Reagan sakin. Sumunod ako sakanya hanggang sa makapasok kami sa hotel kung saan kami nag s-stay. Sa bagal kong maglakad ay hindi ko na naabutan si sir Reagan sa elevator. Naghintay nalang muna ako na bumukas ulit ang pinto ng elevator habang pinipindot ko ang floor kung saan ang room ko. Nang bumukas ang pintuan ay agad akong pumasok sa loob saka ko pinindot ang floor kung saan ang room ko. Agad akong lumabas ng elevator ng bumukas 'to. Naglakad ako papunta sa harap ng pinto ng room ko saka ko binuksan ang pintuan gamit ang key card na dala ko. Humiga agad ako sa kama ng makapasok ako sa room. Ipinikit ko nalang ang mga mata ko habang ginagalaw ko ang dalawang paa ko na nakasabit sa gilid ng kama. Hanggang sa nakaramdam ako ng antok at pamimigat ng talukap ng mata ko. Nagising ako ng marinig ko ang mahinang katok sa labas ng pinto ng room ko. Bumangon ako ng mapansin kong medyo madilim ang kwarto ko. Agad akong lumapit kung saan ang switch ng ilaw saka ko 'to pinindot. Lumiwanag ang kwarto kaya naka hinga ako ng maluwag. Ayaw ko talaga sa dilim. Katok parin ng katok ang nasa labas ng pinto ko kaya agad akong lumapit don para pag buksan yun. Binuksan ko ang pintuan at bumungad sa paningin ko ang nag-aalalang mukha ni sir Reagan. "Damn it! Hope, akala ko umalis ka ng hotel room mo na hindi nag papaalam," inis niyang sabi sakin. "Huh? Nandito lang po ako sa room. Nakatulog kasi ako," sagot ko saka ko tinignan ang cellphone ko. "6:30pm na pala," saad ko habang nakatitig sa screen ng cellphone ko. "Yeah. Kanina pa ako tanghali pabalik-balik dito para yayain kang kumain pero wala namang sumasagot. Akala ko ay sumama ka sa kababata mo kaya nag-aalala ako sa'yo," seryosong sabi ni sir Reagan sakin kaya napakamot ako sa likod ng ulo ko. "Sorry po, sir." naka ngiwi kong sabi. "Ahm.. maliligo po muna ako sir. Magkita nalang po tayo sa lobby," saad ko kay sir Reagan. Tumango naman siya sakin saka 'to umatras ng ilang hakbang saka 'to tumalikod. Pumasok ulit ako para makaligo na. Ayaw kong pag hintayin ng matagal si sir Reagan. Nakakahiya dahil kanina pa pala niya ako hinahanap. Napasobra ang tulog ko kanina hindi ko tuloy namalayan na kumakatok pala si sir Reagan. Pumasok ako ng banyo at agad hinubad lahat ng saplot ko saka ko binuksan ang shower. Pumailalim agad ako sa shower saka ko kinuha ang sabon. Mabilis ang ginawa kong pagligo at agad na lumabas ng shower habang naka tapis ng t'walya. Kinuha ko ang fitted pants ko na nasa kama saka ko 'to isinuot. Pinulot ko din ang black na cotton longsleeve na nasa kama saka ko 'to isinuot. Nagmamadali akong nag suklay saka ko inayusan ang sarili ko kahit kunti man lang. Hindi naman kasi ako mahilig sa make up kaya pulbo lang talaga ako. Nang matapos na ako ay agad akong lumabas ng hotel room ko saka ako tumungo sa elevator para magpahatid sa lobby. Pagdating ko sa lobby ay naririnig ko na mula dito ang ingay ng musika. Hindi na sana ako tutuloy at parang gusto ko nalang bumalik sa hotel room ko. Mukang ito ang sinasabi ni Jethro na event kanina. Hindi naman ako mahilig sa party at drinks kaya babalik nalang siguro ako sa room ko. Sa outfit ko palang out of place na. Tatalikod na sana ako ng may humawak sa kamay ko. Nataranta agad ako kaya lumingon ako sa taong nakahawak sa kamay ko para sana hilain ang kamay ko. "Hope, saan ka pupunta?" tanong sakin ni Jethro ng makaharap ako sakanya. Bumaba ang tingin ko sa kamay niya na naka hawak parin sa kamay ko. "Ahm.. pwede bang.. bitawan mo ang kamay ko. Hindi kasi ako komportable," saad ko. Ano mang oras ay para akong aatakehin na naman ng takot. "Ayy, sorry. Hinawakan lang kita para pigilan," hinging tawad ni Jethro sakin na agad binitiwan ang kamay ko. Umatras ako ng kunti sakanya saka ko ipinalibot ang tingin ko sa paligid. Sa harap pala talaga ng hotel gaganapin ang event na sinasabi ni Jethro. Ang dami ding mga babae na naka suot lang na bikini habang nakikipag inuman. Napaka ingay ng paligid dahil sa lakas ng music. Nakakahilo din ang disco lights kaya mas lalo akong napangiwi. "Halika, Hope. Doon ka nalang muna umupo. Mag se-serve pa kasi ako ng drinks kaya baka mamaya pa ako makikipag kwentuhan sa'yo," saad sakin ni Jethro. Wala na akong nagawa kundi sumunod sakanya habang nakatingin ako sa paligid para hanapin si sir Reagan. "Dito ka nalang muna," biglang saad ni Jethro saka ako pinaghila ng upuan. "Sige," tipid kong sagot saka ako umupo. "Anong gusto mong drinks? Umiinom kaba ng beer o mga hard drinks?" tanong niya sakin na ikina-iling ko agad. "Juice nalang sakin," sagot ko na agad naman siyang tumango. "Sige, ikukuha kita. Dito kalang ha!" saad niya saka 'to umalis sa harap ko. Tahimik lang akong naka masid sa paligid at naka hinga ng maluwag dahil hindi nadadaanan ng tao kung saan ako naka pwesto. Nakita ko si Jethro na papalapit sa gawi ko habang may hawak 'tong tray. "Ito oh, enjoy kana muna sa juice mo, Hope. Balik ako dito kapag breaktime ko," naka ngiti niyang sabi saka 'to umalis sa harap ko. Sumimsim ako sa juice na binigay sakin ni Jethro na agad kong ikina-ngiwi. Hindi ko kasi bet ang lasa pero dahil wala akong magawa sumimsim nalang ulit ako saka ako yumuko. "Nandito ka lang pala," Nag-angat ako ng mukha ng marinig ko ang boses ni sir Reagan. Medyo madilim ang pwesto namin pero naaninag ko parin ang seryoso niyang mukha. "Kanina pa kita hinahanap," saad niya sakin. "Akala ko nandito ka sir Reagan," sagot ko. Hindi naman siya sumagot sa sinabi ko bagkos ay nakatitig lang 'to sa basong hawak ko na may lamang juice. "Sino nag bigay sa'yo niyan?" tanong niya sakin. "Ahm.. si Jethro po sir. Nakita niya kasi ako kanina habang hinahanap kita. Babalik na nga sana ako sa room ko dahil hindi kita mahanap," sagot ko. Hinila ni sir Reagan ang upuna na nasa tapat ko saka 'to umupo. "Alam mo sir.. parang iba ang lasa ng juice na 'to. Ganito ba talaga ang juice na sineserve nila dito?" tanong ko habang naka kunot ang nuo ko. "Panong ibang lasa?" saad naman niya saka inagaw sakin ang basong hawak ko. "Amoy pomelo siya sir eh, pero hindi siya lasang pomelo," saad ko. Sumimsim naman si sir Reagan sa baso na may lamang juice saka niya inilapag ang baso sa harap ko. "Lasang pomelo naman ahh," saad niya sakin. "Baka hindi ko lang po talaga bet ang lasa," sagot ko saka ko kinuha ang baso saka ko 'to ininom. "Ayaw ko na po sir. Hindi ko talaga bet ang lasa," saad ko kay sir Reagan na napa-iling nalang sakin saka niya kinuha ang baso saka niya 'to ininom. Inubos yun ni sir Reagan saka niya inilapag ang baso sa lamesa. Inilibot ko nalang ang tingin sa mga taong nagsasaya habang nag sasayawan. Ang iba pa nga ay naghahalikan na, parang wala silang pakialam kahit may makakita sakanila. Bigla akong pinagpawisan kaya pinaypayan ko ang mukha ko gamit ang kamay ko. Ang init ng pakiramdam ko kaya tumingin ako sa paligid. Pinagpapawisan talaga ako, pati ang batok ko ay pawis na pawis narin kaya inangat ko ang buhok ko para mahanginan man lang 'to. "Ang init po sir Reagan," saad ko habang pinapay-pay ko ang kamay ko sa leeg ko. "Ako din. Naiinitan din. Malamig naman kanina," saad din ni sir Reagan habang nag papahid ng pawis sa nuo niya gamit ang kanyang kamay. Kumunot tuloy ang nuo ko dahil akala ko ay ako lang ang naiinitan, pati din pala si sir Reagan. Hindi ko talaga maintindihan ang nararamdaman ko, para akong nilalagnat dahil sa init ng katawan ko. Parang gusto ko tuloy mag hubad ng damit sa sobrang init na nararamdaman ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD