***if you're homophobic, you can skip this part. "DOES your game ends here?" tanong ng baritonong boses ng bagong pasok sa silid ni Roy. Seryoso ang mga tinging pinukol ni Jim sa lalaking nakatayo sa gitna ng kwartong 'yon habang yakap-yakap nito ang sarili. "Take him," mariing utos nito nang nakatuon ang paningin sa nagngangalang Mr. Hilard na 'di lingid sa kaalaman niya ang pangalan. Sinunod naman ng mga tauhan nito ang utos ni Roy. Ngunit bago pa man madampot ang tinutukoy ay agad na nagpumiglas iyon. "Goddammit! What do you thing you're doing? I followed what you told me to do and that is to drug the Moore that day. Pero pagkatapos ng lahat ng ginawa ko para sa inyong mag-ama, itatapon mo lang ako ngayon na parang basura," singhal nito. "I—" Hindi na niya pinatapos pa ang sasabi

