NANG makabalik sina Demi sa kanilang hotel room. Pagpasok pa lamang niya ng pinto ay sinalubong agad siya ng mahigpit na yakap ng pamilyar na pigura ng kapatid. Kahit hindi na niya tanungin pa kung sino 'yon ay kilalang-kilala na niya ang nagmamay-ari ng bisig na 'yon. Agad siyang gumanti ng yakap. Mas mahigpit 'yon, punong-puno ng pagmamahal at pagkasabik na muling mahagkan ang kapatid ss mahabang panahon. "Did they hurt you?" halos paos na tanong nito. Yakap man nito ay nagawa niyang umiling. Doon ay lalo lamang humigpit ang pagkakabalot ng mga braso nito na animo'y wala itong balak na pakawalan pa siya kahit na kailan. "I'm sorry if I let you get involved in this mess," mayamaya'y hinging paumanhin nito. "Kuya, wala kayong kasalanan sa nangyari. It was actually my fault, hindi dapat

