PAPAANO ni Demi irerehistro sa isip niya ang huling narinig? Ang mismong ama ni Roy ang nag-utos na ipapatay si Divo, kaya ba sinisisi ni Roy ang sarili sa mga nakalipas na panahon na ang buong pag-aakala nitong namatay talaga ang kapatid niya? Inamin naman nito 'yon sa kanya. Ngunit agad niyang napatawad ito dahil sa paliwanag na ibinigay nito sa kanyang balak sanang iligtas si Divo, ngunit may ibang tao na nanamantala niyon, at iyon nga ang nangyari sa kapatid niya nang magresulta ang aksidenteng kinasangkutan nitong masira ang mukha ni Divo. Subalit hanggang doon na lamang ang alam niya. It is beyond her ability to understand things further. Saka 'di kahit kailan sumagi sa isip niya na ang mastermind niyon ay si Mr. Laxamana mismo. Kung totoong may nagkakaroon ng information overload,

