"WHO are we waiting here?" tanong na ni Demi. Napansin niyang kanina pa sila ni Zain sa loob ng sasakyan. Batid niyang may hinihintay silang dumating subalit lumipas na ang halos kalahating oras ni anino niyon ay 'di pa niya nakikita. Ipakikilala ba nito sa kanya ang nagmamay-ari ng singsing na suot-suot nito? Sana man lang ay sinabihan siya agad nito para kahit papaano'y makapaghanda-handa siya sa kanyang magiging hitsura matapos na ipakilala nito ang taong 'yon. Kahit alam niyang masasaktan lamang muli siya na hayaan ang sariling sumama pa rin dito. Traydor ang puso niya at 'di marunong makinig sa puso niya, kaya't hayun siya hinahanda ang sariling paparating na muling sakit. Sinulyapan sandali ng kasama ang screen ng hawak na cellphone. "She's here," anunsyo nito. Doon ay lalong l

