"HIJA, hindi rin naman tayo magtatagal. Gusto ko lang makilala mo si Dr. Kinston," paliwanag ng ama ni Demi sa anak na noo'y tila malalim ang iniisip. Hindi talaga alam ni Demi na kaya siya isinama ng ama sa lakad nitong 'yon noong araw na 'yon ay dahil tinuloy pa rin niyo ang huling sinabi sa kanyang ipakikilala siya sa doktor na katrabaho nito. Wala na siyang oras na tumanggi dahil 'di rin naman ipinaliwanag sa kanya ng ama na maigi kung para saan ang lakad na 'yon. Natagpuan na lamang niya ang sariling um-oo sa anoman na imungkahi ng ama. She dresses formal that day. Thinking they'll be visiting her mom earlier than they have planned. Ngunit ibang plano pala ng ama ang itinuloy. Nakita niyang tumayo ang ama upang salubungin ang kadarating lamang na marahil tinutukoy nito. Maging siya

