"HOW was it? Nagkausap na ba kayong dalawa ni Demi? Have you two cleared everything?" sunod-sunod na tanong ni Gino kay Zain. Sakto na nagkita silang magkaibigan para may bilhin sa isang gaming store. Balak lang sana noon na bumili ni Zain ng kapalit sa nasirang cable niya sa paglalaro. Nang makita niyang naroon din ang kaibigan na si Gino, ngunit nagdududa siyang aksidente lamang ang pagkakataong 'yon. His friend owns that store. Nagkataon ding malapit 'yon sa neighborhood kung saan siya nakatira. Mukhang sinasadya talaga niyon na makasalubong siya sa pagmamay-ari nitong lugar. "We have talked already," sagot niya sa tanong nito kung ano'ng nangyari sa pagkikita nila ni Demi four days ago. "And?" muli ay tanong nito nang lumipat siya sa kabilang bahagi ng shelf. "May iba pa ba akong

