NANATILI muna sa labas si Demi kasama ang wala pa rin sa huwisyo na si Zain. Pinaupo niya muna ang binata sa isang bahagi ng bangketa. Malinis naman at nasa ligtas naman na pwesto ito kaya't tiwala siyang walang mangyayari ritong masama kahit malingat lamang siya sandali. Nang hindi pa man siya nakalalayo mula rito nang marinig niyang tila dumaing ito. Dali-dali na napabalik tuloy siya upang tingnan ang lagay nito. "Hey, are you okay?" nag-aalalang tanong na niya. Magiging doktor na siya subalit ni magawang hawakan ang katulad nitong nagkakaganoon ay 'di niya magawa. Gusto niyang maging maingat na hindi siya magkamali, ayaw niyang oras muli na magdaiti ang balat nila ay manumbalik sa sistema niya ang damdamin na hindi na akma para sa kanila. Nang hindi sumagot ang binata ay saka naman

