"KUNG iniisip mo na ayos lang siya sa mga nakalipas na taon. Doon ka nagkakamali, she was hurt. Hanggang ngayon, she was still in her healing stage," wika ni Gino. Kaya nais na niyang marinig ang paliwanag na ibibigay sa kanila ni Zain. Ngunit tila mali yatang sila pa ang mauna samantalang si Demi ang dapat na unang makarinig niyon. Sinabi naman ni Zain na bago niya nagawang magpaliwanag kay Demi, nauna na raw na umalis ang dalaga. Binlock din daw ni Demi ang numero nito. Serves him right. May pag-aalinlangan kasi sa kanyang kaibigan na sabihin ang tunay na rason sa matagal na hindi nito pagpapakita sa kanila o maging pagpaparamdam, ang anak lamang ni Cloud ang tanging nakakausap nito. "I've been trying to fix my father's wrongdoings while I'm away. Isa pa ro'n nalaman ni Frost na kila

