SA dinarami-rami ng squad na sasalihan ng kapatid ni Demi na si Divo ay ang Hollow squad na nakalaban ng kanyang team noong grand finals ng national. Pinanood niya ang nangyaring laban kung saan ay ipinakita lamang at walang dudang ang kapatid niya ang naglalarong core player. Ngunit ang dahilan kaya ito bumalik upang maglaro ng kaparehong laro na muntik ng kumitil sa buhay nito noon ang 'di niya maintindihan. Kaya naman hirap siyang malaman ang susunod na hakbangin na gagawin gayong limitado lamang ang kilos niya kapag siya lang mag-isa. Gayong hindi rin siya pwedeng maging padalos-dalos at baka malagay na naman ang buhay niya sa alanganin. Sa ngayong mahalagang mabantayan niya ang bawat kilos ng pinsan. Saka niyang muli naalala ang kakaibang kilos ni Jim sa mga nagdaang araw. Hindi nam

