KAHIT mayroon ng tatayong core player sa team. Gusto pa ring subukan ni Zain na maglaro gamit ang palaging picking. Hindi na mahalaga sa kanya kahit mapagsabihan siyang dapat ay siya na ang nag-adjust gayong nakapili na ang kasama. By just looking at Simon's inviting face for a match between them. 'Di niya 'yon tinanggihan nang wala rin namang nag-react sa grupo nila ngunit batid niyang napansin ng lahat. Ilang sandali lamang at nagsimula na ang laro, at dalawa mula sa team nila ang magiging core kaya halos walang nagbabantay ng mga lane. Kitang-kita tuloy na hirap na hirap mag-defense ang mga nasa lane dahil kulang ng isa. "I need help here at the toplane," biglang wika ni Gino na noo'y mag-isang nakikipagbuno sa dalawang kalaban. "Go Miles," aniya nang tinutukoy na sumama na roon ang

